Chapter 19: Uh-oh.

5.1K 118 7
                                    

Cleo's POV: 

What the hell? 

Anong ginagawa nya dito?! Ano nanamang binabalak nya?! 

Tumingin ako kay Raizel na mukhang anytime bibigay na. Alam kong mahirap para sakanya 'to. So i tried to stay calm for her. 

Bakit kasama nya si Camille? Pati ba naman sa pagkakaibigan nila ni Raizel eh makikiepal rin sya? 

Kinuha ko yung kamay ni Raizel. Dapat aalis na kami pero bigla namang kinuha ni Jasleen yung kamay ko. 

Ano ba? 

"Cleo. I'm not looking for trouble.. Alam ko naman na kayo parin ni Raizel. Wala akong balak sirain yun. Just this once. Pagbigyan mo naman ako oh?" 

Hinablot ko yung kamay ko ng hindi binibitawan yung kamay ni Raizel. 

"Pagbigyan sa  ano? Kilala na kita jasleen. Hindi mo ako madadaan sa ganyan." 

Inirapan ko lang sya. Mukhang iiyak na sya anytime, pero hindi ko lang pinansin yun. 

Raizel squeezed my hand. Kaya napatingin ako agad sakanya. And her eyes were sending a message na pagbigyan ko nalang 'to. 

"Cleo.. please!  Jebal.. I just want to clear things out.. okay?" 

Kung hindi dahil kay Raizel hindi ako papayag. Kung hindi dahil sakanya, iiwanan ko na talaga 'tong babaeng to kahit man lumuhod sya sa harapan ko. 

Nairnig ko namang huminga ng malalim si raizel. The things you do to me. 

Without answering jasleen, dumiretso na ako sa upuan nila. 

Mukhang pinaguusapan kami ng iba pang estudyante dito sa loob ng canteen. Lahat sila nakatingin samin. 

I just shot them my famous ice glare. 

Nginitian naman ni Jasleen si Raizel. Tch

Hindi nya ako maloloko. Yang ngiti na yan? Pang demonyo. 

Pero hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko. 

Part of me is angry. Part of me is.... missing her. Ano? 

Hindi pwede! Dala lang 'to ng galit. Oo tama. 

Tinignan ko lang siya ng masama. She was fiddling with her hands. Fake. 

"Raizel... Ang ganda mo pala." 

Ako ba niloloko mo? Harap harapan? Hanep. 

Hindi lang umimik si Raizel at nginitian sya pabalik. Masyadong mabait 'tong babaeng 'to. Masyadong manhid. 

"Hindi na ako nagtataka kung bakit ka nagustuhan ni Cleo..." 

"Same goes to you." 

Tama yan, zel. Buti naman at tinitipid mo yung mga sagot mo. 

Mukhang naiirita na si Camille. At pag  naiirita 'to, hindi mo magugustuhan ang lalabas sa bibig nya. 

"Ate, nakikipagplastikan ka lang ba samin? Ano ka, orocan o lock and lock? May pinaparating ka ba? So sinasabi mo na iniisip mo dati na pangit si Raizel ganon?" 

Hindi ko napigilang tumawa. Pero siniko lang ako ni raizel. Hahahaha! 

Tinignan sya ng masama ni Jasleen pero hindi sya nagpapahalata. 

"I'm sorry.. Ang pangit ata ng first impression mo sakin." 

Nag hair flip lang si camille. Amazona yata 'to. Kaya paminsan ayokong sumasabay sakanya si raizel eh. Mamaya maging bayolente. 

My Cold BoyfriendWhere stories live. Discover now