PROLOGUE

141 6 0
                                    

"You planned all of this! Ikaw ang may gustong magpakasal sa akin tapos pinapalabas mong mga magulang natin ang may kagustuhan?!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Hindi lang panlalait sa pagkatao ko ang naririnig ko mula sa kanya, pati pamilya ko ay nadadamay.

"Hindi ko kagustuhang makasal sa'yo," sabi ko. Nagsimula ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit na ng pakiramdam ko kaya gusto kong ilabas ang emosyon mula sa puso ko. "B-Buong buhay ko hindi ko naisip na magkaroon ng asawa sa ganitong edad! Marami pa akong pangarap sa buhay at ayaw kong ang pakikipag-asawa lang ang maging dahilan para hindi ko makamit ang pinapangarap ko!"

Umigting ang panga niya at kinuyom ang kaniyang kamao. He's mad. No, he's furious! Parang papatay na siya dahil sa talim ng kanyang tingin sa akin.

"From now on, you don't have to act like my real wife. And don't even bother me. 'Wag mong pakialaman ang mga gagawin ko sa bahay na 'to," mariing sabi niya. "Kung gusto kong mag-uwi ng babae sa bahay na 'to, wala kang gagawin kundi manahimik. Kung hindi ako uuwi sa bahay na 'to, wala ka ng pakialam!"

"P-Pero---"

"Just do what I've said! Magsasama lang tayo sa iisang bubong pero hindi ibig sabihin nu'n mahal na natin ang isa't isa!"

Parang sinampal ako sa sobrang sakit ng kanyang sinabi. Hindi man lang niya naisip kung ano ang sasabihin ng mga magulang namin kapag nalaman ang lahat ng ito.

Wala akong nagawa kundi tumango nalang. Iyon nalang ang kaya kong gawin dahil pakiramdam ko'y mabubuwal na ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Tulad niya ay hindi ko rin ginusto ang mga nangyari. Hindi ko ginustong makasal sa lalaking ngayon ko lang nakilala. At mas lalong hindi ko gustong pakisamahan sa iisang bahay ang lalaking hindi ko naman kinakitaan ng interes at pagmamahal sa akin.

Paano nalang ang kinabukasan ko? Paano nalang ang pag-aaral ko? Ayaw ko namang ito ang maging dahilan para hindi ko na makamit ang pangarap ko!

Ano ba ang naisip ng magulang namin para mahantong kami sa ganitong sitwasyon?

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now