Chapter 24: Friends

103 4 0
                                    

Chapter 24: Friends

"I'm bored." Rinig kong reklamo ni Meisha. Nakapalumbaba ito sa mesa habang nakatingin sa labas ng glass wall.

"Same." Tugon ko sa kaniya habang kumakain ng ice cream.

Break time na niya kaya nandito siya sa aking harapan at nakaupo para samahan ako. Naaawa daw siya sa'kin dahil mag-isa lang daw ako kaya gusto niya akong samahan. Hays.

As usual, nandito na naman ako sa Winter Sweet para magpalamig. Ang init kasi sa labas, syempre summer na eh. Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko palagi habang ine-enjoy ang ice cream sa aking harapan.

Wala ngayon dito si Dahlia. Kasama niya sina Tiana at Vina ngayon. Nandun sila sa dagat at nagsu-surfing. Bilib ako sa kanila dahil nandun sila sa labas kahit na sobrang init ng panahon. Inaya nila ako at si Meisha ngunit hindi kami sumama. Hindi naman kasi kaming marunong mag surf.

"Aishie... Let's play volleyball."

Bigla akong nabilaukan hindi dahil sa aking narinig kundi dahil sa seryosong mukha ni Meisha habang sinasabi iyon.

"You okay?" Nakakunot ang noong tanong nito na may halong pag-aalala.

"Yeah." Tumikhim ako. "Mukhang nagugustuhan mo na ang volleyball, ah?"

Tumayo siya at ngumisi lang sa'kin. "Let's go?"

Nakangising napailing nalang ako sa kaniya at tumayo. "You got me, huh?"

"Hehe."

Pumunta muna kami sa second floor kung nasaan ang office ng kaniyang ate dahil gusto niyang magpaalam bago maglaro. Come to think of it, simula nung pagpunta ko dito sa Winter Sweet ay hindi ko pa name-meet ang ate niya. Ni hindi ko manlang alam ang kaniyang pangalan o di kaya ay ang kaniyang mukha.

Nang makarating kami sa harap ng office ng kaniyang ate ay kumatok si Meisha sa pinto bago ito binuksan. "Hi, ate Stacey!" Agad nitong sabi pagkapasok niya.

Nakita kong napatigil sa pag-type ang kaniyang ate sa kaniyang computer nang makitang pumasok si Meisha.

"Meisha? What do you want?" Napansin ko agad ang biglang pagsimangot ng kaniyang ate pagkakita niya kay Meisha.

"Hehe. Pupunta kami sa Blue Coast, maglalaro ng volleyball." She really looks happy when she's talking about volleyball.

Dahil nasa likuran ako ni Meisha ay hindi pa ako napapansin ng kaniyang ate.

"Volleyball? Sino kasama mong maglalaro?" Tanong nito.

Lumingon sa'kin si Meisha at tinuro ako. "Si Aishie."

Dahil sa ginawa ni Meisha ay napadako ang tingin ng kaniyang ate sa'kin. "Aishie...?"

"Nice to meet you. My name's Aishie Lewster." Pagpapakilala ko sa kaniya.

"I'm Stacey Lancaster. Nice to meet you, too." Nakangiting sabi nito.

Stacey Lancaster. She has blonde hair and brown eyes. She's pretty just like Meisha although she's wearing eyeglasses. Malabo siguro ang kaniyang paningin. But still, at her age, It's really amazing na siya ang may-ari ng ice cream shop na ito, ang Winter Sweet.

"Are you Meisha's friend?"

"Yes."

"I see...Please take care of her." She said while smiling.

Damn it.

Why does she reminds me of... Rosetta, my sister?

I nodded. "I will."

Whisper of Summer | ✓Where stories live. Discover now