Chapter 1

121 6 1
                                    

"Faith!!"

Dinig na dinig ko ang pagsigaw ni mama mula sa ibaba. Ang aga-aga ay sumisigaw na naman.

"Faith!" sigaw niyang muli.

"Ma, andiyan na!" sigaw ko pabalik. Inayos ko na ang mga notes ko at isinilid iyon sa bag ko. Iniuwi ko kasi ang ilang mga notes ko at tulong na rin para matapos ang portfolio ko.

Binilisan ko ang aking galaw dahil paniguradong bubungangaan ako nu'n kapag hindi pa ako nakarating kung nasaan siya. Kung bakit kasi kailangan pa niyang sumigaw kung pwede naman siyang pumunta nalang dito sa kwarto ko o 'di kaya naman ay utusan niya si Nanay Nilda para tawagin ako. Lagi na lang kaming ganito, natataranta ako palagi dahil kay mama. Para namang siya itong male-late kung umasta. Hindi ba niya alam na nakakapagod din ang mag-aral ng ilang oras?

"Kanina pa kita tinatawag, Faith! Ano'ng oras na, baka ma-late ka!"

Oh 'di ba? She's overreacting again. Sabi sa inyo eh.

Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap ng bahagya. "Good morning, Ma!" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ayokong magsagutan pa kami gayong ang aga-aga.

"Good morning! Kain na, sabayan mo na kami ng papa mo at siya na ang maghahatid sa 'yo sa school niyo," sabi ni mama. Tumango nalang ako at lumapit kay papa na nakaupo na sa harap ng hapag. I kissed his cheeks and I hugged him.

"Good morning, papa!" bati ko sa kanya.

"Good morning, Faithy."

Naupo ako sa tapat ni mama. Marami akong nakain dahil ang sabi ni mama, dapat may laman daw ang tiyan ko lalo na't malapit na ang finals namin.

Ano'ng connect ng pagkain ko ng marami sa papalapit na finals? Kahit kailan talaga, ang OA ni mama.

Pero mahirap na ang bumagsak lalo na't 3rd year college na ako.

Nag-iisa akong anak kaya lahat ng gusto ko ay sinusunod nila. Pero hindi ko naman iyon inaabuso. Nasa tamang pag-iisip na ako kaya alam ko na kung ano ang tama at maling gawain.

At dahil nasa 3rd year na ako ay kailangan kong magpursigi. Ayaw ko namang maging kulelat dahil lahat ng kamag-anak namin ay mga propesyonal.

Si papa at mama ay businessman at businesswoman. Pagmamay-ari nila ang International Dorcé Company. Iisang branch lang iyon sa buong Asia kaya marami ang gustong maging investors. Ang IDC ay sikat na pagawaan ng beauty products, at kilala ang mga produkto ng IDC hindi lang sa loob kundi maging sa labas ng Asia.

"Halika na, Faithy. Baka ma-late ka pa," anyaya ni papa nang matapos kaming kumain.

"Hindi po ba sasabay si mama sa atin?"

"Hindi na raw. May aasikasuhin pa siya bago pumunta sa kompanya kaya susunod nalang daw siya," sagot naman ni papa. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya, pumasok na ako sa kotse ni papa at hinintay kong paandarin niya ito.

"Faithy, anak hindi ka ba binu-bully ng mga estudyante?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni papa.

Bakit naman ako ibu-bully ng mga estudyante eh wala namang mali sa akin. Wala naman akong ginagawa para ma-bully at sa tingin ko ay maayos naman ang pagkatao ko.

"Hindi naman, Pa. Ba't mo natanong?" tanong ko pabalik.

Tumingin siya sa akin saglit at saka binalik sa daan ang kanyang tingin. Tumawa siya ng mahina at napakamot ng batok.

"Ahh wala naman, Faithy. Naisip ko lang na---"

"Papa, wala silang karapatan na laitin ako dahil lang sa kasuotan ko kung iyan ang iniisip mo," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jul 09, 2023 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The Unwanted WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu