5

0 0 0
                                    

Lumipas ang ilan pang araw na puro luto, linis, tulong kay Gail, sunod kay Lewis, daldal kay Helios, pang-iinis sakanya, at syempre kinakausap ko sya ng matino, dahil alam kong makakatulong yon sakanya, at masasabi kong unti-unti na syang nagiging okay. Ngumingiti na sya, hindi madalas pero kumpara dati, talagang masasabi mong improving.

"Hey." tawag sakin ni Helios mula sa likod. Hindi ko sya pinansin dahil nakafocus ako sa pagdedesign ng cake na binake ko.

"Hey." ulit nya.

"Bakit ba?" tanong ko saka bahagyang tumingin sakanya.

"I have to tell you something."

"YES. DONE!" sigaw ko. Dahil tapos na 'ko, finally. I took pictures of the wonderful cake. Nagselfie pako, tapos pinilit kong isama si Helios pero nagalit lang.

"Tikman muna natin 'to, bago mo sabihin yung sinasabi mo" sabi ko saka sya hinila papunta sa tabi ko.

"Ah." sabi ko saka tinapat sakanya yung tinidor kung nasan yung cake na binake ko. Hindi nya yon sinubo, nakatingin lang sya sakin.

"Ayaw mo ba? Ako nalang." sabi ko saka binawi yung kamay ko at sinubo yung cake.

"Shocks, ang sarap" sabi ko, na may papikit pikit pa. Napansin kong nakatingin parin sya sakin.

"Ayaw mo ba talaga?" tanong ko at tinuloy padin ang pagkain.

"Ang kalat kumain"

"Ha?"

Unti-unti syang lumapit sakin, nakatingin sya sa labi ko. Palapit ng palapit hanggang sa dumampi ang labi nya sa gilid ng labi ko, naramdaman kong dinilaaan nya yon.

"Right, masarap nga" seryoso nyang sabi. Ako naman nanlalaki ang mata at gulat na gulat. Napapikit ako ng ilang beses para makamove on, eto nanaman ang mga emosyong hindi ko maintindihan sa sistema ko.

"Ah, eh, ano, ano nga yung sasabihin mo?" mali-maling tanong ko sakanya.

"Come with me tomorrow."

"Saan?"

"In my company."

"Ano naman gagawin ko don?"

"Just act like you're my girl."

"Ha? Ano?"

"You hear me."

"No, I mean bakit? Ano meron?" gulong gulo ako.

"Kiara will be there." hindi ko pa din maintindihan.

"My ex." napatigil ako don.

Ngayon alam ko na, na yung magandang babae na nakita namin non sa mall na tumawag sakanya ay si Kiara, na syang nabanggit na rin sakin ni Gail, na syang ex nya, sya rin kaya ang dahilan ng pagluluksa nitong si Helios?

"Ano naman connect ko ron?"

"I don't want them to see me miserable."

Okay. He will use me para hindi isipin ni Kiara na naghihirap sya, which is totoo naman. Gagamitin nya ko para pagselosin si Kiara. Gagamitin nya ko dahil baka sakaling bumalik sakanya si Kiara? Nice. Ano pabang aasahan ko? Umaasa bako na iba na tingin nya sakin bukod sa pagiging caregiver dahil sa natulungan ko sya sa mga nakaraang oras at araw? Umaasa nga ba 'kong naibalik ko na sya sa dating sya? Dahil kung oo, talaga nga namang napaka sakit umasa, dahil hindi. Hindi iba ang tingin nya sakin, ganon pa rin, isang empleyadong ginagamit at pinapasweldo. Hindi ko pa sya nababalik sa dati dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin sya, dahil kung hindi na sya nasasaktan, bakit nya pa kailangang gawin to? Nagkamali pala ko, maling mali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fallen Evil Where stories live. Discover now