Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
_____________________________________________________
Gattiel's Pov
First day of school na naman ngayon at kasalukuyang kumakain na ako ng breakfast kasama yung nakakatandang kapatid ko na si Kuya Dave. Sila mommy at daddy naman ay nasa states para sa business trip nila at naiinis ako dahil si Kuya dave na naman yung ginawa nilang in charge sa pagbabantay sa akin. Para akong binibaby sit sa lagay na to gayung nasa tamang edad naman na ako at alam ko na ang tama at mali.
"Gatt? First day of school ngayon sana naman wala kang gawin na kalokohan mamaya dahil alam mo na ang mangyayari pag nagkataon." Napapakagat ng ibabang labi ko naman siyang tinignan. Nandyan na naman siya , dinaig niya pa sila mom at dad kung mangaral sa akin.
"Oh bakit hindi ka makasagot sa akin? Kasi hindi ka sigurado no. I'll be monitoring you from now on Gatt! Kaya wag mo nang subukan na gumawa pa ng anumang gulo sa sariling University ng mga magulang natin!" Napatayo naman ako at padabog na umalis sa hapag kainan , kaya ayaw ko na wala sila mom and dad dito eh kasi kapag nandito sila walang nangingialam sa mga trip ko.
Dumiretso na ako ng kwarto ko at tsaka nagtoothbrush , arck sa cafeteria nalang ako kakain mamaya. Paglabas ko ay kumakain pa din si Kuya dave ngunit dumiretso lang yung lakad ko papuntang labas ng bahay namin.
"Manong? Nasaan na po yung sasakyan ko? Bakit wala dito sa garage. Saan ba pinark yun ni mang jun kahapon?" Tanong ko kay manong , puro sasakyan kasi ni Kuya Dave yung nandito.
"Young master nasa labas na po yung sasakyan niyo at nandun na rin po yung driver niyo na nag aantay po sa inyo." magalang na sabi ni manong sa akin , napahinga naman ako nang maluwag dahil doon akala ko kasi makikisabay ako kay Kuya ngayon.
"Oum , buti naman. Maraming salamat manong! Mauuna na po ako papuntang school." pagpapaalam ko sa kanya sabay pumunta na ng labas upang sumakay na sa kotse ko.
"Ako na ang magdadrive" walang emosyong wika ko sa driver tsaka napatango na lamang ito. Pinaharurot ko na kaagad ang sasakyan nang sa ganun ay mabilis akong makarating sa aming Unibersidad.
Maya maya lang ay nakarating na ako ng school , bumaba na ako ng kotse ko at ito na naman yung mga tilian ng mga babaeng nakakasalubong ko habang ako ay naglalakad.
"Gatt? Himala ang aga mo ah! Kanina ka pa ba nandito sa waiting shed?" Bungad na tapik sa akin ni jay at saka naupo sa aking tabi.
"Kakarating ko lang jay. Nasaan na ba si Gio bat ang tagal niya? Ikaw himala ang aga mo pumasok ah inaabangan mo na naman siguro yang crush mo!" Pangangantyaw ko pa sa kanya bahagyang namula naman ang kanyang mukha at dahil doon nakumpirma ko na tama nga yung sinabi ko.
"Pinag uusapan niyo ba akong dalawa. Namiss ko kayo bro! Pakiss nga!" Sabay akbay sa amin ni Gio , inapakan ko naman kaagad siya sa may paanan nung akmang hahalikan niya ang aking pisngean.
