Chapter 3 √

276 18 0
                                    

Nakabihis na ako. I'm wearing a blue denim short and white crop top with a black cap and sun glasses.

Para akong artistang nagtatago sa mga fans ang get up ko ngayon. Argh, nakakainis kasi eh.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na nang condo. Nakayoko lang ako nang makalabas na ako. Pumara kaagad ako nang taxi tsaka nagpadiretso sa malapit na mall.

Panay pa ang tingin sa akin nang driver. Siguro nahihiwagaan kung bakit ako naka cap at shades. Hayyy, buhay nga naman.

Pagkababa ko nang taxi ay nagbayad na ako sa taxi at dumiretso papasok sa mall.

Naglakad lakad lang ako sa bawat store nang mga damit. May nakita akong boutique sa hindi kalayuan kaya agad akong pumasok doon.

Bumili ako nang mga damit na pang nerd tsaka normal na damit ko na rin. Yung everyday na sinusuot ko.

Namili na rin ako nang mga sapatos. Pagkatapos kong bumili nang mga damit ay sinunod ko ang sa skin care ko. May nabili rin akong mga fake pimples.

Namili na rin ako nang eyeglasses na walang grado, make up para sa nerd get up ko.

Pumunta na rin ako nang national book store para bumili nang mga gamit sa school ko.

Natapos akong mamili ay dumiretso ako sa isang fast food chain para kumain dahil nagugutom na ako.

Ang laki nang nagastos ko ngayong araw. Wala pa namang pumapasok na pera sa card ko kaya kailangan kong maghanap nang part time job para hindi ako mawalan nang pera.

Malaki laki pa naman ang nasa card ko pero hindi naman pwedeng nakadepende lang ako roon dahil mauubos at mauubos din yun. Ang ipon ko naman ay hindi ko muna igagastos dahil for emergency yun.

Ang hirap pala talaga kapag mag isa ka.

Naglakad na ako papasok nang muntik ko nang mabangga ang isang lalaki buti nalang at nakailag ako kaya napahinga ako nang malalim.

Muntik ko na ring mabitawan ang mga dala ko. Ang dami pa naman.

Magsosorry na sana ako nang makita kong naglakad na ito paalis. Tsk, bahala nga siya.

Pumasok na ako at nag order nang makakain.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako paalis dahil naiilang na ako sa mga tingin nila sa akin. Ang dami ko naman kasing dala.

Nag abang ako nang taxi sa labas nang mall. Ilang minuto lang ang nakalipas nang may dumaan kaya pinara ko ito.

Agad akong sumakay doon at nagpadiretso sa condo.

Nakarating ako kaagad sa condo. Nagbihis kaagad ako nang pambahay pagkatapos ko maligo, kinuha ko ang phone ko sa bag ko kanina at nag dial nang number.

Tinawagan ko ang isa kong kaibigan na alam kong matutulungan ako sa mga fake identities ko. May tiwala ako sa kanya at alam kong hindi niya ako ipapahamak.

Pagkatapos nang pag uusap namin ay binaba ko na ang tawag. Bukas na bukas ay maipapadala na niya kaagad ang mga papeles. Talagang maasahan siya.

Inayos ko na ang mga pinamili kong gamit. Inilagay ko na ang lahat nang yun sa closet ko.

Sa oras na dumating ang mga papeles bukas ay maghahanap kaagad ako nang part time job at sa biyernes ay mag te-take na ako nang exam sa university na papasukan ko.

Na contact ko na rin kasi ang headmaster nang University tungkol sa pagtransfer ko at pagkuha ko nang exam for scholarship. Makakatipid din ako sa pera kapag naging scholar ako. Hindi na ako mamomroblema sa tuition kasi libre na yun.

Nahiga na ako sa kama ko at nag social media.

Nakakainis at yun pa rin ang nasa top news. Mukha ko pa rin ang nandoon.

Nag out na ako don at in-off ko na cellphone ko. Haysss ang hirap.

Natulog na lamang ako nang maaga.

Kinabukasan ay dumating na nga ang mga papeles. Ni review ko pa yun baka may mali.

I named myself as Ylle Monte. Okay na rin yun. Wala na rin kasi akong maisip.

Nag pasa lang ako nang resume sa mga nakita kong hiring sa mga coffee shops as waitress. Online lang ang ginawa ko. Tinatamad din kasi akong lumabas.

May ibang shop na nireject agad ako dahil may nahanap na raw sila.

Buong araw kong ginawa ang paghahanap nang trabaho online at kapag wala pa rin akong mahanap na trabaho online ay lalabas na talaga ako.

Nakakapagod. Nakakalungkot.

I really missed them. Pero ayaw kong bumalik doon kahit hirap na hirap na ako. Kakayanin ko ang lahat para sa sarili ko. Para sa kalayaang gusto ko.

----------------------------

^_^


Running Away (Completed)Where stories live. Discover now