Forget 25

1.1K 29 4
                                    

What happened last night is Vivid
Halos gusto konang pukpukin ng bato ang ulo ko para makalimutan ang nangyari kagabi

"Hey talk to me"

Sinamaan ko ng tingin si Caleb, kanina pa itong sunod ng sunod sa akin tinakasan ko sya pag gising ko pero wala pang ilang minuto ay nandito na sya sa tapat ng bahay namin

"What happened last night is wrong, Caleb nag iisip kaba? Ikakasal na ako mas mabuti pang kalimutan na natin Yung kagabi"

Tumawa Lang ito sa sinabi ko pero halatang naiinis na sya

"Nag iisip ako Chloe, kaya ko ginawa yon dahil iniisip Kong baka Hindi kana mapunta sa akin, Mahal kita eh Yung pag mamahal na kayang gawin lahat kahit masama na basta mapasaakin kalang"

"Caleb"

"What? Hindi Mona ako Mahal? Kahit Hindi na ,okay lang kesa Naman Makita kitang hawak ng iba mas Hindi ko kaya Chloe, Please..."

Para akong manghihina habang tinitignan ko sya at mas lalong Hindi Kona kinaya ng lumuhod na ito sa harapan ko

Hindi...
Hindi ito si Caleb, Hindi ganito Yung Caleb na kilala ko

"Caleb please... Stand up" halos bulong nalang na sabi ko

"Please Comeback to me"

Ipinikit ko nalang ang mata ko saka umiling ayoko Makita ang reaksyon nya, Masakit makitang ganito sya

"I can't Caleb, you know why" kahit Mahal ko sya

Nanatili itong nakaluhod ng idilat ko ang mata ko "I can talk to him Chloe, Kung kailangan Kong mag makaawa gagawin ko pakawalan kalang nya"

"I made a promise Caleb, nangako ako Kay Shawn na pag gagaling sya papayag akong maikasal sa kanya"

That's the truth ng mag punta ako sa Canada ay nakilala ko si Shawn may sakit sya, naging magkaibigan kami at ipinangako Kong mag papakasal kami pag gagaling sya para narin Kay Maureen, sa anak nya

Nakita ko Kung paano sya lumaban sa sakit nyang Cancer, at sobrang saya ko ng nakayanan nya ito kinaya nya para sa anak nya, Yung anak nyang  humihiling ng buong pamilya

Hindi ko yata kakayaning maranasan ni Maureen ang mga naranasan ko noon.

"Chloe---"

Hindi natuloy ni Caleb ang sasabihin nya ng mag ring ang Cellphone ko, my mother is calling

"Ma--"

"Chloe where are you, nasa hospital si Shawn!"

Halos manginig ako sa kaba ng marinig ko ang pagka taranta ni mommy, iniwan Kona  agad si Caleb at mabilis akong pumara ng taxi

Nang makarating ako sa hospital ay Nakita Kong umiiyak si Maureen

"What happened!"

"Ma!"

Kaagad Kong pinatahan si Maureen ng malapitan ko ito, habang si mommy ay may kausap sa cellphone

"Mommy what happened to Shawn? Naaksidente ba sya?" Tanong ko ng ibaba nya ang cellphone na hawak nya

"What? May sakit sya Chloe"

"Nilalagnat ba sya?"

"Chloe matagal na syang may sakit! Ano bang pinagkakaabalahan mo at pati yan ay Hindi mo Alam! Kanina kapang umaga tinatawagan pero Hindi ka sumasagot Hindi ko rin Alam Kung saan ka mahahagilap!" Galit na galit na sigaw ni mommy na nakapagpatahimik sa akin mas lalo naring umiyak si Maureen

Nanghihina akong napa upo

"Labas pasok na si Shawn sa hospital Chloe at ngayon kolang nalaman tapos malalaman ko nanamang pinapabayaan mo sya? Ano bang nangyayari sayo!"

Tuluyan na akong napaiyak

"I d-dont know"

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala, paulit ulit Kong naririnig ang mga sinabi ni mommy pakiramdam ko ay wala akong kwenta.

"Excuse me ma'am pwede na po kayong pumasok sa loob" nilingon ko ang nurse at walang imik na pumasok sa loob, ilang minuto Kong pinakalma ang sarili ko kanina pero heto nanaman ako umiiyak

"Shawn...why!" Bungad ko ng idilat nito ang mata nya

"Bakit naman ganito, ikakasal na tayo get up please!" Panay ang tulo ng luha ko tumawa lang ito saka pinunasan ang luha ko

"Kala ko ba ayaw mo akong maging asawa hmm future wife" nakangiti nitong sabi

Bakit hindi ko manlang napansin na pumayat na sya? Na mas naging maputla sya kumpara nung una naming uwi dito sa pilipinas

"You can call me future wife Caleb! Just please mag pa galing ka paano si Maureen" mas lalo akong napaiyak ng Makita Kong lumuha narin ito

"Andyan ka naman Chloe please take care of her, Mahal na Mahal ko sya"

Panay ang iling ko habang umiiyak

"No, I can't Hindi ko kaya mag isa kailangan kanya kailangan nya ng Daddy"

"Kamusta kayo ni Caleb?"

Natahimik ako sa tanong nya

"Kaya nya Naman alagaan si Maureen diba? Kayo nyong dalawa"

"Why? Kaya moba ako tinutulak pa balik sa kanya dahil may sakit ka parin? What happened Shawn kala ko ay magaling kana"

"Hindi na ako gagaling Chloe, matagal konang alam yon lumaban Lang ako, inisip ko na kahit konting panahon manlang makasama ko ang anak ko, hindi ko sya kayang iwan pero Hindi pala lahat ng gusto ko pwede"

Hinawakan nito ang kamay ko

"I love you Chloe, kahit ngayon manlang masabi ko ang nararamdaman ko kase baka bukas wala na ako" binawi ko ang kamay ko saka sya mahinang hinampas

"Don't say that! Mabubuhay kapa"

"No Chloe look at me"

Umiling lang ako habang nakayuko, I can't... Masakit sa dibdib mabigat ayoko
Bakit Hindi ko manlang nahalata?

"Chloe look at me" inangat nito ang baba ko saka marahang pinunasan ang luha ko
"Matagal na akong sumuko, pero dahil kay Maureen lumaban ako dahil sa pangako mo lumaban ako, pero kahit anong Laban ko wala talaga ayaw akong iwan ng sakit ko, Hindi narin tinatanggap ng katawan ko ang Gamot"

"Promise me Chloe alagaan mo ang anak ko o kaya ay dalawin mo sya kila mommy, nakaayos narin ang pera para sa pag aaral nya naka transfer narin sa kanya ang mga properties ko, please guide her she need a mother"

Mas lalo akong napahagulhol sa sinabi nya, planado na lahat... Pero Hindi pa ako handa

"Shawn you love me right? Magpakasal na tayo"

Tumawa lang ito sa sinabi ko saka sya malungot na ngumiti

"Pero Hindi na ako gagaling Chloe"

Agad akong umiling "I don't care about the promise let's get married Shawn Hindi ka pwedeng umalis ng Hindi ako napapakasalan"

Ngumiti Naman ito bilang pag sangayon

Forgetting Caleb (Falling series #1) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora