Chapter 24

1.8K 98 10
                                    

Falling Into Brainless Lady - Chapter 24
#fiblkofi

“Ma'am, kukunin n'yo po ba?”

Ibinalik ko ang tingin ko sa sales lady na hawak ang bracelet na chineck ko. Tinignan ko ulit ito sa kamay niya at pigil ang kilig ko nang ma-imagine ko itong suot ni Kevs. Malapad ang ngiti kong tumango kay Ate.

“Sige po paki-wrap na rin ng maayos. Importante po kasi ang pagbibigyan ko n'yan.”

“Yes, ma'am.”

Kinakabahan ko itong hinintay pagkatapos kong bayaran. Halong takot at excitement ang nararamdaman ko kung magugustuhan ito ni Kevs. First time ko kasi siyang reregaluhan—I mean, seryosong regalo na pinag-isipan ko talaga ng ilang buwan.

“Thank you po!” Lumabas na 'ko ng store after kong makuha 'yung binili ko.

Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad at pinagmamasdan ko ang maliit na paperbag kong dala. Bukas na ang graduation ni Kevs at nagpaalam ako sa kanya kung pwede ba akong pumunta tapos sabi niya sige lang daw. Imagine? Dati nakatanggi agad siya sa request ko pero ngayon sobrang bilis niya ng pumayag!

Pagkauwi ko tinext ko agad siya na sobrang excited na 'ko bukas. Tapos sabi ko baka hindi na 'ko matulog para hindi ako ma-late.

'Ako ang ga-graduate, hindi ikaw.'

Napahiga ako sa kama habang tumatawa sa reply niya. Nahulog pa 'yung phone ko sa mukha ko habang nata-type ng reply sa text niya. Kasi naman! Feel na feel ko lagi ang kasungitan niya kahit sa text!

'I'm just so happy for you. See you tom, Kevs!'

After kong mag-dinner at makapagpahinga, sinubukan ko nang sungkitin ang antok ko para makatulog agad. Pero dahil wala namang tupa sa kisame ko, 'yong mga picture na lang ni Kevs na nakadikit sa buong kwarto ko ang binilang ko. Kaso imbes makatulog, lalong nabuhay ang dugo ko sa itsura niya. Ang gwapo kase!

How can the universe be this so unfair, right? Gwapo, mayaman, matangkad, tapos matalino pa. Lahat nasa kanya na. Masungit nga lang at basagulero. Hehehe. Sa sobrang pag-admire ko sa kanya hindi ko namalayang nakatulog ako nang nakangiti. Paggising ko kase nakangiti akong parang tanga.

[Ready ka na?] tanong ni Tristan mula sa naka-loudspeak kong phone.

“Oo pero hindi pa 'ko makapag-decide anong sandals ang isusuot ko.” Nagpapanic kong pinasadahan ulit ng tingin ang suot kong french vintage na long sleeve short dress. Kaya nga akong nahihirapan pumili kase lahat bagay!

[Pupunta ka ba o susunduin pa kita? Ang tagal mo.]

“Heto na nga pababa na 'ko!” Nagmamadali kong sinigaw ang pangalan ni Kuya Lando para ihatid ako sa DIC. “Hala wait 'yung wallet ko nakalimutan ko!!”

Tumakbo ako pabalik sa kwarto at sinabihan ko si Tristan na 'wag na 'kong hintayin. Pinauna ko na siyang pumasok sa loob ng convention center dahil magsisimula na silang mag-martsa panigurado. Oo ga-graduate din 'yon today, 'di lang halata!

I arrived at the convention center just in time. Ka-close ko 'yong nagbabantay kaya nakapasok ako. Bawal kase rito 'pag 'di ka part of the family ng ga-graduate. Kinuha ko agad 'yung cellphone ko para video-han si Kevs na nagma-martsa. Jusko! Graduation na graduation niya nakasimangot siya! Pasalamat siya gwapos siya! Pagtingin ko sa BG na mga kasama niya sa linya, pare-pareho sila ng mga itsura maliban doon sa dalawang bukod tanging nakabungisngis, sina Jasper at Dennis.

“Congraaats!” walang sound na sigaw ko kay Tristan. Vinideohan ko rin kasi siya at saktong nakita niya 'ko kaya sinenyasan ko siya ng congrats. Buti pa 'to ngumiti sa video ko!

BGS #3: Falling Into Brainless LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon