SIH14

230 32 9
                                    

Gatt's Pov

Pasipol sipol lang ako ngayon habang naglalakad papuntang locker room kukunin ko kasi yung jersey ko ngayon dahil may practice kami sa gym at naka sibilyan ako ngayon. Sila gio at jay ay kasalukuyang nasa court na ngayon ,  mga baliw kasi hindi man lang ako inupdate in advance na kailangan pala nakasuot na ng jersey shirts and shorts kapag pupunta ng court. Bigla naman akong napahinto nang makita ko si coleen ngayon na nakatayo sa may locker room ko mismo at may hawak siya na bagay na hindi ko makita dahil medyo maliit siya.


"Oh coleen? Anong ginagawa mo dito? May hinihintay kaba ngayon?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin , grabe yung tibok ng puso ko ngayon dahil sa ginawa niya.

"Coleen?" Napakalas naman siya ng yakap sa akin at hinawakan yung dalawang kamay ko , damn coleen bakit mo ba ginagawa to ngayon? You are really good at confusing people lalo na at gustong gusto pa naman kita.

Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil naiisip ko yung ginawa mong paghalik sa akin kahit sa pisnge lang yun ay napaka big deal nun sa akin.

"Gatt I have something to tell you. can we have a lunch later? Pagkatapos ng practice game niyo ngayon? If okay lang naman at hindi ka busy mamaya." Nakatingin siya nang diretso sa akin nung sinasabi niya iyun na dahilan upang mapaiwas nalang ako ng tingin dahil nga naiilang ako. Hindi talaga ako makatagal sa eye to eye pag siya yung kausap ko.

"Oum , sure! pero baka magselos yang boyfriend mo coleen pag nalaman niyang mag la lunch tayo later? Sa ngayon kasi umiiwas ako sa gulo gayung ayokong mapagalitan na naman ako nila Mom and Dad." Sabi ko sa kanya baka masapak pa ako ng mikki mouse na yun at tsaka umiiwas na din ako sa gulo gayung lagi nalang ako nasisermunan pero syempre once a bully will always be a bully kaya outside of the campus nalang minsan para hindi ma report diba at para safe.

"Wala na kami ni mikki. I'll explain it later sige na aalis na ako see you nalang ah. Wait kita sa may labas ng classroom niyo mamaya gatt." pagpapaalam niya ewan ko lang ah para akong tanga ngayon na panay ngiti sobrang ganda kasi ni coleen damn it. Oh tukso layuan mo ako char haha so ayun kinuha ko na yung jersey ko at nagtungo na sa may basketball court pagdating ko ay nag wa wanbiwan sila jay at gio. Pansin ko din ang bilis ng galaw nilang dalawa at mahigpit na this time ang depensa nila nalalapit na din kasi yung elimination round kaya mas lalo naming dapat pag igihan ang training.


"Ngiting ngiti ka dyan gatt ah! Ano na naman bang ganap? Napapadalas na yang pag ngiti mo dahil ba kay ella ah!" Pang aasar ni jay sa akin , speaking of ella fudge may dinner pala kami later pero okay lang dahil lunch lang naman yung meron sa amin ni coleen.

"Baliw hindi si ella ang dahilan ng pag ngiti niyan ni gatt kundi si coleen. I saw them two sa may bandang locker room at nakayakap si coleen sa kanya" saad naman ng kakarating lang na si Colt , fudge akala ko walang may nakakita sa aming dalawa ngunit itong asungot na to pa pala.

"Damn gatt! Babaero ka pa din pala! Ang tindi mo grabe dalawang babae ang nagkagusto sayo yung isa girlfriend mo na  , yung isa campus crush pa" saad naman nitong si Ali sa akin may hawak siyang bola tapos pinasa niya agad sa akin and good thing ay nasalo ko naman , mukhang may galit sa akin to ah.

"Mga baliw , hindi ako babaero no , si Ella lang ay sapat na sa akin." Depensa ko naman sa aking sarili.

"I'm not convince though. The way you looked at coleen kanina? You seems not contented sa so called girlfriend mo gatt. Kung may "girlfriend" kana dapat nilalayuan mo na yung ibang lumalapit sayo. Oum ,  for ex. coleen" diniinan niya pa talaga yung term na girlfriend. , Eh pwede naman na entertainin ko si coleen gayung nagpapanggap lang naman kami ni ella na magjowa at tsaka kuntento naman na ako kay coleen.

