Part 15 🍓

102 5 0
                                    

Mhikawrites 💕

——————————————————

Francine's POV
~~~~~~~~~~~~~~~~

*WEEKS PASSED*

Grabe ilang linggo yung lumipas after nung camping! Ang daming nangyari! Naging nakaclose na namin sila Tricia, Katelyn at Alyanna at hindi alam na rin nila yung about kila Ash at Josh then pati yung nung naging crush ko si Stell hanggang naging gusto na yon alam na rin nila pero hindi nila sinasabi kay Stell. Si Ash naman is medyo nabawasan yung pag-iiwas nya kay Josh! Umiiwas pa rin pero hindi na masyado then ako naman is simula nung camping at narealize na gusto ko na si Stell is lalo akong nagugustuhan si Stell! Ewan ko ba kung unting-unti na kong nahuhulog kay Stell!

Ops! Speaking of Stell! Dumating na sya! Binilhan nya kasi kami ng milktea eh sakto favorite namin yon ni Ashley kaya go kami ni besh! Actually nandito na kami sa rooftop! As in kaming sampu! Ako, Stell, Ashley, Josh, Tricia, Justin, Katelyn, Ken, Alyanna and Pablo, nadistribute na ni Stell yung mga milktea nung anim then yung milktea ni Ashley is binigay ni Stell kay Josh para si Josh na magbigay kay Ashley ng milktea

"Ashley oh!" Nahihiyang saad ni Josh kay Ashley at sabay bigay kay ng Ashley ng milktea, nice idea Stell!

"Sa-salamat!" Nauutal na sagot ni Ashley sabay kuha ng milktea at nag-iwas ng tingin! Asus besh nag-iwas ka pa ng tingin! Kinikilig ka lang eh! Tapos nauutal pa! Jusko

"Francine oh! favorite milktea mo oh!" Saad sakin ni Stell at sabay ng favorite milktea ko! Teka? Paano nalaman ni Stell na favorite milktea ko toh!? Hmm mukhang alam kung sino nagsabi kay Stell! Si Ashley

"Salamat! Ah Stell paano mo nalaman na favorite milktea ko toh???" Tanong ko kay Stell at napatingin sya kay Ashley, hmm i knew it si Ash nga!

"Si Ashley! Chinat nya kasi ako nung nasa milktea shop na ko at sinabi nya na favorite milktea mo raw kaya yan yung binili ko para sayo!" Pag-papaliwanag ni Stell sakin at sabay kindat sakin, ay jusko ka Stell kahit kailan ka talaga! Pag ako nafall sayo! Saluhin mo ko ah! At nakita ko si Ashley na nakatingin sakin at nakapeace sign na nakangiti, hahahahaha ang cute ni besh!

"Ah ganon ba! Salamat ulit Stell ah!" Pagpapasalamat ko kay Stell

"Wala yon! Anything for you magandang binibini!" Saad nya sakin at kumindat na naman sya sakin! Jusko naman Stell! Nakakadalawa ka na ah!

"Ay si besh kinikilig sa pag kindat sa kanya ni Stell! Aaayyyiiieee!!!" Pangangasar sakin ni besh, tinitingnan ko ng masama at nagpeace sign ulit sya ng nakangiti at sabay sabi "sorry!" ng walang sound, hahahahaha ang cute talaga ni besh

"Bakit ikaw rin naman ah! Kinilig ka rin naman nung inabot ni Josh sayo yung milktea mo ah!" Pangangasar ko rin kay besh at nakita ko rin na sumimangot sya! Nagpeace sign din ako na nakangiti at sabay sabi ko rin "sorry!" ng walang sound

"Hindi ah! Ako kinilig!? Bat naman ako kikiligin ha!? Eto talaga si besh oh porket kinindatan ka lang ni Stell eh! Ginaganyan mo na ko!" Medyo naiinis na kunwaring nagtatampong sabi ni besh! Hmm ang cute talaga ni besh hahahahaha!!!!!

"Oo na hindi ka na kinilig! At wag ka ng magtampo dyan! Sorry na!" Saad ko kay besh at niyakap sya

"Oo na hindi na ko nagtatampo sayo besh! Hindi kita matiis eh!" Saad sakin ni besh at niyakap din ako, apakaswerte ko talaga kay besh!

My Ultimate Crush | Completed ✔Where stories live. Discover now