Forget 17

873 20 4
                                    

"sa panahon ngayon kaibigan nalang ang tunay"

"Chloe lasing kana"

Napalingon ako Kay Megan na syang umaalalay sa bawat tagay ko

"Ah oo lasing nako nakalimutan Kong Hindi nga pala kami tunay ni Caleb"

"Alam mo you should talk to him muna"

Napairap ako ng marinig ko ang maarte language nya

"Yeah? Hindi paba malinaw na nagsinungaling sya, hindi lang isang beses meg..."

"Nandon na tayo sa nag sinungaling sya pero hindi ba mas mabuting mag usap muna kayo?"

"Tama kaya ngayon uuwi na tayo at bukas mag uusap kayo" sabi ni jaila saka ako inalalayan tumayo

"How? Paano ko sya kakausapin?"

"Puntahan mo sa school nila"

Napaisip ako
Fine bukas kakausapin ko sya...

Kinabukasan ganun nga ang ginawa ko Hindi ako umattend ng last class ko ng hapon para maabutan ko sya sa school nila
Madaming napapalingon sakin habang naglalakad ako sa hallway, dahil narin siguro sa uniform na suot ko

"Hi kilala nyo ba si Caleb?" Tanong ko sa tatlong babaeng nadaanan ko

Nakita ko ang pasimpleng pag irap ng isa sa kanila pagkatapos ako tignan ng taas baba

"Yung engineering student?" Tanong nung isa

"Yung Playboy?" Dagdag pa nung isa saka tumawa

Alanganing ngiti lang ang sinagot ko, agad din naman nilang tinuro ang di kalayuang mga lalake na nag lalakad

"Yan tanungin mo barkada nya" sabi nito
Nag pasalamat Naman ako bago sila tinalukuran nakailang hakbang palang ako ay nagsalita ulit ang mga ito "ingat ka gurl daming jowa ng jowa mo dito"

Saglit akong napahinto saka agad ding naglakad ng Hindi sila nililingon

"Wait!" Tawag pansin ko sa tatlong lalake na itinuro ng tinanungan ko kanina

Lumingon Naman ang mga ito saka ngumiti
"Yes miss?" Tanong ng isa sa kanila

"Uh do you know Kung asan si Caleb?" Alanganing tanong ko

"Uh girlfriend?" Tanong nila agad naman akong tumango

Alanganin ngumiti ang isa sa kanila saka napakamot ng ulo nakita ko naman ang pagsiko ng isa sa kanila

"Pre pumasok ba sya? Parang diko na pansin eh"

"Di yata pre, uh miss absent yata"

Ngumiwi nalang ako dahil mukhang nagsisinungaling naman sila, akmang tatalikuran Kona sila ng Makita ko si Red na pababa ng hagdan at Hindi ako nagkamali kasama nya si Caleb

"Tsss sinungaling..."

Nilampasan ko ang tatlo at sinalubong ko Naman sila Caleb

"Caleb" tawag ko dito at nang lingunin nya ako ay nakakunot ang noo nito mukhang nagtataka Kung bakit ako nakarating dito

"What are you doing here baby?"

Baby huh?

"Can we talk?" Agad na tanong ko I don't want to waste my time

"Okay but let's go home first"

"Oh live in, kaya pala Dina nag ba bar may inuuwian na pala" tatawa tawang sabi ni Red

Nag umpisa namang umingay ang paligid hindi ko alam Kung kami ba ang pinaguusapan o sadyang nakatingin lang sila sa amin habang nag sasalita

Deretso Ang lakad ko paalis habang nakasunod sa akin si Caleb, maraming nakasunod na tingin sa aming dalawa pero hinayaan koyon nanatili din akong tahimik sa byahe

"Explain" agad na sabi ko ng marating namin Ang pintuan ng apartment ko

"Ang alin---"

"Yung kagabi!" Inis na sabi ko saka sya tiningnan ng masama
"What are you doing to my parents house? Sabi mo may emergency! Ano?"

"My mom is there Chloe, she keep on calling me that night and I can't say no to her"

"You don't need to lie..." Mahina Kong Sabi saka pinakalma Ang sarili ko "and ano tong nabalitaan Kong Wala kang girlfriend"

"What? You are my girlfriend"

"Yun nga eh! Caleb ako girlfriend mo pero Hindi nila Alam, siguro Kung ibabalita ko sa campus nyo Kung ano mo ako pagtatawanan Lang nila ako"

"I can't understand you Chloe, sa loob tayo mag usap" kalmadong Sabi nito saka ako hinila papasok sa loob

"Hindi mo maintindihan? Ang simple lang...sino ba ako sayo? Anong pinagkiba namin ni Sabrina?"

Natahimik ito...

Bakit pa kasi ako nagtanong alam ko Naman ang sagot

Pero para akong nabingi ng sabihin nya yung salitang kinakatakutan ko

" I love you"

Oo... Takot ako, takot ako kasi baka hindi yon totoo, baka nasabi Lang niya sakin yon kasi nakakaawa ako, na baka nadala lang sya dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko

"I love you Chloe--"

"Stop!"

"Chloe listen to me first I Love yo--"

"Please stop! Siguro na gui- guilty kalang kasi Ang bata kopa tapos nakuha Mona ako, siguro naaawa kalang kasi Yung mga magulang ko Hindi mabigay yung pagmamahal na kailangan ko..."
Unti unti na akong napaupo sa sahig habang sunod sunod na tumulo Ang luha ko

"That's not true Chloe, don't think too much I'm not like them..."

Unti unti akong kumalma ng yakapin ako ni Caleb, mabigat ang dibdib ko halos Hindi na ako makahinga, pinili ko nalang ipikit ang mga mata ko para tuluyang kumalma pero...

Hindi ko rin mapigilan mag isip...
Bakit ba lagi nalang akong umiiyak?
Ang layo ko sa kanila pero bakit lagi nalang silang damay, problema nanga siguro ang papel nila sa buhay ko...

Yan Ang huli Kong naisip bago tuluyang bumigat ang talukap ko

"Sleep tight baby"

Forgetting Caleb (Falling series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now