Chapter 03

95 12 0
                                    

CHAPTER THREE

Todo hila ako sa skirt na suot ko pababa dahil pilit itong tumataas, hindi ako kumportable. Hindi rin ako makagalaw nang maayos dahil natatakot ako na baka masilipan ako. Nasa isang elevator na kami ngayon, hindi ko alam kung ano'ng klaseng building 'tong pinasukan namin dahil nasa palda ko ang atensyon ko magmula kanina.

"Okay ka lang po ba, ate?" Tanong sa 'kin ni Aster at wala akong magawa kundi ngumiti nang pilit sa kanya.

"O-Oo naman..." Lihim pa akong napangiwi dahil kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko ngayon.

"Tsk, pasama-sama pa kasi." Mahinang asik ni Sirius kaya napahalukipkip ako. Alam ko naman kasing ako ang pinariringgan niya, ang sama talaga ng ugali!

"Shut up, kuya." Saway naman dito ni Aster. Mabuti na lang talaga at nandyan siya, hindi ako nabubully nang todo ng kuya niyang pinaglihi ata sa sama ng loob.

"Tss," balik na asik naman ni Sirius na nasa harapan pa rin ang tingin.

Bumukas na ang pintuan ng elevator kaya nakahinga na ako nang maluwag. Naunang lumabas si Sirius at sumunod naman kami ni Aster.

"You know what, ate? I'm sure magugustuhan mo ang kabanda ni kuya, and so are they." Nakangiting baling sa 'kin ni Aster, 'yung tagalog niya lang ang naintindihan ko.

"Sana nga..." Anas ko.

Huminto si Sirius sa isang pintuan at binuksan 'yon kaya sinundan na namin siya sa loob. Mga boses agad ng mga lalaki ang naririnig ko, kaliwa't kanang murahan, asaran, at inglesan. Parang gusto ko na rin tuloy makaintindi ng ingles, lalo na't mahilig pa namang magsalita ng ingles ang mga amo ko. Nakakahiya rin naman kasi kung laging sila ang mag-aadjust para sa 'kin.

"Woah! Nandito na si Bituin!" Biglang sigaw ng isang lalaking may hawak na gitara.

"You're so loud, Silver." May bahid ng inis na sambit naman ni Sirius saka pabagsak na umupo sa isang upuan na kutson.

"Sino nga pala 'yang kasama mo, Aster?" Baling nung lalaking tinawag na Silver ni Sirius sa 'min.

"Yeah, right. Hello guys, this is Aya... and she's kuya's fiancee." Nakangiting imporma ni Aster sa mga ito, dahilan para biglang tumahimik ang paligid.

"Is this some kind of your joke, Aster? Because look, it's so damn funny!" Halakhak nung lalaking nagngangalang Silver. Batid kong nakakunot na ngayon ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung ano'ng nakakatawa.

"No, this is not a joke, Silver! Stop laughing, you're offending Aya." Saway naman agad ni Aster dito. Bakit ba kasi ingles sila nang ingles? Wala akong maintindihan, ang hirap pala talaga maging mangmang.

"Are you really serious, Aster? Well, I can't blame Silver that he laughed because you know Sirius, he's not a fun of settling down." Anang isang lalaking may hawak na bote ng alak ata, base na rin sa itsura ng bote.

"Well, from now on—"

"That's enough, Aster. They don't have to know about my business with that promdi girl." Tamad na putol ni Sirius sa sasabihin ni Aster habang nakapikit.

"So, that was true?" Bakas sa boses ng isang lalaking may piercing sa gilid ng mga labi ang paninigurado.

Tamad na tiningnan lamang nito ni Sirius bilang tugon. Wala talagang modo, nagtatanong 'yung tao e. Giniya ako ni Aster sa sopa para umupo kaya napatianod ako. Napatingin silang lahat sa 'kin kaya medyo nailang ako, base na rin sa paraan ng pagtitig nila sa 'kin.

"So you're Sirius' fiancee?" Tanong sa 'kin nung lalaking nagngangalang Silver. Sobrang gwapo niya pala sa malapitan, lihim akong napangiti dahil masyado akong naga-gwapuhan sa kanya. Actually, lahat sila ay gwapo.

Shooting Star [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon