PROLOGUE

57 32 47
                                    


Prologue

"Haha! Wala kang kwenta!"

"Hindi ka nababagay dito!"

"Lumayas ka sa lugar na'to!"

"Bawal ang basura dito kagaya mo!"

"Wala kang Reign d'ba? Hindi mo kami kaya!"

Sigaw sa akin ng mga kaklase ko. Sila lima ang palaging nagbubully sa akin simula high school days. Hindi nila ako tinigilan.

I planned to protect myself but how can I?

Mag-isa lang ako, lima sila. Madami sila. Wala akong laban sa kanila. Wala akong lakas para protektahan ang sarili ko lalo na't wala akong Reign.

They beat the hell out of me. Iyong isa hinihila ang buhok ko. Nanakit na ang anit ko kakahila nila. Namumula't nagsusugat na ang mga balat ko kakalmot nila.

Pinagsisipa nila ako sa tiyan, binti, likod at sa iba pang parte sa katawan ko. Nakahiga na ako ngayon sa semento. Nanakit na ang katawan ko.

I curled my body because I think this is the only way to protect myself. Malalakas sila eh. Tapos may Reign pa sila?

Anong laban ko doon?

Mahina ako. I can be the epitome of weak. I'm not good at combat. I'm not good at anything. Wala pa akong Reign. Minsan nga naiisip ko na, "How long do I have to suffer this same kind of circumstances?" "Binuhay ba ako para pagdiskitahan lang?" "Binuhay lang ba ako para saktan, sabunutan, kalmutan at pagsasamplin?

Iyan ang palaging pumapasok sa isip ko during and after they beat me up. Hindi lang naman silang lima lang ang nangbubully sa akin, may iba pa. Marami sila. Halos nga lahat sila eh. Ayaw ko ng away. Ayaw ko ng atensyon na binibigay nila sa akin. Masasakit na atensyon to be exact.

Wala naman akong ginawang masama para gawin nila sa akin ito.

Patuloy pa rin sila sa pagsisipa sa akin hanggang sa tuluyan ng bumigat ang tulikap ng mata ko. Dahang-dahang pumikit ang mga mata ko habang sila patuloy pa rin. Sumirado na ang mga mata ko at dahan-dahang magpalamon sa matinding dilim.

Pagod na ako.

Pagod na ako kakatanggap ng mga suntok, sipa, pagpatid at iba pa nilang ginagawa sa katawan ko. Ayaw ko na....

Magus Academia: The School Of Mages (ON-GOING)Where stories live. Discover now