My Pain Reliever

110 5 2
                                    




Play the music Resignation cover by: Morisette Amon 😉
(Sobrang sakit ng kantang to 😥😭)



Kara


"Malayo ang condo mo mula dito sa bahay ko, Malakas din ang ulan. Dito kana matulog" Napasulyap ako kay Lucas habang nililigpit niya ang mga pinagkainan namin.

"A-ah! Hindi na mag-cocommute nalang ako pauwi"Natatarantang aniya at Ilang oras pa nga lang silang nagkakasama nito ay parang malalagutan na siya ng hininga.

"S-saka kailangan ko talagang makauwi dahil wala naman akong masusuot na uniform mamayang hapon"

"Maaga nalang kitang gigisingin para ihatid sa condo mo mamaya."

"Sinasadya mo'to no, siguro M-may binabalak kang masama sa akin"

"Look! Kara pareho tayong pagod galing sa trabaho buong gabi. So wag kanang makipagtalo" napasimangot lang ako dito sa kawalan ng magagawa.

"Malinis ang isang guest room sa itaas,You can rest there. Saglit lang at ikukuha kita ng maaaring ipamalit mo"

"Ang laki laki nitong bahay mo, W-wala kabang katulong dito kahit isa man lang"

"I don't need one, May pinapadala naman si Mama rito once in a week para maglinis" Tumango tango ako at sinundan nalamang siya ng tingin habang papaakyat siya ng hagdan patungong second floor. Nilibot ko ang tingin ko sa magarang living room. Sa itsura ng Design at pagkakafurniture nitong buong bahay mahahalata muna talagang lalake ang nakatira dito kahit sa unang tingin mo palang. Naglakad-lakad ako at tumingin tingin sa mga nakasabit na mga paintings, Ang ganda ganda para iyong mga pinapa-auction na para sa mga mayayaman lang. Dati akong nag Aattend din ng mga auctions kasama si Daddy kaya alam ko na hindi biro ang mga halaga ng mga iyon. Well Lucas Nicolo Tan, known as one of the Bachelor, Nabibilang ang mga angkan nila sa elite world.

"Here, pasensya na at wala akong ibang ma-ipapahiram sayo na iba" inabot nito ang isang maluwag na white v-neck t-shirt at isang navy blue jogging pants.

"Okay na ito, S-salamat Doc" Nahihiyang aniya dito.

"Drop the formality Kara, You can call me Lucas. Gaya ng dati"

"Iba naman 'yong dati at ngayon, Gumagalang lang ako sa alam kung mas nakakataas sa akin" matapang na sabi ko pero bigla ring napatigil ng basta nalang nitong ini-angat ang aking baba dahilan para matingnan
ko siya ng diretso sa kanyang mukha.
Halos pigil ko ang aking hininga habang nakikipagtitigan sa kanya.

"Iturin mo'ko gaya ng dati Kara, Wala namang nagbago sakin. Ako parin ang Lucas na nakilala mo noon, I didn't changed at all" Marahang itinulak ko siya palayo sa akin at lumayo ng bahagya sa kanya.

"Eh! Hindi namang babaero ang dating lucas na nakilala ko ah" naitakip ko na mabilis ang aking bibig gamit ang dalawang palad nang marealize ang sinabi ko. Napangisi naman siya dahil dun.

"So! kaya ba nag-iba ang pagtrato mo sa akin ay dahil sa naging babaero ako"

" 'Di umamin ka din na babaero kang talaga,At wag ka ngang ngumisi dyan ang pangit mo" Pagtataray ko sa kanya. Babaero na nga, hindi pa magawang mag move-on tsk.

"Oh! Lady, ikaw lang ang nagsabing pangit ako" Anito mabilis pa sa kidlat na lumapit at hinawakan ang dalawang mga kamay ko at iginaya nito iyon sa magkabilang pisngi nito.

"You can touch my face, Tingnan mo'ko sa mukha at ngayon mo sabihing pangit ako Kara." Ang bilis bilis ng tibok,kabog ng puso ko habang nakatitig sa kanya, Ang lambot lambot ng pisngi niya napaka-kinis pa. Napakatangos ng ilong , ang kulay abong mga mata niya ay nakakalunod pagmasdan. At ang maninipis na labi natural na mapula. Bigla akong natauhan ng makitang umangat ang mga labing iyon, ngising aso nanaman ito habang nag-eenjoy sa reaction ng mukha ko ngayon. Binawi ko ang mga kamay ko at muling lumayo sa kanya.

"A-asan ang guest room mo, G-gusto ko ng magpahinga"

"Tatlo ang kwarto sa taas, Dalawa dun ang guest room. 'Yong nasa gitna ang gamitin mo. Sa pinaka dulo ang kwarto ko, kumatok kana lang if ever na may kakailanganin ka pa" Tumango ako at muling inabot ang mga damit na pinahiram niya sa akin bago patakbong tinahak ang hagdan patungong second floor.

Kaagad na nahanap ko ang silid na sinabi niya, dahil gaya nga ng sabi niya e tatlo lang ang kuwarto dito sa second floor. Nang makapasok ako sa ikalawang room which is 'yong nasa gitna na nasabing guest room ay nakahinga narin ako ng maluwag kahit pa hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik sa normal ang pagtibok ng aking puso.





----






Lucas



Mariing nakapikit ako habang nakasandal sa headboard ng aking kama.Dalawang oras na ang nakakalipas ng pumasok si Kara sa guest room, Marahil ngayon ay natutulog narin ito.

Minulat ko ang aking mga mata at binuksan ang maliit na cabinet sa tabi ng aking kama, Kinuha roon ang nakatagong picture frame kung nasaan ang litrato ng babaing minahal ko.

Sofia

I was hurt and broken, sobra akong nasaktan noon dahil sa hindi ako ang pinili ni Sofia. Muling sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama ko at matamang pinagmamasdan ang nakangiting si Sofia sa larawan. Kuha iyon sa dating clinic ko kung saan nagtrabaho noon si Sofia.

"Utot mo saan banda, mas gwapo kaya si Lorenzo sayo. Kaya nga siya ang pinili ni Sofia di'ba" Napapailing nalamang ako ng maalala ang sinabi ni Kara, Siguro nga malaking malaki ang pagkakaiba namin ni Lorenzo.

Kung sa una palang ay naging tulad niya ko, magiging akin ba si Sofia
Marahil ako rin sana ang ama ni Baby Lawrence ngayon.

Sa dami ng babaeng nakilala ko, kay Sofia lang talaga ako tinamaan ng ganito. Siya ang babaeng pinangarap ko, Ang babaing Pinapangarap kong iharap sa altar at ang sanay magiging ina ng mga anak ko.

Pero ang lahat ng iyon ay hanggang sa pangarap nalang...

At Mananatiling pangarap lamang..

My Pain RelieverWhere stories live. Discover now