12

3.8K 113 6
                                    

REVISED

Look at the multimedia for imaginary purpose.

***

GABRIELA'S POV

"...in their first names, I think? Nicknames, maybe?" Akala ko naman kilala niya talaga.

"Sino?" I wonder... Hiphop Prince.. Pop King..

"Oh, I see. I am Trener James Tan, 2nd year college this coming school year in AFC. I graduated from Dance Art High. How about you?"

2nd year college at sa AFC siya nag-aaral. Pero si Pop King ay umalis daw eh at kakabalik lang din daw niya..

"Nice question. To be honest, I am also known as Pop Ki--"

Hindi.. Ano ba talaga ang narinig ko? Hindi talaga siya clear. Hala, may sinabi pa siya pero nakalimutan ko na. May naguudyok talaga sa akin na kilalanin ko sila.

"Hiphop Prince ay si Erand tapos si Pop King ay Jam." NGE?! Malay ko ba na si Pop King ay si TJ? Ang layo naman.

Pero parang may binanggit sa akin si TJ na may pinsan siya....ay oo! Sabi niya nga na pinsan niya si Hiphop Prince! Tanungin ko na lang mamaya.

"Ahh, akala ko." May nabanggit din kasi sila na Lance. So baka ibang pinsan pa ni TJ. Pero sabi nga ni Tita Vic na sikat din si TJ syempre may looks naman siya at mukhang model.

"Tara na. Nasa room pala sila." At nagtungo naman kami sa room.

"Gab! Gab!" Tawag sa akin ni...Pop King?

Hala! Nako, baka mapatay na ako ng mga fans kasi 'di ba baka sabihin nila na may gusto sa akin si Pop King? Tapos baka ma-media at makita ako. May braces ako saka may mga pimple marks ako sa noo pero hindi naman gano'n ka halata tapos may pimples ako sa gilid ng mukha pero hindi kita kasi natatakpan ng buhok pero onti lang naman siya. Nakakahiya naman kasi. Oo, oa mo na naman.

"B-bakit p-po?" Nauutal kong sabi. Hala, baka naman nahanap na nila ako? Na ako ang nagbigay ng name sa kanila? Baka ako ang gawing manager? Hala, P.A.? Super tago nga talaga ang identity nila pati nga mukha hindi ko makita.

"Can we take a picture?" SIGURO KAMUKHA KO NA ANG TARSIER SA SOBRANG LAKI NG MATA KO NGAYON.

Bakit? Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayaw ko naman talaga. Baka kasi alam niya na nga na ako ang nagpangalan ng B&W na nagcomment sa youtube tapos nakita nila.

Ang username ko kasi ro'n ay 0505.Ara at baka nalaman nila na ako iyon nako! Showbiz!

"Why do you want to take a picture with her?" Sabi ni Clark dahil siguro nafeel niya na hindi ako makapagsalita.

"Because..she knows me." I KNOW HIM?! SERIOUSLY?!

"Yes, she knows you dude. You're popular. And you're Pop King." Ay oonga! Sabi ko nga! Ang talino mo, Clark! BRAVO.

"Ahehehe, una na kami, Pop King." At hinila ko na si Clark at binilisan ang lakad.

Buong practice namin ay binibigay na namin ang lahat, malapit na rin kaming matapos malapit na ang party namin. Hindi ako sumali sa Talentong Bida kasi hassle rin naman iyon. Basta ang kailangan naming gawin ay matapos at maperfect ang sa farewell party namin.

"Hatid na kita." Sabi ni Clark. Eh may kotse naman eh bakit pa?

"Nako, wag na kasi may sundo ako." Biglang bumait talaga itong isang 'to. Hindi rin kaya dahil sa nagpakita ako ng picture no'ng sa Trypophobia? Hahaha!

The Long Lost Royal Princess Where stories live. Discover now