"Aster," bungad ni Isa nang sinalihan ko sila mag-hapunan.
Tiningnan ko si Loki at tahimik lang siya sa upuan niya, ni hindi niya nga ako magawang tingnan.
I managed a small smile at Isa before sitting down at the opposite chair at the end of the table.
Tahimik lang kami na kumakain hanggang sa biglang tumayo si Loki na hindi pa tinatapos ang pagkain niya. Hinagis niya ang table napkin sa mesa bago naglakad palabas ng dining room.
Nagtitigan kami ni Isa at nagkibit-balikat lang ako. Sinenyasan niya ako na sundin si Loki pero agad akong umiling.
No way. Ayokong makipag-away naman sa lalaking 'yon.
Pagkatapos namin kumain, napagpasiyahan ko na didiretso na lang sana sa kwarto ko. Kukunin ko lang si Kali saglit sa kwarto ni Loki at ikukulong ko na ang sarili ko sa kwarto para naman di na mabwesit ang boss ko.
Kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses ni Loki sa loob ng kwarto niya.
"Yes... I'll handle the documents."
Agad akong lumapit sa pinto para marinig ang kausap niya. Walang may nagsalita kaya nag-assume ako na sa phone siya nakikipag-usap.
"I'll bail you out... Tomorrow... I want you here tomorrow."
Naputol ang page-eavesdrop ko nang biglang bumukas ang pinto. Bahagyang napahakbang ako palayo nang inatake ni Kali ang paa ko.
"Arf! Arf! Arf!"
Nakalabas ang dila niya habang masiyahin siya na nagpapapansin sa'kin. Agad akong napangiti nang makita siya. Kinuha ko siya mula sa sahig tsaka kinarga. Nang tingnan ko ang kwarto ni Loki, nakatayo siya sa may bintana.
He was talking to someone on his phone while his gaze was focused on me.
"Okay," huli niyang sabi bago binaba ang tawag. Awkward naman ako na nakatayo lang sa may pinto habang naglalakad si Loki papunta sa'min.
"She's all yours."
Akala ko may sasabihin pa siya ngunit napaawang ang bibig ko nang sinara niya ang pinto sa pagmumukha ko.
What the fuck?
Napatingin ako kay Kali na dinilaan ang pisngi ko. Tch, tinotopak na naman yung daddy mo.
Dumiretso na lang ako sa kwarto at doon na naglabas ng sama ng loob. Alam ko naman na masama akong tao pero pwede ba hindi na niya ipamukha 'yon sa'kin? What I did yesterday was for him! Hindi naman tayo puro santo na dapat mabubuting bagay lang ang ginagawa.
Sometimes, we do bad things for a good cause. I know it's fucked up but that's the reality of things. You can't win evil by doing good... you just need to be the better evil.
Kinabukasan, naunang gumising si Kali dahil nang tingnan ko ang pinto, bahagyang nakabukas na 'yon. Siguro kinuha siya ni Loki kanina habang natutulog pa ako. Nag-ayos muna ako bago bumaba na ng mansion.
Napahinto lang ako sa huling flight ng hagdan nang makita ko ang hindi pamilyar na mukha. Nag-uusap sila ni Loki ngunit naudlot nang mahagilap ako ng bagong lalaki. Agad naman na sinunod ni Loki ang titig niya kaya tiningnan rin niya ako.
"Sino siya?" tanong ko kay Loki.
"Pierre Radaza," sagot ng lalaki.
My brows raised in astonishment. Nakakaintindi pala siya ng Tagalog?
Lumapit ako sa kanila at nakita ko pa kung paano si Loki pasikreto na umirap. May kung anong kirot na naramdaman ko ngunit tinabihan ko pa rin siya.
YOU ARE READING
Jack Of All Trades | COMPLETED
General Fiction[DECK OF CARDS # 2] In the battle of luck and love, she tries to prevail against all odds. Due to a national case that originally stemmed from a globally known company, Astrid Fuentabella was assigned on a mission to monitor the son of the most powe...