Shooting Star

575 15 2
                                    

SHOOTING STAR
Written By: zequiuoz

EXIGENT FIRST INSTALLMENT

Let's all welcome the Drummer of the band!

--

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.

--

Please be advised that this story contains mature themes and strong languages that are not suitable for very young readers.

READ AT YOUR OWN RISK


--

ALL RIGHTS RESERVED 2021

COPYRIGHT © LYREUNE

--

PROLOGUE

NALULUHA-LUHA ako habang minamasdan ang tahanan ko na iiwan ko na ngayon. Kailangan kong lumuwas ng Maynila dahil sa inalok na trabaho ng kaibigan ko, at syempre gipit din ako ngayon kaya hindi na ako nagpakipot pa. Madaling-araw ang oras ng alis ko kaya hindi ko na ginising pa ang mga kapatid at mga magulang ko. Nakapagpaalam na naman na ako sa kanila kahapon, sayang nga lang dahil hindi nila ako maiihatid sa daungan.

Ako ang panganay ng pamilya namin kaya nararapat lamang na ako ang magtrabaho para sa pamilya ko. Matanda na rin kasi si Tatay at hirap nang mamasada. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay kaya nahihirapan din akong makahanap ng trabaho. Mabuti na lang talaga at inalok ako ng trabaho ng kaibigan kong kakauwi lang galing sa Maynila.

Shooting Star [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon