01- Reunion ✔️

54 10 5
                                    

"Hala, ganito na pala ang school ngayon," madramang komento ni Kim.

Kakapasok lang namin sa school namin noong highschool at obvious na obvious din ang mga pagbabago. Simula sa gate hanggang sa mga buildings.

"Tumahimik ka nga. Para namang hindi mo 'to nakikita araw-araw." Umirap ako.

She is a Teacher at sa school na 'to siya nagtuturo.

"Di mo alam ang sarcasm? Huh?" sabi niya at inirapan ako. Tinawanan ko lang siya at tiningnan ang relo ko.

"Nasaan na ba sila Claudine? Sabi nila maaga silang darating," I frowned.

Matagal ko nang pinangarap na maka-attend sa isang reunion and I can't believe na mararansan ko na 'yon maya-maya lang. Magkakaroon ng reunion ang batch namin no'ng highschool.

"Wait. Tatawagan ko," sabi ni Kim sabay kuha ng cellphone niya. Habang busy siya sa pag-tawag kay Claudine, ako naman ay tumingin-tingin lang sa paligid.

Ngayon lang ulit ako nakapunta dito sa school namin. 'Yong last na punta ko rito ay noong birthday ni Kim. Balak ko pa nga sanang i-surprise siya kaso naunahan ako ng mga co-teachers niya.

It's Saturday kaya wala akong masyadong nakikitang mga estudyante. Kung meron man, sigurado akong mga OSY 'yon.

Bumaling ulit ako kay Kim. Kausap niya na siguro si Claudine.

"Nandito na nga kami ni Mika. Eh, ikaw? Si Bethany? Lia? Bea?" Hinayaan niya munang makasagot ang nasa kabilang linya. "Papunta? Grabe naman. Kayo itong nagplano na dapat maaga tayong darating tapos ngayon, maliligo ka palang."

Ano? Maliligo pa lang?

"Oo na. Pag talaga hindi kayo makarating sa loob ng thirty minutes, mauuna na kami doon. Hindi namin kayo ipare-reserve ng upuan," banta pa niya.

"Isip bata ka talaga, no," asik ko sa kanya habang kausap pa rin si Claudine.

"Sige na. Sige na. Bilisan mo naman." Binaba niya na ang tawag.

"Napaka-demanding mo talaga." Mahina kong hinila ang buhok niya.

"Syempre, dapat ang tulad natin hindi pinaghihintay nang matagal," aniya. "Duh."

Tingnan mo nga naman.

Hinila niya ako at lumapit sa isang mahabang upuan sa may unahan. Imbis na kausapin niya ako, iba ang inatupag niya. Hindi ko alam kung anong nilalaro niya sa cellphone niya. Parang bata.

Bumuntong hininga na
lang ako at nilabas ang cellphone ko. Panay lang ang nood ko ng videos sa YouTube habang hinihintay sila.

Pito kaming magka-kaibigan. Si Kim na teacher na pero isip bata pa rin. Si Claudine na isa ng paramedic. Si Bethany na nagsisimula nang mag boom ang career sa pagiging model. Si Lia na teacher din pero sa ibang school. At si Bea na isa ng Accountant. Ako? Accountant din. At ang isa naman naming kaibigan, si Quicyll, nasa ibang lugar ngayon. Sayang din naman kasi ang talino niya kung hindi niya maipakita sa ibang tao. Sa tingin ko nga ay hindi na 'yon lumalabas sa library dahil mahal na mahal niya talaga ang pagbabasa. Nagsabi na rin siya na hindi siya makakapunta dahil nga busy siya.

Lumingon ako kay Kim nang tumunog ang cellphone niya. Si Claudine, tumatawag. Agad niya naman itong sinagot.

"Oh?" bungad niya. Mahina kong sinipa ang paa niya.

"Ayusin mo naman," asik ko. Hindi nagsalita si Kim at hinayaan lang na si Claudine ang magsalita. Mayamaya pa ay tumango-tango siya.

"Sige."

"Papunta na ba raw sila?" tanong ko. Gusto ko na kasing pumunta sa court.

Parang ang weird lang. Hindi naman ganito ka jolly si Kim. Si Claudine naman ay hindi nale-late. Ano bang meron?

Unforgettable Dream (A Novelette)Where stories live. Discover now