Part 17 🍓

94 2 0
                                    

Mhikawrites 💕

——————————————————

Francine's POV
~~~~~~~~~~~~~~~~

Ngayon ay nakabalik na kami ni besh sa pwesto namin at mamaya balak na namin umamin ni besh kila Stell at Josh

"Ok lahat ng girls na student! Any section is pumunta dito sa harapan at mamili kayo dito sa mga gamit dito na gusto nyong ibigay sa mga crush nyo, sa boyfriends nyo! Go lang! So mga girls punta na kayo dito sa harapan!" Sabi nung emcee sa may stage at kaming mga girls which is Ako, Ashley, Tricia, Katelyn & Alyanna ay pumunta na sa harapan at pumili ng gamit na ibibigay sa mga boys

*Time skip*

At ngayon ay tapos na kaming mamili kung ano yung ibibigay namin sa boys. Ngayon ay pabalik na kami sa pwesto namin, tatlong girls which is Tricia, Katelyn at Alyanna ay nasa unahan, ang bilis maglakad excited ibigay kila Justin, Ken at Pablo yung mga ibibigay nila. Samantalang kami ni Ash kinabahan eh!

"Besh ano ibibigay mo kay Josh???" Tanong ko kay Ashley habang naglalakad kami

"Etong couple bracelet! Sakin yung white kay Josh yung black! Eh ikaw ano ibibigay mo kay Stell???" Sagot ni Ash sa tanong ko at tinanong din nya ko kung ano ibibigay ko kay Stell

"Etong strawberry crochet pillow! Alam naman natin na favorite ni Stell yung strawberry eh! Kaya yung pinapili na tayo eto agad yung kinuha ko!" Sagot ko sa tanong ni Ashley

*Minutes passed*

At ayon nakarating na rin kami sa pwesto namin at nakita ko na samin dalawa ni Ashley nakatingin sila Stell at Josh. Lumapit ako kay besh at bumulong

"Besh ako muna unang aamin ah!" Bulong kong sabi kay besh at tumungo naman sya bilang sagot

"Ah Stell pwede bang samahan mo ko sa garden! May sasabihin lang ako sayo!" Pagfafavor ko kay Stell, sana pumayag ka please!

"Bat sa garden pa pwede naman dito!" Tanong ni Stell sakin! Jusko naman

"Ah importante kasi tong sasabihin ko sayo eh!" Sagot ko kay Stell na nakikinig lang sakin

"Ah ganon ba! Cge tara!" Pagyaya ni Stell sakin na pumunta na kami sa garden, hayst kinakabahan ako

*Time skip*

Ngayon ay nakarating na kami sa garden at ngayon sobra akong kinakabahan ako! Paano kaya kung hindi kami same ni Stell ng nararamdaman! Ah ang sakit nyon! Pero ok lang tatanggapin ko na naman kung hindi kami same ng nararamdaman

"Oh nandito na tayo! Ano ba yung sasabihin mo???" Tanong ni Stell sakin ng makarating kami dito sa garden! Ah kinakabahan ako

"Stell ah pwede bang pag sinabi ko tong sasabihin ko sayo is wag mo kong lalayuan or iiwasan!?" Sabi ko Stell na nag-iintay ng sasabihin ko

"Paano kita lalayuan or iiwasan eh hindi mo pa nga sinasabi yung sasabihin mo sakin!" Sagot ni Stell sa sinabi ko sa kanya

"Pero Stell please magpromise ka sakin na hindi mo ko lalayuan or iiwasan pag sinabi ko na sayo tong sasabihin ko sayo!" Pagpupumilit ko kay Stell

My Ultimate Crush | Completed ✔Where stories live. Discover now