Chapter 2

11 1 1
                                    

Nakatingin lamang si Sonja sa lalaki habang kumukuha ito ng mga materyales para sa pagpipinta.

She is wearing a clean robe he gave her. Nasa lamesa na ang kanyang punit na wedding gown.

"Kailangan mo pa ng brush?" tanong niya rito.

"Well,  of course. Sabi mo you want me to paint your dress, diba?" Hindi ito tumingin sa kanya habang pumipili ng kung anu-ano na hindi alam ni Sonja.

She is not a fan of art and she just want to ruin the dress.

"I mean, lalagyan mo lang ng pintura. I want to ruin this gown!"

"Baka magalit nga si Vera Wang, come here." Utos ng lalaki.

Ayaw ni Sonja na inuutusan siya, she remembered Cole. Pala-utos ang dating nobyo.

"Okay, miss. We will make Vera Wang proud." He joked. "I mean, ayokong gumawa ng pangit na obra. I love aesthetic and art."

"So, pagagandahin mo itong dress ko?"

"Let's say, gusto ko lang na kapag umalis ka eh naka-ngiti ka because you are wearing an art piece. I know, it may sound weird but, Vera will scold me if she knew I did her dress ugly."

"Kilala mo siya?"

"Oo, google?"

Hinampas niya ang balikat ng lalaki.

"Kung makapag-salita ka parang close kayo eh sa google mo lang pa nakilala. Ay nako, ewan ko sa iyo. Akin na nga yung pintura ang dami mong kuda, ako nalang magpipintura."

"No, I have so many ideas on what to paint on this dress. Let me."

"Sige pero dalian mo ah, baka hinahanap na ako." Saad niya sa binata.

"No worries, madali lang ito. Actually, nanalo ako sa high school sa pinaka-mabilis matapos magpinta." He shared.

"Well, I hope it was creative." Biro niyang sabi.

"It is, see that painting hanging on your left. Yung naka-white na frame. That was it." Sabi ng lalaki habang nagsimula na itong magpinta.

"Wow, ang galing mo naman. Mahal siguro talent fee mo ano?"

"Alejandro. That's my name." Pagpapakilala niya.

"Alejandro." Pag-uulit niya sa pangalan ng lalaki.

It sounds good on her tongue. She likes his name, it suits him. So manly.

"Tapos ka na bang ulit-ulitin ang pangalan ko?" Napakurap siya sa sinabi nito.

"Ha?"

"You kept saying my name na parang- well, nevermind. Ano pala ang pangalan mo?"

"B-bakit?"

"Para masingil kita sa talent fee ko. Clearly, wala kang dalang pera." Sabi nito. Nangangalahati na ito sa pagpipinta.

"My name is Sonja Rojas." Pagpapakilala niya.

Hindi kumibo ang lalaki bagkus ay patuloy lamang ito sa ginagawa. Hindi man lang siya nito pinansin habang siya ay naguguluhan.

'Sonja, what were you doing? Don't say you already fall for this green eyed painter. That is absurd!'

'You kept, saying his name. Damnit!'

Siguro hindi siya mababaliw sa nangyari sa kanila ni Cole pero sa presensya ng lalaki ito.

Being with this man inside the four corners of this art shop makes her forget the betrayal of Cole.

Maybe it is because of the beautiful paintings here.

Inulit-ulit niyang sabi sa sarili.

"Done." Narinig niyang sabi ng lalaki.

"Ha?" 'Yon lang ang nasabi niya habang inaayos ang kanyang sarili at ang robang suot.

"Tapos na. It is already dry, so you can wear it. I hope you like it, Sonja." He said.

"Thank you. Magkano?"

"A coffee will do."

"Sure, let me dress. Let's go to a coffee shop. Gutom na ako. Gusto ko ng cake." She took the dress and went inside a room where she changed.

Nasa labas si Alejandro habang nakatingin sa mga materyales na ginamit niya.

"Wow, after days of being uninspired I finish one for an hour and it is a friggin' wedding dress." Masaya niyang sabi sa sarili.

Ilang sandali ay lumabas si Sonja.

The woman was so beautiful and it made her look like a walking art piece, not because of his painting but her looks.

Nakalugay na ang buhok nito na kanina lang ay naka-French braid.

"How do you like it?" Tanong niya sa kleyente.

"I don't like it."

Nasaktan siya sa sinabi nito. He worked hard for it.

"I love it." Dugtong ng babae. She is smiling so wide pero mapupungay pa rin ang mga mata nito.

"Come, let's go that coffee shop." Anyaya niya sa babae.

Sonja likes her self portrait in her gown. Kuhang-kuha nito ang mukha niya. The flowers are also beautiful, roses and peonies are her favorites.

"Iyan lang ang order mo?" Tanong niya sa lalaki.

"Oo, eto lang. Kape lang talaga gusto ko. Eh, ikaw sure ka ba talagang hindi ka magkaka-dyabetis sa oder mo?" He asked her.

"Hindi naman. Tsaka, I need sweets para mawala ang bitterness sa system ko." She explains. Actually, she has a sweet tooth kaya paborito niya ang cakes, ice cream, milkshake at kahit na anong matatamis na bagay.

"Ikaw bahala. So, Sonja, I know this feels like I am intruding or something like that. What really happened? Paano ka napunta sa shop ko?"

"I caught my fiancee cheating." Hs sighed.

"Well, no need to tell me the story. Nakakahiya kung iiyak ka, akalain pa nilang ako nagpa-iyak sa iyo." Sabi ni Alejandro.

Hinampas niya ang balikat nito at ngumiti.

"It is better if I share it para mabawasan kaunti. Don't worry, I don't cry easily. Tapos ko nang ginawa iyon." She told him.

Nakatingin lang sa kanya ang lalaki.

"The other woman, she doesn't know that he is on a relationship. She only knew last week and she wants to take revenge and save me from him.

"She said, kung ginawa na niya ay baka gawin pa rin niya ito ng paulit-ulit. So, I ran away wearing my wedding gown.

"Nagdadalawang isip kasi ako na baka magbago siya. But, I did and the woman she left me outside your shop telling me to get a tattoo or something. I went inside it was not a tattoo shop but, an art shop.

"So, I decided to paint my wedding gown." She told him.

"Wow, so you said hindi pa nagsisimula ang kasal ninyo? I pressume he is still waiting for you. Everyone is waiting for you in the church!" He exclaimed.

"Yes, my wedding was in two hours nang mapagdesisyunan kong maging runaway bride." She said.

"Oh my, this is trouble." Naiusal ng lalaki. "Someone is coming here and he is wearing a tuxedo with an angry face." Pabulong niyang sabi kay Sonja.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Dapat pala magpaalam siya.

"Sonja Luna Quiambao Rojas!" boses iyon ng kanyang kuya Sergei at galit na galit nga ito.

"You're so dead right now." Mahinang saad ni Alejandro.

La Isla Bonita 1: Alejandro AdelardTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang