1: Thunder sings through its Rage

10 0 0
                                    

"We just need our mother back."

Magsasalita pa sana siya nang biglang magbukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin doon. Kakauwi lang ng tatay ko galing sa ospital. Para siyang lantay na gulay habang naglalakad papasok ng bahay, halatang pagod dahil sa trabaho. Naramdaman niya ang tensiyong nakapalibot sa aming dalawa ng aking nanay kaya nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Hindi ko kayang makita na nahihirapan din siya sa sitwasyon namin kaya tinalikuran ko nalang silang dalawa para tuluyang linisin ang mga bubog. Dumiretso ako sa kusina para itapon ito at nagsimula nang maghugas ng kamay.

Pinainit ko na rin sa kalan ang pagkain para hindi na ito gawin ni Papa. Umupo siya sa counter at hindi ko mapigilang mailang dahil nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa ngayon.

Nararamdaman kong gusto magtanong ni Papa ngunit masyadong marami ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi na siya nagsalita pa. Nilapag ko sa harap niya ang pagkain at kahit nagugutom ako, hindi ko siya sinabayan para matakasan ang mga pwede pang mangyari.

Paalis na ako nang magsalita siya. "Ayusin mo sarili mo," tugon niya na parang ako ang may kasalanan sa naabutan niya kanina.

Tiningnan niya ako sa mata at kapansin-pansin ang pagkadismaya niya sa akin. 'Yon 'yong problema sa mga taong hindi alam ang buong kwento, basta-basta nalang silang naniniwala sa kung ano man ang nakita nila. Kumakampi sa isa at pinipinturahan na mali ang isa. Ang babaw lang.

Imbes na magalit sa kaniya, dumiretso nalang ako sa kwarto namin ni Liam. Binuksan ko nang kaunti ang pinto, tama lang para matanaw si Liam mula rito.

Naabutan ko siyang nakatulala habang pinipisil ang kamay niyang nakabalot ng tuwalya para pigilang lumabas ang dugo. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga natuyong luha sa mukha ko bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Sinalubong niya ako ng ngiti na para bang hindi sika nasasaktan. Nang makita ko ang mga pasa niya sa katawan, bigla nalang napabagsak ang balikat ko. Dahan-dahan ko itong hinawakan isa-isa habang pinipigilang umiyak.

"I'm sorry..." For not being able to protect you.

Tumayo ako para kunin ang first aid kit na nakalagay sa tukador.

Lumuhod ako sa kaniya at tahimik na ginamot ang mga sugat niya. Tumingala ako para tignan ang reaksyon niya dahil alam kong nasasaktan siya habang ginagamt ko ito ngunit nanatiling blanko ang kaniyang ekspresyon.

"Let's get you checked up once they're asleep." suhestiyon ko.

"I'm sorry for getting you involved... again," paghihingi niya ng tawad.

Wala kang kasalanan.

Huminga ako nang malalim bago siya tingnan sa mata. "I love you, Liam."

Yinakap niya ako nang mahigit at naramdaman ko nalang ang mainit niyang luha nang tumulo ito sa balikat ko. Yinakap ko siya pabalik at inigpitan ko pa' to lalo tsaka ginulo ang buhok niya.

"I'll miss you, ate." Biglang napakunot ang noo ko sa kaniyang sabi.

"And where will I go?" Napahawak ako sa noo ko nang bigla niya itong pitikin.

"I watched the livestream of the competition while waiting for you to come home," binigyan niya ako ng isang malawak na ngiti.

"You deserve it po." malumanay niyang sabi. "You deserve to be happy."

Napatulala ako sa sinabi niya. Parang nawala bigla 'yong lungkot na nararamdaman ko at napalitan ito ng saya. Hindi ko naman inaasahan na papanuorin niya 'yong sayaw ko, sa lahat ba naman ng tao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Withering LilyWhere stories live. Discover now