6

150 11 9
                                    


Lisa

Nagising ako dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napakunot ang noo nung mapansin ko na langit ang unang bumungad sa akin.

"Nasan bubong nila Seulgi?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko.

"Bumagyo ata kagabi at nilipad." Sagot ng babaeng katulad ko ay tulala din itong nakatitig sa kalangitan na malapit nang balutin ng liwanag.

"Seryoso?" Tanong ko ulit at bahagya itong nilingon pero nagulat ako nung makita ko ang kalsada sa di kalayuan, kaya lalong napakunot ang noo ko. "Pati dingding, wala?"

"Lisa, nasa labas tayo. Bumangon na kayo dyan." Saad naman ni Bambam na nakaayos na pala ng upo at nagsisimula na namang mag inom.

Bumangon ako mula sa sahig at inikot ang paningin ko sa paligid. Tangina, nakatulog pala kami sa labas sa sobrang kalasingan kagabi. Akala ko talaga  nawala na yung bahay nila Seulgi, yun pala hindi na namin nagawang pumasok sa loob. Napansin ko na may nakapatong sa binti ko, isang jacket na alam ko kung kanino. Natawa ako ng mahina at muling lumingon sa tabi ko.

"Why did you gave me your jacket? Edi ikaw naman ang nilamig." Saad ko na natatawa.

"Strong ako, di tulad mo." Irap nito bago naupo. "Nagugutom na ko."

"Nagluto na si Seulgi ng almusal, sa ngayon samahan niyo muna kong uminom dito para maubos na to." Sabi ni Bambam na tuloy pa din sa pag inom.

"May problema ba?" Takang tanong ko bago ako tuluyang tumayo. Napansin ko itong sumulyap kay Jisoo na nasa sahig pa rin bago ito umiling. "May nangyari ba kagabi?"

"Wala naman." Si Jisoo ang sumagot at umupo sa tabi ko. "Wag ka ng uminom, baka mapagalitan ka nila Tita."

"Wag ka na din uminom, baka maamoy ka pa nila Papa."

"Oo hindi na, magdadrive din ako ngayon, baka pulutin tayo sa kangkungan pag nagkataon." Natatawang sagot nito, sakto naman din na lumabas na si Seulgi at napahinto din ito nung makita niya si Jisoo, pero saglit lang iyon at agad din na nagbawi ng tingin bago inilapag ang pagkain sa lamesa.

"Baka gusto niyong gisingin yan? Mapagkamalan pang may pinatay tayo sa inuman." Sabi ni Seulgi habang nakaturo kay Tenten na nananatiling nasa sahig at tulog na tulog.

Ininom muna ni Bambam ang laman ng baso bago niya hinablot si Tenten na gulat na gulat sa nangyari, namalayan niya nalang na nakaupo na siya sa tabi ni Bambam, kinurap niya ng ilang beses ang mata niya bago ito sumimangot.

"Kainis, naalala ko na naman. Bakit mo pa ko ginising?" Tanong nito kay Bambam.

"Ang alin?" Takang tanong ko pero hindi ito sumagot. "Para kayong mga tanga. Ano bang nangyari kagabi?"

"Nangyari? Wala naman, nagchat lang naman sakin si Park Chaeyoung, tapos hindi na nagreply, tapos nagpakalasing tayo, tapos nakatulog ka sa sobrang lasing, tapos—."

"Para ka namang tanga magkwento." Natatawang sabi ko kay Jisoo.

"Mamaya na nga yan, kumain na tayo. Mamayang hapon need ko ng bumalik sa Makati." Sabad naman ni Seulgi na inaayos na ang pagkain namin.

Ramdam ko pa rin na parang may mali sa nangyayari at sa mga kilos nila pero hinayaan ko nalang, hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na mahilig makielam sa problema nila as long as hindi nila sinasabi sakin ng kusa. Hinahayaan ko lang sila kung magsasabi ba sila or hindi.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na akong mauunang umuwi at baka nag aalala na ang mga magulang ko, pumayag naman sila para din daw makapagpahinga na kaming lahat. At kahit ayaw ko ay nagpumilit pa din si Jisoo na ihatid ako pauwi sa bahay at dahil nga ramdam ko na medyo hilo pa siya ay ako na ang nagdrive ng motor niya. Tahimik lang kaming binabaybay ang daan pauwi sa bahay habang nakahawak si Jisoo sa beywang ko ng mahigpit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Drive [JENLISA]Where stories live. Discover now