CHAPTER 12

2.1K 98 6
                                    

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Hinaan nyo nga ang boses niyo parang isang taon tayong 'di nagkita ahh," saway ko sa limang bata sumimagot sila.

"Sorry ate," sabay-sabay na paumanhin nila

"Anyway maglilibot tayo sa bayan ngayon," anunsyo ko

"Ano naman gagawin natin doon?"tanong ni Deniver

"Papatayin natin lahat ng tao," sarkastikong sagot ko napakamot naman sila ng ulo.

"Seryoso ka d'yan ate?" inosenteng tanong ni Damian binigyan ko siya ng pekeng ngiti, walang mga common sense tss. 

"Malamang..."they gasp "hindi" pairap na tuloy ko sabay pa silang bumuga ng hangin na para bang nakahinga ng maluwag.

Ano ako murderer? Napakunot ang noo ko nang nagkumpulan ang apat habang si deniver ay nakatayo lang ng matuwid

"Nakahinga ako ng maluwag d'on ahh," bulong ni Damian

"Ako din 'di pa ako handa maging mamatay tao," bulong din pabalik ni Clara

I frown, nagbulongan pa talaga sila ahh.

"Mga baliw, kilala niyo naman si ate napaka-pilosopo," singit ni Russel

"Bobo sana nilakasan niyo na lang mga pinaguusapan niyo diyan naririnig naman namin pinagbubulongan ninyo," masungit na sabi ni Deniver napatingin sila sa kapatid tapos ay sabay silang napataas ng tingin sakin at hilaw na natawa.

"Diba maglilibot tayo? Tara na ate nasasabik na ako," tuwang-tuwa na saad ni Leonora bago siya naunang naglakad. Sinundan ko siya ng tingin

"Oo nga tara na ate," nakangiting aya ni Leonora bago matulin na naglakad

"Hoy, hintayin ninyo ako," sigaw ni Russel sa dalawang babae saka niya ito hinabol na hindi man lang kami tinaponan ng tingin.

"Mauuna na ako ate," paalam ni Deniver tumango ako. Teka nga aalis ang mga batang 'yon ng walang panlaban sa init.

Inilibot ko ang tingin ko, napatigil ako sa isang babaeng nakatayo na parang statuwa.

"Hoy, ikaw" tawag ko napatingin siya sakin.

"Oo ikaw," agad siyang lumapit sakin at yumuko

"pakidalhan mo nga ng limang balabal ang limang bata, ihatid mo sa karwahe," utos ko

"Right away Lady Ianna," nakayukong sagot niya. Here's that Ianna again

"It's Lady Ackira" madiing sabi ko tss 

"I beg your pardon Lady Ackira," mahinhing paghingi niya ng tawad

I rolled my eyes "yeah whatever, kunin mo nalang pinapakuha ko," malditang utos ko bago ako naglakad palabas ng pintoan.

May naka-abang ng itim na karwahe at lulan noon ang limang bata sa loob.

"Your grace, ito na po ang pinapakuha ninyo," hinarap ko ang babaeng nakayuko

THE RUNAWAY DUCHESS [NOBLEMEN SERIES #2] (On-going)Where stories live. Discover now