Chapter 9

1.9K 106 12
                                    

"I don't think this is something we should just ignore. I'll call our family doctor and schedule you for a hand surgery," Tita Cheska freaked out. Hindi pa kami nakakarating sa bahay ay nagbago na naman ang isip ni Tita.

My right hand got a 2nd degree burn kaya kinailangan ko ng guardian na susundo sa 'kin. Both of my parents were not home, so I had no choice but to call Tita Cheska. Kung wala kasi akong guardian na darating, automatic na ang school mismo ang tatawag sa mga magulang ko. Of course, I don't want to bother my parents just for this small thing.

"Tita, okay lang po talaga ako. Hindi naman po siguro ako matatanggalan ng kamay?" biro ko pa para kumalma ito.

"But that might leave a scar on your hand! Ang ganda-ganda pa naman ng kamay mo." Maingat na hinawakan nito ang kamay kong naka-benda. Hindi ko ito maigalaw ng maayos kaya worried ako kung paano ako nito kikilos. Pero saka ko na poproblemahin at kailangan ko munang pakalmahin itong si Tita Cheska.

"Hindi naman po siguro, Tita. Nahihiya na nga po ako sa pang-iistorbo ko sa inyo."

"Oh no no no, Hija. It's okay! I'm glad that you called me actually. Hindi tulad ng iba d'yan." Lumipat ang tingin nito sa likuran kung saan nakaupo si Kevin. Napasinghap ako nang abutin siya ni Tita at hinatak sa tenga! "Kasalanan mo 'to, eh! Kung binantayan mo sana ng maayos si Angela hindi siya mapapahamak ng gan'to!"

"O bakit kasalanan ko na naman?! Ano ako—babysitter niyan?!" depensa nito habang tinatanggal ang kamay ni Tita sa tenga niya.

"Aba't sumasagot ka pa?!"

"Kinakausap niyo 'ko s'yempre sasagot ako!"

"Kevin Austin!!"

"T-Tita, kalma po..." Marahan na hinawakan ko ito sa balikat para tigilan na ang pagpingot kay Kevs. "Kasalanan ko naman po kung bakit ako natapunan ng kape. Hindi ako nag-ingat."

"Tatanga-tanga kasi," bubulong-bulong na sabat na naman ng nasa likuran. Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya?! Kitang kinakalma ko na nga 'tong mama niya para hindi siya 'yung pag-initan! Tingin niya ba ginusto kong mapaso?!

"Don't mind that jerk, Hija. Just let me bring you to the hospital, please? Hindi ako mapapanatag na iuuwi kita ng ganyan. Gosh kapag nalaman 'to ni Aileen she'll definitely freak out!"

Will she? Parang never pa naman kasing nag-freak out si Mommy sa kahit anong aksidenteng nangyari sa 'kin. Siguro kung naputulan ako ng braso baka may chance pa.

At dahil masyadong mapilit si Tita at para hindi na rin nito pagbuntungan pa si Kevin, pumayag na 'kong magpadala sa ospital. Kinagabihan ay na-schedule agad ako for surgery and the surgeon assured me na mabilis lang naman daw at hindi masakit kaya wala akong dapat na ikatakot. Nakita siguro nito na mukha na 'kong hihimatayin kahit hindi pa pumapasok sa operating room.

"Oh kumain ka." Pabagsak na inilapag sa center table ang dalang paper bag at saka pabagsak ding umupo sa kabilang dulo ng sofa.

"Wow thank you nag-abala ka pa," I didn't mean to sound sarcastic pero kasi nakakainis na 'yung pagsusungit niya simula pa kahapon. Hindi ako nakapasok today dahil hindi ako pinayagan ni Tita Cheska and since wala rin pa lang pasok itong mabait niyang anak, siya ang inutusan na magbantay sa 'kin.

Kinikilig dapat ako ihh. Pero dahil sa kasungitan niya nangingibabaw 'yung inis ko. Bakit kasi kailangan niya pang ipamukha sa 'kin na labag sa loob niyang samahan ako rito sa bahay?

"Are you being bullied?"

Madaling napalipat ako ng tingin sa kanya. Akala ko nanonood siya ng TV pero paglingon ko, nasa direksyon ko ang mga mata niya.

BGS #3: Falling Into Brainless LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon