Prologue

17 3 1
                                    

Sa istorya kung saan kinakailangang magsakripisyo ng isang tao para bayaran ang nagawa niyang kasalanan sa kaniyang pinangakuan, sapat na nga ba ang kaniyang buhay kapalit ng kapatawarang inaasam niya mula sa nagpapatawad?

Ngunit may kasigaraduhan bang makakalaya na ang taong nagkaloob ng kapatawaran mula sa hinagpis na dulot nito dahil sa pagputol ng panata ng nagkasala?

Paano kung sa una palang ay hindi na nahulog sa patibong ng buhay ang sisne sa lawa para hindi na mapagdaanan ang pighati at sakit na dinaranas niya sa buhay ngayon? Makakahanap kaya siya ng paraan para mapanaig niya ang kahinaang minsan na niyang kinamuhian?

Nakakabinging mga boses ang pumapalibot sa akin habang kami'y nandito sa likod ng entablado. Kaniya-kaniyang pares ang magkakasama, isang mentor at isang ballerina, kasama na kami roon ni Miss Vergara, ang ballet mistress ko simula pa noong bata ako. Tinutulungan niya rin akong mag-inat habang hinihintay namin ang anunsyo sa pagsisimula ng patimpalak.

Sumilip ako sa kurtinang tumatakip sa amin at tinanaw ko ang mga taong isa-isang nagsisidatingan. Baka sakaling may mahanap akong pamilyar na mukha mula sa kanila ngunit pagkatapos ko itong obserbahan ng ilang minuto, wala akong nakita.

"Are you still expecting him to watch your performance?" napasinghap ako nang may magsalita mula sa aking likuran. Umiling ako bilang pagsagot sa tanong niya.

Hindi ko naman pwedeng ipakita na nalulungkot ako dahil hindi naman ito bago para sa akin. Tumuntong na sa plataporma ang host para sa gabing ito at dahil dito, tumahimik na rin ang mga tao.

"Welcome to the Annual Ballerina Competition this 2021 hosted by the most prestigious Ballet Company in the world, the Le Meilleur Ballet from Paris!" nagpalakpakan ang mga tao sa pambungad na pahayag ng host.

That Ballet Company is world-renowned at ang mga pinakamahuhusay lang na ballerina at ballerino ang kinukuha nila mula sa iba't ibang bansa.

"Every year, the main Le Meilleur Ballet searches for the next Premiere Dancer in each country associated with their instead. Those who are enrolled in our Le Meilleur Ballet branch in the Philippines are eligible to join. Who knows? The chosen one might be coming from here," saad niya na ikinasaya ng marami.

"But, if our judges couldn't pick a single representative from this country, we'll have to skip this year's appointment of the next Danseur étoile or Danseuse étoile," Ito ay tawag sa pinakamataas na rangko ng mga ballet dancers.

"From corps de ballet to pas de deux to soloist or a principal dancer, the winner from either one of these categories will have the chance to bring home the title tonight as the new recruit for the Le Meilleur Corps de ballet Paris and bring pride all the way to the Opera House in France," biglang nagbulungan ang mga tao nang marinig ang huling badya ng host.

"As for this year's ballet mistress, she is known for being the First East Asian to perform in the largest Opera House in the world and she's also one of our judges tonight, please welcome our former Première Danseuse, Miss Hwang Sae!" nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos niya itong inanunsyo.

Tumayo naman si Miss Hwang para bumati sa madla. Napatunganga ako dahil sa ganda niya! Hindi ko naman inaasahang dito ko pa makikita ang matagal ko ng iniidolo.

Sumikat siya dahil sa pagganap niya bilang Giselle sa isang romantic ballet performance sa Paris at dahil doon, hinangaan siya ng maraming tao, kabilang na ako roon.

The Withering LilyWhere stories live. Discover now