My Pain Reliever

119 5 0
                                    






Kara


Mas lalo kaming naging komportable sa isa't isa ni Lucas, Dahil naging madalas ang pagsasama namin.We ate lunch and dinner together everyday, minsan ito ang sumusundo sa akin sa condo para sabay na kaming pumasok sa trabaho,napapadalas narin ang tambay nito sa aking condo kapag wala kaming pasok pareho. Ang mga colleague ko ay nagsisimula naring mag-usisa ngunit walang naglakas ng loob na magtanong. Tanging si Angeline lang nagtanong kung anong meron sa amin ni Lucas. Sinagot ko naman siya ng kung anong totoo pero maging ito ay nagduda sa aking naging sagot.Dahil hindi ito naniniwalang magkaibigan lang kame.

"Hintayin mo ako mamayang uwian, maaga akong uuwi ngayon" Ani Lucas sa akin na diretso lang na nakatingin sa daan habang nagdadrive. Sinundo ako nito sa condo para isabay ulit sa pagpasok. Sinasanay ako ng mokong paano pala kapag natapos na ang internship ko.

"Bakit maaga out mo, may pupuntahan ba tayo"

"Yeah! Wedding Anniversary ng parents ko, may konting salo salo sa bahay" Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.

"B-bakit kailangan kasama pa ako, I-ikaw nalang" Family gathering nila yon e, kaya ano nalang ang iniisip nito at kailangan pa talaga siyang isama.

"Isa sa mga pinsan ko ay kaibigan ni Amanda, So I'm sure Amanda will be there tonight. Gusto niyang makipagbalikan at hindi siya naniniwala nang sabihin ko sa kanyang girlfriend kita"pumayag siyang maging fake girlfriend nito, iyon ay kapag ginugulo lang siya ni Amanda.

"Bakit ayaw mo na ba talagang makipag balikan sa kanya, She's beautiful at M-mukhang mahal na mahal ka talaga niya" Napahinto ito sa pagdadrive maayos namang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada at pagkatapos ay bumuntong hininga bago ako hinarap at sinagot.

"I've met a lot of pretty girls in town, some of them are just for fun. -a one night stand. And I thought Amanda is different,inisip ko na baka nga sa kanya na ako magseryoso. You know, hindi ako mapili sa babae. dahil kapag seryoso ako ay talagang seryoso ako. pero sadyang sumobra si Amanda sa pagkaselosa, kaya nagsawa din ako"

"So! wala kana talagang balak na balikan siya" Napakagat labi pa ako matapos ko iyong sabihin sa kanya, dumako tuloy ang mga mata nito don.Dahilan para magpantig ang aking mga balahibo.

"No, wala na akong balak makipagbalikan pa sa kanya" Sagot lang nito bago ulit ini -obra ang sasakyan para mag patuloy sa biyahe patungong ospital.

"Ang ganda ganda natin ngayon ah"anang baklang si Alberto nang saktong paglabas ko sa locker's area. Kakatapos ko lang magpalit at patungo na ako ngayon sa pedia nurse station.

"Anong meron at lalo kang blooming ngayon dai" Napangiti nalang ako sa kanya at napailing-iling, tiyak na ihohot-seat nanaman ako ng baklang to.

"Ano itong naririnig kong nagdidate na daw kayo ni Doc. Lucas"

"Wag kang maniwala sa tsismis, magkaibigan lang kami nong tao"

"Sus! Kara, halos kayong dalawa ni Doc. pogi, ang pinag-uusapan ngayon sa department natin.Kesyo! break na daw si Doc at 'yong model nasi Amanda, kaya ikaw ang sinasabi nilang third party kuno at bagong girlfriend nitong si Doc" halos manlaki ang aking mga mata sa narinig sa kanyang sinabi.

"Kalokohan" malakas na sabi ko kay alberto.

"Hayaan mo nalang sila, mga inggit lang 'yung mga yon sa iyo. Ang haba-haba kasi ng hair mo e" tawang-tawa na dagdag pa nito natampal ko nalang ang sariling noo ng wala sa oras, kahit ilang beses pa akong tumanggi ay di rin naman maniniwala ito sa sasabihin ko, kagaya nalang ni Angeline. nag-iwalay narin kame ng way ni alberto pagkatapos ng ilang minutong pagkwekwentohan.


——-

Alas-kwatro nang hapon ng mag-out ako, as usual wala nanaman akong dalang kotse ngayon dahil nga hatid sundo ako ngayon ni Lucas, Nakatayo ako ngayon sa waiting shed sa may labasan ng ospital. Habang hinihintay si Lucas.

"Hi" mabilis na umangat ang aking tingin kay paolo na siya palang nagsalita at lumapit sa akin, nakaparada pa sa gilid ang blue ford ranger nito tila bumaba pa ito ng makita siya.

"Hello, Pao" Lumapad lalo ang ngiti nito sa akin.

"Pauwi kana ba, ihatid na kita"

"Hindi na, M-may hinihintay pa ako e.Salamat nalang" Magsasalita palang sana ulit ito nang may sunod sunod na malalakas na pagbusina.
nakababa ang bintana ng audi sport ni lucas, hindi ko alam kung bakit parang galit ito habang nakatingin sa amin ni paolo.

"Let's go, Kara" natuliro ako ng marinig ang malimig na boses nito.

"M-mauna na kame Pao, thank you ulit" Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon at sasabihin ni paolo, patakbo akong lumapit sa kotse ni Lucas at mabilis na sumakay sa passenger seat.

"Nililigawan ka ba non" Mga ilang minuto ng nasa biyahe sila ng magsalita ito.

"H-hindi" Todo tanggi ako sa kanya At bakit parang galit ito.

"Pero panay ang dikit sayo" nagsalubong ang aking kilay, paano kaya nito nalaman iyon.

"How did you know about that" Hindi ito sumagot, nagfucos lang ito sa pagmamaneho.
minsan talaga hindi niya ito maintindihan, ang hirap basahin ng lalakeng to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Pain RelieverWhere stories live. Discover now