Chapter 10

80 12 1
                                    

CHAPTER TEN

Spell AWKWARD.

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakahiga sa kama. Nakatitig lamang ako sa bubong dahil pakiramdam ko ay nagka-stiff neck ata ako, hindi ko kayang lingunin ang gilid ko dahil alam kong si Sirius ang makikita ko. Hindi rin gumagalaw ang kama kaya alam kong wala sa amin ang umiba ng posisyon, mas lalo tuloy akong nakaramdam ng ilang.

Nakatulog na kaya siya? Wala pa naman akong naririnig na hilik kaya hindi pa siguro siya tulog. Pero humihilik ba siya? Humihilik naman siguro siya, 'di ba? Sana naman ay nakatulog na siya para makatanggal ko na rin 'tong bra ko, kanina pa ako hirap makahinga dahil hindi ako sanay nang nakabra kapag natutulog.

Bumuntong-hininga ako at nagpasyang sulyapan si Sirius para malaman ko kung nakatulog na ba siya. Dahan-dahan kong nilingon si Sirius at natuwa ako nang makita siyang nakatalikod sa 'kin. Bumababa at tumataas din ang balikat niya, senyales na malalim na ang paghinga nito, siguro nga ay nakatulog na siya.

Agad akong nagkumot at dahan-dahang tinanggal ang bra ko, medyo nahirapan pa ako pero nagawa ko naman. Nang tanggalin ko na ang kumot ay nakatalikod pa rin siya sa 'kin kaya guminhawa ang pakiramdam ko, hindi ko siya nagising. Tumalikod na rin ako sa direksyon niya at nagpasyang matulog na, marami pa kaming gagawin bukas.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, pero paglingon ko sa tabi ko ay wala na si Sirius. Kumunot ang noo ko at nagtaka, saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Baka kasama na naman no'n si Lian, napapansin ko rin kasing nagkakasundo na ang dalawang 'yon at pinagkakaisahan na ako.

Bumangon na ako at inayos ang higaan bago lumabas ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina. Nadatnan ko naman si Nanay sa kusina na nagluluto ata ng agahan namin. Kumuha ako ng thermos at isang sachet ng kape para timplahin saka umupo sa lamesa.

"'Nay, nakita niyo po ba si Sirius?" Untag ko sa kanya.

Napalingon naman sa 'kin si Nanay. "Ay nasa bakuran, anak. Pinagsibak ng kahoy ng Tatay mo, pinigilan ko nga e kaso pumayag agad 'yung kasintahan mo." Agad akong napatayo at dala-dala ang kapeng nagtungo sa bakuran namin.

At tila'y natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Sirius na nagsisibak ng kahoy habang walang saplot pang-itaas. Muntik nang mahulog ang panga ko dahil sa mga biceps nitong mas lalong lumalabas sa tuwing hinahampas na nito ang pangsibak ng kahoy sa kahoy. Naliligo pa ito sa pawis kaya kumikislap ang katawan nito dahil sa liwanag na nagmumula sa araw, hindi ko alam pero ang sexy at hot niya ngayon sa paningin, lalo na ang likod niya. Marahas kong pinilig ang ulo ko para mabalik ako sa reyalidad at inayos na ang sarili ko.

"Ang hot ni Kuya Sirius, 'di ba Ate?" Biglang sumulpor si Lian sa tabi ko kaya napaiktad ako sa gulat.

"Ano ba? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan?" Iritableng asik ko sa kanya.

"Ha? Kanina pa kaya ako nandito." Kunot-noong sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. "Kung ganoon, bakit hindi kita nakita?" Pamamaang-maangan ko pa.

"Ay suuus ... ang sabihin mo, masyado ka lang talagang na-starstruck sa kapogian ni Kuya Sirius kaya hindi mo ako napansin. Magfefeeling inosente pa talaga." Pang-aasar nito.

"Heh! Manahimik ka nga riyan, ba't 'di mo na lang kaya tulungan si Nanay ro'n sa kusina at nang may ambag ka naman." Singhal ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Sus, gusto mo lang masolo ang katawan ni Kuya Sirius e."

"Lian nga!" Bago ko pa mahablot ang buhok niya ay tumakbo na siya papasok ng bahay habang tatawa-tawa pa. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa sinabi ni Lian, naiinis ako kasi tama siya.

Shooting Star [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon