Dont sleep

2K 192 138
                                    

STEVE

"Maja, it's already ten. You need to go to sleep, may pasok ka pa bukas" sabi ko habang nagtitimpla ng gatas para kay Maja, ang anak ko.

Kanina pa siya nasa loob ng kwarto niya pero panay lang ang pagtawag niya sa pangalan ko. Labas pasok ako sa kwarto niya dahil palagi niya akong tinatawag, hindi raw siya makatulog sa hindi malamang dahilan.

"Dad!!" Sigaw nanaman niya.

Agad kong kinuha ang bote ng gatas at pumunta sa kanyang kwarto. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakatayo sa ibabaw ng kama niya at nakatalukbong ang kumot sa kanya. Nilapag ko ang bote ng gatas sa isang lamesa, sa tabi ng kanyang kama.

"Maja, stop playing" hinila ko ang kumot dahilan para makita ang mukha niya. Nakita ko siyang nakatingin sa isang salamin, parang gulat na gulat siya.

"Drink your milk, para makatulog ka na." Sabi ko at binigay ang bote ng gatas. Agad niya itong ininom at humiga muli sa kama niya. Hinawakan ko ang ulo niya at hinimas ito para makatulog na siya.

"Close your eyes, para makatulog ka na. Maaga pa pasok mo bukas" sabi ko habang hinahatak ang kumot niya. Bakit ba ang lamig ng kwarto niya? Hindi naman ganito kalamig sa labas.

Hindi siya pumipikit, nakapako pa rin ang paningin niya sa salamin. Para siyang may tinitingnan duon, kaya naman tiningnan ko rin ang salamin. Wala akong ibang nakita kundi ang repleksyon ng sarili ko, ang bintana, kurtina at kabinet. Dahan-dahan akong tumayo.

"Dad, may monster sa closet" sabi niya. Umiling-iling ako.

"Good night Maja, go to sleep." Sambit ko at lumabas ng pinto.

Pinagpatuloy ko ang panunuod ng tv habang kumakain rito sa may sala. Nakaupo ako sa sofa habang nakataas ang dalawa kong mga paa. Tiningnan ko ang picture namin ni Maja, batang-bata pa ang itsura niya jan.

Unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Parang inaantok na ako, pero hindi pa ko pwedeng matulog. Di ko pa tapos kainin ang kinakain ko.

"Dad! Dad! Dad!" Sigaw ni Maja.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko at bumalik sa kwarto niya. Dapat siguro ay samahan ko nalang siya duon, ano kayang problema ng batang to bakit ayaw matulog?

"I told you, there is no monster inside of your closet." Sabi ko at umupo sa gilid ng kama niya. Inayos ko ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha.

"There is.." sabi ni Maja habang nakatingin pa rin sa salamin.

"Okay. Hindi na ako lalabas ng kwarto mo, I will stay here para hindi ka na matakot. Is that fine?" Tanong ko sa kanya, tumango-tango siya kaya humiga na ako sa tabi niya.

Sinubukan ko siyang patulugin, habang ako'y nakapikit. Ngunit nang idinilat ko ang mga mata ko, nakita ko siyang nakatingin lang sa salamin habang walang expression ang mukha.

"Maja." Tawag ko sa kanya.

"Dad, there is a monster in my closet" sambit niya nanaman. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad sa kabinet niya.

"Wala ngang monster dito." Sambit ko at humarap sa kabinet. Binuksan ko ito, wala akong ibang nakita kundi ang mga damit ng anak ko.

Isasara ko na sana ang kabinet nang may bigla akong naramdaman sa paa ko. Tumingin ako duon, at laking gulat ko... "Dad, there is a monster on my bed"

Nakita ko si Maja na nakaupo sa loob ng kabinet, yakap-yakap ang kanyang tuhod. Nakatingin siya sa akin ngunit bumalik ang tingin niya sa aking likod, kung nasaan ang kanyang kama.

Kung nandito si Maja, sino ang nasa kama niya?

Dahan-dahan akong umupo. Hinarap ko si Maja na nasa loob ng kabinet. Hindi ako makalingon sa likod, para bang kinakain ako ng takot. Hinawakan ko si Maja, napakalamig niya.

"M-maja.." tawag ko sa kanya pero nakatingin lamang siya sa likod ko. Hindi ko alam kung sino ang totoong Maja sa kanilang dalawa, yung nasa kama ba o ang kaharap mo ngayon sa loob ng kabinet?


"Maja, bakit sobrang lamig mo?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Hindi ako naniniwala sa multo pero bakit parang ngayon takot na takot ako.

Tiningnan niya ako ng masama, napakasama. Parang gusto niya akong patayin, nakita ko ang pagkaputi ng kanyang balat. Napaka-pale ng kanyang kulay.

"DAD! Kanina pa ako dito sa loob ng kabinet oh. Ang lamig lamig kaya tapos wala akong kumot dito. Naka-on yung aircon kaya ang lamig lamig." Sigaw niya. Napakunot ang noo ko, dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.

"Dad naman eh, ako kasi to! Si Blanca ako hindi si Maja. Hay nako! Nilamig nalang si Maja sa loob kasi kanina pa namin hinihintay na marealize mo na ako si Blanca. Hay nako dad, youre so funny" umirap siya sa akin habang nakaupo sa kanyang kama.

Unti-unting rumihistro sa utak ko ang lahat. Ay , oo nga pala kambal ang anak ko.

Don't SleepWhere stories live. Discover now