28

3.7K 100 29
                                    

Revised.

***

GABRIELA'S POV

Hay, mabuti naman at okay na ang pakiramdam ko. Heto ako ay nagpapaantok pa. Kasi naman ang haba ng tulog ko kanina. Kaya nasa balcony lamang ako at nakaupo habang umiinom ng milk. 10 pm ma rin at nagsitulugan na ang lahat dahil napagod kakahanap sa akin, hahaha! Naawa naman ako sa kanila. Namiss ko tuloy si best at besh talaga. Loka ka kasi Gab.

"Would you mind if I join you, besh?" Nagulat ako at napatingin. Si besh nga at may dala ring milk.

"Besh, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko. Mukhang kakagising niya lang eh.

"Naramdaman kitang umalis eh kaya umalis din ako saka hindi rin ako makatulog ng maayos. Besh, namimiss ko na si Renz." Ikinalungkot ko rin naman ang sinabi niya. Renz naman kasi!! Bumalik na dapat siya eh. Ano papaasahin niya ulit si besh na uuwi siya? Tsk. Masasapak ko talaga ang lalaking iyon kapag nagkita kami.

"Besh, darating din siya. Ramdam ko ang pagmamahal sa iyo ng mokong na iyon at alam kong hindi ka niya iiwan. Matatapos din iyan, besh." Sabi ko para naman gumaang ang pakiramdam niya.

Mahal ko ang bestfriend ko. Hindi ko hahayaang masaktan siya ni Renz, hays. Nagkwentuhan lang kami ni besh ng kung ano-ano at nakaramdan kami ng antok ay bumalik na kami sa kwarto namin. Mabuti nga talaga at naging maayos na ang pakiramdam ko at ayoko na rin alalahanin ang nangyari kahapon.

"Pero besh mukhang bumait na nga si Clark sa iyo. Haha! Bagay kayo besh." Sabi niya kaya umiling na lang ako.

"Bestfriend ko siya besh at wala ng iba. Mahal ko rin iyon as a bestfriend, hay nako. Osya, magcr lang muna pala ako." Pumasok na kami sa room at nagtungo ako ng cr bago matulog..

^^^^^

Niyaya kami ng mga kaibigan namin ng magvolleyball at kahit hindi kami magaling ay sumali kami. Ang bilis ng araw bukas na rin pala ang alis namin. Nagsimula na kaming maglaro at all girls lamamg kami. Nanonood nga ang ibang boys kaya medyo nahihiya ako kasi naman si besh pinasuot sa akin 'yong sports bra tapos ayon shorts din. Oonti lang kaming nakahalf sports bra err kaya kita tiyan ko. Base sa peripheral vision ko ay may nakakakabang tingin sa akin. Ewan ko na pero kinabahan ako. Guni-guni mo na lamang iyan at dapat wag mo ng pansinin magfocus ka na lamang sa laro niyo.

YEY! Nakatira rin ako sa wakas.. At ang maganda ay hindi nila napalo kaya naman ay may 2 points na kami.

"GO BESH! Clark is watching. Hahaha!" Tumingin ako kay besh at inirapan ko siya.

"Wag ka nga besh. Ang kulit, hahaha!" Mahilig lang talagang mangasar iyan si Ash sa akin lalo ma kapag good mood at trip ka niya talaga. Napatingin ako sa may gilid ko kasi namukhaan ko ang taong iyon...si Lance.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

Napailing ako. Hindi ko pinahalata na nakita ko siya at nagfocus na lamang sa laro. Magspike na ako kaya tumalon ako kasi malamang ay sa akin ang bagsak.. Pero napasobra pala ako..

"Besh!"

*bog!*

Aray!! Napasobra ako ng talon kaya sumalpok sa ulo ko. Ang sakit!! Parang nahilo ako ro'n ah. Argh!! Nakakahiya naman!

"Best/Tiny owl!" Katahimikan.. Agad akong kinarga ni best ng bridal style. Tinignan ko si Lance pero naglalakad na siya patalikod kaya hindi ko na nakita kung ano ang reaksyon niya.

The Long Lost Royal Princess Où les histoires vivent. Découvrez maintenant