02- Practice ✔️

27 6 7
                                    

"Hoy, kanina ka pa tulala. Anong meron?" tanong ni Bethany sa akin.

Matapos mag sink in sa akin 'yong panaginip ko, parang hindi na ako maka-concentrate. At alam kong magiging aligaga na ako mamaya lalo na't kapartner ko si Ryle.

Hindi pa nakarating si Ryle dahil daw may inaasikaso. Kanina naman, habang tinuturuan kami ni Alyanna ng steps ay hindi ko nasusundan. Mabuti na lang pina-upo niya muna kami para hintayin ang iba pa naming kasama.

"Wala," sagot ko.

Alam ko namang mapipilit agad ako ni Bethany na umamin pero gusto ko munang pahabain. Ayaw ko namang umamin agad.

That dream really bothers me. Alam ko namang panaginip lang 'yon pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka may something nga kay Shera at Ryle.

Dahil sa naisip ko, wala sa sarili kong nilingon si Shera.

She looks beautiful without even trying. She is with her friend, Ella. Ang ganda niya. 'Yong tipong kahit wala siyang ginagawa at wala pa siyang ayos, maganda na talaga siya. Samantalang ako, para akong tinorture. Ang ganda niya sa kahit na anong anggulo. Para siyang artista. 'Yong tawa niya, ang ganda pakinggan. Hindi tulad n'ong akin.

"Anong meron kay Shera? Kanina ka pa tingin nang tingin sa kanya. May problema ba?" nakakunot ang noo niyang tanong.

Malungkot akong ngumiti at bumuntong-hininga.

"Ang ganda niya, noh?" bulong ko.

"Sino?"

"Si Shera."

"Ahh." Tumango-tango pa siya. "Oo naman. Maganda talaga. Bakit?"

Hindi ako umimik.

"Hoy! Anong problema mo? Teka, nai-insecure ka ba?" binulong niya sa akin ang huling tanong.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Sino ba ang hindi?"

Mahina niya akong tinulak.

"Pabigla-bigla ka naman. Bakit? Anong nangyari? Kanina pa kita tinatanong tapos hindi mo naman ako sinasagot," naiinis na aniya.

"Basta nga."

"Sabuyan kaya kita ng tubig," inis na saad niya. "Bakit nga kasi?"

See? Paanong hindi ako mapapaamin niyan?

"Nananaginip ka, 'di ba?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya sa biglaang pagtanong ko.

"Oo naman," sagot niya, nakakunot ang noo.

"Eh, naranasan mo na bang managinip na parang totoo? Na parang nangyari na?" tanong ko.

Her brows furrowed. Naguguluhan na siguro siya.

"Ahm, minsan... Pero hindi naman ako naaapektuhan. Alam ko naman kasing panaginip lang 'yon. Bakit? Anong meron? Nanaginip ka na naman?"

Kumibit-balikat lang ako. "Feeling ko kasi nangyari na 'yon. Hindi ko alam. Parang totoo kasi. Ramdam ko pa rin kasi 'yong sakit dito." Tinuro ko ang puso ko.

"Mika. Hoy, parang sira talaga. Huwag ka ngang umiyak." Hinagod niya ang likod ko. "Ano ba kasing nangyari sa panaginip mo?"

Wala na akong magawa kundi ang sabihin at ikuwento sa kanya ang panaginip ko.

"Nasa reunion daw tayo tapos may trabaho na tayong lahat. And then, nakita ko do'n si Ryle. No'ng una, 'di ko alam kung sino ang kasama niya. 'Yong mga gestures na pinapakita ni Ryle sa kasama niya... gusto ko 'yon. Sa last part doon ko nakita na si Shera pala ang kasama niya. 'Yon lang. Tapos bigla namang akong nagising," pagkukwento ko.

Unforgettable Dream (A Novelette)Where stories live. Discover now