Kabanata 2

71 23 2
                                    

"Prim!" palabas na sana ako ng school gate dahil uwian na ngunit napalingon kami ni Millie ng marinig ang aking pangalan.

Tania jogged to catch up with us. Huminto ako.

"Pupunta kaming Verdivia Falls, kasama sila Travis. Sumama ka ha? Birthday ko, libre ko na ang pagkain. Sumama ka na din Mill!" ngisi nya habang marahang nakahawak sa aking kamay.

She is Kuya's current girlfriend. Mas matangkad sa'kin ng konti. Kitang kita ang hubog ng katawan nya sa uniporme ng pang senior highschool.

"Sige Tania makakasama ako." sagot ni Millie

Ngumiti ako, "Sige, kailan ba?"

"Mamaya!" ngisi nya ulit.

"Tania! Diretso na ba ng Doña Remedios?!" rinig kong sigaw ng mga kaibigan nya sa likuran.

Napatingin sya doon at sumenyas senyas. "Oo, mamayang alas kuwatro tayo doon!" sigaw nya pabalik.

Ibinalik nya ang tingin sa'kin. She apologize for the interruption.

"Uhh sorry mga kaibigan ko iyon. Basta mamaya ha? Sumama kayo! Sa Verdivia lang naman."

"Oo, papayagan naman ako dahil kasama naman si Kuya." sagot ko.

Nag paalam na sya at pumunta na sa mga kaibigan nya. Agad akong kinalabit ni Millie.

"Manghihiram nalang ako sayo ng damit. I don't want to go home just to pick up clothes." walang hiya hiya nyang sambit.

"I knew you will say that." I said. She laughed hysterically.

Pag dating namin sa bahay wala pa si Kuya. Baka busy pa 'yon kay Tania. Syempre birthday ng girlfriend nya.

Namimili na kami ng dadalhin na damit. Naglagay ako ng tuwalya, racerback top at denim shorts sa aking mix white and violet na duffel bag. Ang napili naman ni Millie ay ang rash guard ko at isa pang pares ng pamalit. Isusuot ko nalang kaagad ang rash guard. Ang hirap kung doon pa ako mag papalit ng pang ligo.

Makalipas ang isang oras, kumatok na si Kuya. Lumabad na din kami dahil pinagmamadali nya kami at nag iintay na daw si Manong sa labas.

"Manong sunduin mo kami dito ng mga alas otso. Tapos na siguro kami nun." ani ni Kuya at lumabad na ng shot gun seat.

Lumabas na rin ako. Nandito na kami sa entrance ng Verdivia Falls. Magbabayad pa muna ng Entrance Fee at Tour Guide. Natanaw ko sila Tania at ang tatlo nyang kaibigan kasama sila Sebastian, Hanz, Damien, Cosmo, at Gerald.

Ipinagpilitan ng staff na kailangan namin ng dalawang tour guide dahil marami kami. Doble tuloy ang bayad. Ilang oras ata muna ang trekking bago makapunta sa mismong talon.

Pinagmasdan ko ang puti kong rubber shoes na nag puputik putik na. Dahil may nadaanan kaming ilog at nabasa ito. Nagpahinga ako saglit. Habang sila ay nauuna na. Si Millie ay nakikisali kila Gerald at sa kaibigan ni Tania.

Nag haharutan sila Gerald at Anne doon kaya nakisali si Millie, syempre crush nya 'yon si Gerald. Si Damien naman ay inaalalayan ang isa, si Julia. Habang matamang nag uusap sa may gilid si Cosmo at Kylie. Magkakaklase sila. Kami lang naman ni Millie ang mas bata dito.

Na-invite lang naman kami dahil kay Kuya.

Nauna naman si Kuya at ang iba pa. I regret coming here with my white shoes! Bakit ba nalimutan ko na may trekking pa pala bago marating ang talon! Millie didn't even bother helping me with the bag!

Biglang may kumuha sa bag na nakakawit sa aking balikat. Napatingin naman ako. Ngiti ni Sebastian ang sumalubong saakin. Kumabog ang dibdib ko at tila biglaang nabuhayan ang nga buwaya sa aking tyan.

Endless Lies (Endless Series 1)Where stories live. Discover now