_chapter eleven_meet again

301 5 2
                                    

                          Halos isang oras ding nagbihis ang dalawa,kailangang maging presentable sila sa pamilya at  bisita  ng kanilang boss.

                             "Pakiramdam ko,pupunta tayo sa Santacruzan,"inis na sabi ni Dabby nang sakay na sila sa taxi.

                                "Sabi mo,ganito ang dress code na binigay sa'yo ni Sir."

"Oo nga,kaya lang,kulang na lang sa atin,kandila para magmukha talaga tayong mga sagala."

                  Hindi nga sanay si Dabby na mag suot ng ganoong pormal na damit,pero kay Charry,bagay ang suot niyang damit.Hindi maipagkakailang may kakaiba nga siyang kagandahan kapag nabihisan siya nang maganda.

                        "Okay sayo,bagay.Pero sa akin,parang nakasuot ako ng kulambo,"maktol ng kanyang kaibigan.

                         "Relax kalang diyan,basta't sabihin mo lang sa akin kung paano ako kikilos sa bahay nina Boss,"

                               "Basta't ito lang tandaan mo,'Sir Deo' ang itatawag mo sa kanya."bilin ni Dabby.

                           ILang sandali pa,pumapasok na ang taxi sa isang exclusive na subdivision sa may Ortigas.

                            Sa harap ng isang magarang gate ito tumigil.

                            Kilala nga si Dabby ng mga security guards doon.

                            Isang magara at malawak na bakuran ang pinasok ng dalawa.

Nang matanawan sila ni Badeth-----este;,Deo-----ay kaagad itong lumapit sa kanila.

Hindi makapaniwala si Charry sa nakitang ayos ng kanyang boss.Hindi ito magewang lumakad.Nakasuot ito ng isang ternong nagpakisig at hindi nagpa-girlie rito.

                    "Halikayo,tuloy,dito tayo sa mga panauhin ng mommy,"anito sa kanila.

Lalo pang na intriga si Charry sa boses nito;wala ang pasemplang,at medyo modulated pa yata ngayon.

                    Ipinakilala silang magkaibigan nang isa-isa sa mga bisitang naroroon.Lalo namang na-impress si Charry sa pag papakilalang ginawa sa kanya ni Deo.

                       "Meet our new contract model,Miss Charry Perez,"paulit-ulit na sabi nito sa mga panauhin.Natigil lang ang dalawa sa kaiikot nang matapos silang ipakilala ni Deo sa  mga bisita.Sa isang bakanteng mesa sila nito dinala.

 "Stay here and behave,"mahinang  wika nito sa kanila.

 Lihim namang napatawa si Charry.Ibang-iba pala ang kilos ng amo kapag nasa loob ito ng sariling pamamahay.

                              "Ganito ka yaman si Sir,pero kita mo naman,ni hindi mo iisiping one and only son----este,daughter pala siya,"

                              " Tumahimik ka,baka may makarinig sa''yo.

                               "Alam naman nila na gano'n  si Sir,e.Kaya lang,talagang behaved si Sir kapag narito."

                            "Kaya nga dapat ay behaved din tayo."

Dinulutan sila ng mga serbidora ng pagkain at inumin.

                           "Lika kain na tayo,"yakag ni Dabby.

Mayamaya ay bumalik si Deo at inaanyayahan nito Charry.

_My First and Last Love_[on going]Where stories live. Discover now