Chapter 11

1.4K 41 6
                                    

"Wow!" I exclaimed.

Nakarating na kami ngayon rito sa Hundred Island. Nakapag book na kami ng hotel sa pinakamalapit dito. Iniwan na namin ang gamit namin doon. Pasado alas tres nang makarating kami rito kaya medyo mainit pa. Nakapagahinga na rin kami sa hotel.

May agent na kami na nakausap dito, kaya mga nakahanda na siyang itinerary para sa amin. Lahat ng activities namin na pwedeng gawin ay binayaran naming lahat upang mas masulit namin ang bakasyon namin dito.

We book for 4 days and 3 nights. Magkasama kaming lahat sa isang hotel room, ang pinakamalaki na ang kinuha namin upang may paghigaan ang dalawang lalake. Magkasama si Lia and her friend sa isang kwarto, samantalang si Mica and ang boyfriend nito sa isang room, samantalang si Thea at ang boyfriend nito sa isang kwarto rin, so kaming mga single ay natira sa iisang kwarto while Eli have his own room. Ang daya naman, dapat may boyfriend rin ako para dalawa rin kaming magkasama.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" Eli said. Nasa gilid ko ito habang naglalagay ng sunblock sa katawan niya. Alagang alaga eh.

"Gusto ko rin ng boyfriend." Ani ko. Natigilan ito sa paglalagay ng lotion habang may supil na ngiti. "Gusto ko rin ng may kasama sa kwarto! Ang daya naman kasi!" Nagmamaktol na ani ko.

Umubo ito para bang may mali sa sinabi ko, kaya tinignan ko siya ng masama.

"You can sleep in my room, if you want." Sagot niya at pinagpatuloy ang paglalagay ng lotion.

"Ano ka sinuswerte?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako uto uto 'no."

"Weh? Bakit nauto ka ng ex mo?" Aba hindi pa talaga papatalo.

"Talaga ba tol? Dapat sinapak mo." Ani ko saka umirap sa kaniya.

Natatawang lumapit ito sa akin saka ako pinahiran ng sunblock sa mukha. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya dahil hindi naman ito papaawat. Eli pa ba? Hindi papatalo 'yan.

Nakasuot ako ng isang bralette habang naka maong shorts na lamang ang pababa ko na nakabukas ang botones, hindi ako pwedeng mag cycling dahil babakat ang pussy cat ko. Hirap talaga.

"Hey love birds! Come on, join us!" Sigaw ni Lia. Nakayakap pa ito kay Emma, nagagtatawanan silang dalawa.

"You done?" Tanong ko kay Eli. Natigil na kasi ito sa paglalagay ng sunblock sa akin.

"Yeah, wait. I will just put this inside my bag." Ani nito saka tumakbo na patungo sa lagayan ng mga gamit namin.

"Bilisan mo!" Tumingin ako kay Eli, nagkandaugaga na ito sa paglalagay ng gamit sa bag niya.

Natatawang nauna na akong tumakbo sa kaniya patungo sa dagat, mag s-swimming muna kami saglit bago kami sumakay sa banana boat na nirent namin.

Kinakapa ko pa ang ilalim ng dagat hanggamg makarating ako sa pwesto ng mga kaibigan ko, natatawang yumakap ako kay Yusra at sumampa sa kaniya.

"Hey!" Yusra said. "Bakit hindi ka sa boyfriend mo mag ganito? Para kang dikya eh."

Aba gago 'to ah! Dahil sa sinabi niya mas lalo pa akong kumapit sa kaniya. Nataranta pa ako ng naglakad siya patungo sa abot niyang parte. But since mas maliit ako sa kaniya hindi ko na abot ang sahig.

"Yusra! Okay! Okay bibitaw na ako, just let's go back sa abot ko! Please?" Ani ko, hindi ako marunong lumangoy kaya medyo kabado bente ako sa ganito.

"I told you." Sagot nito saka dahan dahang naglakad sa abot kong parte. Binitawan ko siya nang nakasimangot kaya tuwang tuwa ang gaga.

Pagbigyan, broken hearted eh.

Pirouette DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon