Chapter 5

3.5K 183 59
                                    

HAPPY DEATH DAY

_____

THE MOMENT finally came.

The moment that Gaziel, The Wicked Queen from the House of Zyn, Ruler of the Sinners, is facing something she had never wished to experience.

That something is—

Her daughter is throwing tantrums. Alam na alam ni Gaziel na parang bangungot ang makitang sumpungin ang nag-iisang anak kaya heto at nagtititigan sila nang mariin at walang pumuputol dito. Nagsusukatan ng mga tingin at ayaw na magpatinag ng kanyang anak sa pagtitig sa kanya. Nakasimangot ang anak niya, namumula ang mukha at nangingilid ang luha sa mga mata. Bilang isang ina, ayaw na ayaw niyang nakikita na nasasaktan ang kanyang anak.

Kalmado lang ang itsura ni Gaziel pero sa loob niya ay natataranta na siya dahil sa itsura ng anak. Masama ang naging araw nito buong maghapon dahil hindi nakatulog dahil sa maingay na pagsasalita ng business partner ni Gaziel. Sinama niya kasi ulit ito sa opisina para mabantayan niya pero ganoon ang nangyari. At ngayong gabi nga ay nagsusukatan na sila ng tingin.

Hindi niya naman kasalanan dahil ito ang nagpumilit na makisama sa meeting, pero siya ang inaaway nito.

Nakatayo sa gilid ng kama si Gaziel habang si Ferish ay nakaupo sa kama at mahigpit ang yakap sa paborito nitong kulay pulang unan.

"B-Baby, tahan na—"

Umiling ito at mas lalong sumimangot nang akmang hahawakan siya ng ina. Ang sama ng tingin ng pulang mga mata nito sa kanya kaya mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Alam niyang mahirap itong pakalmahin sa ganitong sitwasyon.

"Baby, h-hindi ko naman sadya na maingay siya." Paliwanag ni Gaziel pero umiling lang si Ferish. She's in a bad mood, and she won't accept any reasons.

Gusto na rin sumimangot ni Gaziel o ngumuso man lang dahil sa nangyayari. Pakiramdam niya ay lagi na lang siyang talo sa kanyang anak. Hindi naman niya kasalanan, pero siya ang inaaway ng anak niya.

"You sleep outside." Tinuro pa ni Ferish ang pinto habang magkasalubong ang kilay.

Natigilan si Gaziel at natulala dahil sa sinabi ng anak. Binalot sila ng katahimikan sa loob ng kanilang malawak na silid. Agad siyang nanlumo dahil sa narinig at ramdam ang panghihina. Isang kalbaryo na naman ang kanyang haharapin dahil hindi rin siya komportable na hindi katabi sa pagtulog ang anak. Alam niya na kailangan niyang sumunod sa gusto nito dahil kung hindi ay mas lalo itong susumpungin.

"But, baby—"

"No, Mama. Sleep outside." Umiling pa ito at konti na lang ay tutulo na ang mga luha sa mga mata niya kaya natataranta si Gaziel na dali-daling umayos mula sa pagkakatayo sa gilid.

"A-Alright. Mama is going to sleep outside. Hm? Don't cry na, baby. Lalabas na si Mama." Pag-aalo pa nito sa anak niya na tinalikuran siya at humiga na sa kama. Nagtalukbong na rin ito ng kumot at binalot ang sarili dahil sa pagtatampo sa kanyang ina.

Napakamot na lang ng kilay si Gaziel dahil sa inasta ng nag-iisang anak. Ang lakas ng loob nito dahil laging sinusunod. Nakakapanlumo. Ugh. Isa siyang reyna na may mataas at mabigat na tungkulin, pero kasama ba doon na maging sunod-sunuran sa sarili niyang anak?

Sleep outside. Again. That daughter of mine is a Zyn, indeed.

Pero mas maigi na 'yon kaysa makita itong umiyak nang dahil sa kanya.

Ni-lock pa ni Gaziel ang kwarto nito dahil ayaw naiistorbo sa pagtulog ang anak niya. Gaziel feels frustrated. Gusto niyang sumimangot din at magtampo dahil tatlong taon palang ang anak niya pero gano'n na ito umasta sa kanya na parang ito ang mas matanda.

SINNERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora