Wednesday morning,hindi makapaniwala si James sa kanyang nakita,kaya sinusundan niya ito.Pumasok ito sa isang malaking building sa Makati,ang akala niya baka magkamukha lang pero,nang malapitan niya,hinding hindi talaga siya puwedeng magkamali,malakas ang kutob niya na si Charry nga yung nakita niya.
Alam na ng binata ang nangyari tungkol sa kaibigan nito at sa dalaga.Kaya tinawagan niya agad ang kanyang kaibigan.
Dialing .......Jesthony
"Hello bro.!"sagot ng kabilang linya
"Bro,nakita ko si Charry,hindi ako pwedeng magkamali bro,siya nga yon nakita ko."sabi niya agad dito.
"Nagbibiro ka ba bro,matagal na siyang umuwi ng probinsya."paliwanag sa kabilang linya.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala,basta nakita ko siya,pumasok sa isang malaking building dito sa Makati,ang ganda niya bro,naka uniform,at ang sexy."
"Baka magkamukha lang,alam mo na naman yon hindi yon mahiliig sa mga seksing damit,simple lang yun."
"Sige bahala ka,ayaw mong maniwala.Sige kita nalang tayo mamya,sa dating gawi."
Hindi pa nakasagot sa kabilang linya,pinatay na niya ito,at diretso na ito sa kanyang sadya.
"Yes!"Masayang wika ni Dabby.
Nagtaka naman si Charry habang nakaharap sa kanyang computer."Mukhang may nagpapadala na naman sa'yo ng message sa E-mail mo,'no?
Kaagad na lumapit ang kaibigan niya sa kanyang puwesto.
"No,ito'yong matagal nang inaabangan ni Sir Badeth,"lahad nito.
"Ano ba yan?kaagad niyang kinuha ang hawak nitong print out.
Tugon ito sa project proposal ng kanilang boss para sa ad campaign ng isang bago at kilalang signature T-shirt.
"Galing 'yan sa manufacturer ng Hydrogen T-shirt,kilalang T-shirt sa Europe na maglulunsad ng promotional campaign dito sa Maynila."
Mabilis na pumasok si Dabby sa opisina ng kanilang boss.Maski si Charry ay excited din sa dumating na mensahe.
Makalipas ang ilang saglit ay lumabas din si Dabby.Kinikilig pa ito.."Naku nag promise si Sir,"lahad nito."Kapag nai-close daw niya ang kontrata,malaki ang bonus natin sa kanya."
Kinakabahan si Charry' isang umaga nang ipatawag siya ni Badeth sa loob ng opisina.Kadarating lang din nito.
"Bakit daw?tanong niya kay Dabby.
"I have no idea.Basta gusto ka raw niyang makausap."Sa anyo nito ay tila may inililihim ito sa kanya. "Ano ba,Dabby?Sabihin mo na sa akin kung ano'ng pag-uusapan namin ni Sir,"Untag niya sa kaibigan."Lalo akong kinakaban,e."
Pagdating ng kanilang Sir Badeth kanina ay bakas nasa mukha nito ang kakaibang lungkot.
"Hindi kaya negative'yong resulta ng contract niya sa Hydrogen T-sirt?"paniniyak ng dalaga.
BINABASA MO ANG
_My First and Last Love_[on going]
Romance_Si Charry Perez ay isang probinsyana.Dahil sa hirap ng buhay ,.kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya.Kaya siya namasukan bilang isang katulong sa isang mayamang angkan ng mga Guttierez,.ngunit sa di inaasahang pangyayari nabuntis siya...