Sadyang naunahan lang ako nung mikki na yun na manligaw at ngayon na mukhang may pag asa ako kay coleen edi igagrab ko na. Wala na akong dapat palampasin pa na pagkakataon gayung siya ang pangarap kong babae at makasama habang buhay.

"Ano bang ipinuputok ng butchi mo ali huh? Kung may problema ka sa akin sabihin mo nang diretso bro. Hindi yung nagpaparinig ka pa dyan ngayon , duwag kaba?" Inis na saad ko sa kanya napatingin naman sila sa akin at lumapit na agad sila jay at gio sa may side ko para pigilan ako if mapuno at mawalan ako ng pasensya.

Pag hindi ako nakapagtimpi baka upakan ko na tong ali na to hindi porket ka sosyo ng parents ko yung parents niya ay hindi ko na siya papatulan. Walang kaibi kaibigan sa akin kapag ako mismo yung binabangga mo.

"Layo layo ka nalang sa pag mamay ari na ng iba ayun yung point ko bro. Kakahiwalay palang nila mikki at coleen and you know what's funny? It was because of you daw! That Ella seems so kind and beautiful kaya sana lang huwag mo siyang lokohin ng basta basta. You are dating someone sa mall eh alam mo naman na may girlfriend ka at may boyfriend yung taong kasama mo?!" Nakahawak na sila jayd sa akin at gio. , Takte iniinis talaga ako ng lalaking ito di porket pinsan niya yung mikki na yun ay may karapatan na siyang makisali sa usapan naming magbabarkada.

"By the word itself hiwalay na nga diba?! Damn chismoso ka palang hinayupak ka eh! Ano bang pakialam mo sa buhay ko huh?! Eh ano naman kung kasama ko si coleen? Ano bang problema don?" Wala akong nakikitang mali doon sadyang ang alam lang nila ay taken na ako kay ella which is a play lang naman.

"She kiss you in the cheeks nung hinatid mo siya sa bahay nila? She hug you in the hallway near the locker room? And lastly you're taken? Tell me if that is not a problem Gatt?! As a cousin ni Mikki masasaktan ako para sa panig niya!" Sigaw niya pabalik sa akin  , pinipigilan din siyang makalapit nila colt at iba pa naming ka teammates ngayon gayung namumula na din siya sa galit gaya ko.

"Hindi ako na update na paparazzi kana pala ali. Nice job ah ituloy mo lang yang sideline mo baka sakaling mas yumaman ang pamilya niyo. I'm sorry ah pero honestly me and ella are just......" Sa sobrang inis ko muntikan ko nang masabi na nagpapanggap lang kami na magjowa ni ella buti nalang at napigilan akong magsalita ni jay.

"Gatt you better stop! Ikaw din Ali , nandito tayo ngayon para magpractice sa darating na tournament. Hindi para pag usapan yung personal issue ng bawat isa" pangangaral niya sa amin medyo kumalma naman ako ng kunti dahil doon. Ang dapat kay ali. , hindi pinapansin gayung mahilig siyang manira ng mood.

"Anong nangyayari dito ngayon ah? Bakit niyo hinahawakan si Sy at yang si De leon? Is there something wrong here" bungad na sabi ni coach napaalis nalang ang hawak ni jay at gio sa akin ganun na din sila colt kay ali.

"Wala naman po coach. Okay naman po ang lahat. Nagkakaroon lang kami ng team meeting ngayon." Sabat naman ni gio. , pinagpagan ko nalang yung damit ko at tinignan nang masama si ali. Argh kung hindi lang ako pinigilan ng mga kaibigan ko ay siguradong bugbog sarado kana sa aking unggoy ka.

You are really pissing me off hindi lang dahil pinsan ka ng mikki na yun kundi sobrang demanding mo din nung naging captain ka noon sa highschool days ko. Gladly na ako na ang pumalit sa posisyon mo ngayon dahil hindi mo naman deserve na tawaging captain ball ng team na to.




SHE'S MINE Where stories live. Discover now