Chapter 29

1.5K 41 14
                                    

"Thank you for coming." Nathan's father hugged me nang malabas ako ng airport, siya ang personal na sumundo sa akin.

"Kumusta po kayo?" Tanong ko rito. Sumakay na kami ng sasakyan.

"Ito, hindi na alam ang gagawin." Matamlay itong ngumiti sa akin. "Hindi ko alam na parehas pala sila ng nanay niya na may leukemia."

"Ano po bang sabi ng Doctor?" Tanong ko rito.

"They asked me if I wanted to continue his treatment, but my son already decided, hindi na kaya ng katawan niya ang lahat ng gamot at mga karayon na tumutusok sa balat niya, kahit masakit tinanggap ko dahil baka lalong lumala lamang ang kalagayan ni Nathan. The doctor asked about my opinion ngunit ang kay Nathan na lamang ang pinakinggan ko." Lumuluhang bumaling ito sa akin. "Hindi alam ni Nathan na nandito ka, hindi ko sinabi dahil ayaw niyang makita mo ang kalagayan niya."

Nakaramdam ako ng pamamara sa aking lalamunan ngunit pilit ko itong kinukubli. "I'm sorry, Tito..."

"It's okay, iha." Ngumiti ito sa akin at tinapik ang balikat ko. "Ikaw lang kasi ang babaeng minahal ng anak ko at ikaw din ang dahilan kung bakit gusto niyang gumaling, kaya gusto kong makita ka niya kahit sa huling pagkakataon lang, mapasaya ko ang anak ko, because that's what parents do."

"Naiintindihan ko po." Sagot ko rito. Naging tahimik ang byahe namin hanggang makarating kami ng hospital. Si Tito ang tumulong sa akin sa mga bagahe ko.

"Are you ready, Rishi?" Tanong nito.

Tumungo ako sa kaniya bilang sagot, dahan dahan niyang binuksan ang pinto.

Parang may tumamang pana sa puso ko ng makita ko ang kalagayan ni Nathan. Sobrang namayat na ito at ibang iba na ang itsura. He was now bald dahil sa mga treatment na natanggap niya ay naglagas ang buhok nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ng unting unting humakbang ang paa ko palapit dito. May kung anong mga bagay ang nakakabit dito, hindi ko alam kung para saan ba.

"N-Nathan..." I whispered.

Bumukas ang mata nito, hinanap kung sino ang nagsasalita. Umupo ako sa upuan malapit sa tabi niya.

"R-Riri?" Takang tanong nito, namaos ang boses nito.

Nagtama ang tingin naming dalawa, hindi ko mapigilang umiyak nang makita ko muli ang kaniyang mga mata. Ang mga matang minsan ko na rin minahal.

"Why are you here?" Sobrang hina ng boses nito. "You shouldn't went here."

Umiling ako, hinawakan ko ang kamay niya at dinala ito sa mukha ko, hinalikan ko ang palad nito. "I wanted to see you."

Mahina itong tumawa sa akin. "Ang panget ko na 'di ba?"

"No... You still look great." Ngumiti ako rito. "You look handsome, katulad ka pa rin ng dati."

"Sinungaling ka talaga."

"Nagsasabi ako ng totoo." Ani ko rito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, may luhang gustong kumawala sa mga ito ngunit pinipigilan niya.

"What about your boyfriend? Alam ba niyang pumunta ka rito?"

"Wala na kami." Sagot ko. "I broke up with him."

"Why? You don't love him anymore?"

"Mahal na mahal ko siya, but I needed to go." Ani ko rito.

Pirouette DarknessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant