SIH6

257 29 4
                                    

Jay's Pov

Naglalakad lang ako ngayon sa hallway nang makasalubong ko si frances argh ang ganda naman nang bungad ko sa umaga dahil nakita ko kaagad taong hinahangaan ko. Ewan ko ah ayokong mag assume na may gusto din siya sa akin pero hindi naman ata siya papayag dun sa lunch kung wala diba? Anyway taptap na jay. Nasa harap mo na siya.

"Oum , Hi Frances? Good morning! Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos ah" medyo maginoong bati ko sa kanya. Ack nakakatunaw yung ngiti niya ngayon sa akin ah , araw araw akong humihimlay sa kagandahan niya.

"Yeah good morning din sayo Jay! Oum , okay naman. Masasabi kong nakapagpahinga ako ng maayos kagabi." Tilay walang ganang litanya niya sa akin at lalagpasan na niya sana ako nang bigla kong hawakan ang kamay niya , hmp that's what you called jay's move hahah.

"Mukhang malungkot ka ah may problema ka ba ngayon? If gusto mo ng kausap nandito lang ako para sayo at handa akong makinig kahit ano pa yan" nag aalalang litanya ko sa kanya tinaasan naman niya ako ng kilay , bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa tingin niya sa akin ngayon?

"Alam mo Jay? Ikaw ang problema ko! Naiintindihan mo ba?" singhal niya sa akin sabay inirapan ako , hay nako frances kahit na minsan attitude ka mahal pa din talaga kitang babae ka.

"Huh? Bakit ako yung problema mo frances. May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Saang parte at aking ipagpapaumanhin sa iyo." Sabay turo ko sa sarili ko is this because na hinawakan ko yung kamay niya? Mukhang ang ungentleman nga ng ginawa kong yun. Ang mga babae ay hindi dapat hinahawakan nang hindi nagpapaalam.

"Yung pagmumukha mo!" Tinaasan niya pa ako ng kilay bago niya sinabi yun. Napaatras naman ako saglit sa kanya saka napapakamot sa ulong nag isip. Mukhang wala namang problema sa mukha ko. Ang alam ko lang ay pogi ako.

"Oum , Wala namang masama sa pagiging pogi? Ipinagkaloob ito sa akin nang hindi ko hinihiniling binibini." Medyo mayabang na sabi ko , pasensya na siya dahil ipinanganak na ako ng magulang ko na pogi at wala na akong magagawa dun kundi tanggapin nalang ang katotohanan.

"Alam mo ang kapal talaga ng pagmumukha mo ano? Ack! Nakakainis ka." Pagdideny niya pa sa akin , may naisipan naman ako na ipang aasar ko sa kanya.

"Sus! Aminin mo na na pogi ako. Tsk namula ka nga nakaraan nung hinawakan ko kamay mo sa arcade" nanlaki naman ang mata niya nang sinabi ko iyun. Oh diba gulat ka din no? Himlay kana din ba sa akin? Okay lang naman frances promise mas bet ko kung ganun.

"Manyak ka lang uy! Tigilan mo ako sa pa ganyan ganyan mo gayung hindi yan uubra sa akin." Ani niya sa akin napatingin naman sa amin yung iilang estudyante na dumadaan sa may gilid namin  , nasa gitna kasi kami ngayon na nag uusap.

"Ay grabe makamanyak atleast ikaw lang ang tanging minanyak ng kaisa isang Jay Castillo" mahinang bulong ko sa kanya hinampas niya naman ako nang napakalakas argh! Mapanakit ang bebe gurl na yarn? Oks lang basta ikaw frances handa akong masaktan.

"Wow proud ka pa na tawaging manyak ah! Tsee! Dyan kana nga!" Sabi niya pa sa akin sabay tulak nang mahina, napangiti naman ako dahil doon ,  sa may bandang abs niya ba naman ako hinawakan.

"Wait saglit lang naman! Sorry na sa pagiging mahangin." sabi ko sa kanya sabay  kindat pa nung tumingin siya sa akin muli , ey blush yarn? Kainlab naman yang ganda mo frances.

SHE'S MINE Where stories live. Discover now