PART TWELVE (02)

24 3 0
                                    

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko kung sino ang nagdala sakin dito.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ko dinala dito?!"

"Gun, we need to talk." sagot naman niya.

"Nag-usap na tayo kahapon, Off. So wala nang dapat pag-usapan ngayon. I need to get out of here dahil may flight pa ako." sinubukan kong lumapit sa pinto at buksan ito pero agad naman niya itong hinarangan.

"'Wag mo na kong iwasan Gun, let's talk."

"Hindi naman kita iniiwasan. Ang akin lang, hindi muna ngayon kasi may flight nga ako so kung pwede umalis ka diyan sa may pintuan para makalabas ako." naiirita nang sabi ko.

"Alam mo, kung nakakatangkad ang pagsisinungaling, mas matangkad ka na sakin." binatukan ko naman agad siya sa sinabi niya.

"Aray!" daing niya at bahagyang kinamot ang batok niya. Nang mawala na siguro ang sakit ay bigla siyang nagserysoso at tumingin sakin ng diretso.

"Saktan mo pa ko, I deserve it." kinuha niya ang kamay ko at bahagyang ibinagsak sa ulo niya. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya, natuluyan na atang nasiraan ng ulo 'to.

Badtrip pa din ako sa sinabi niya kahapon kaya sinamantala ko na yung willingness niya, binatukan ko ulit siya.

"Aray ah, masakit na talaga yan." mahinahong sabi niya pero halatang pikon na.

"Sabi mo kasi saktan pa kita." sagot ko sabay kibit-balikat.

"Gun, I know I made a mistake. Hindi ko na dapat sinama pa ang parents niyo ni Pim sa problema natin, I'm sorry. Minsan talaga nawawalan ng filter 'tong bibig ko, specifically kapag hindi maganda ang mood ko. Sorry talaga." he said sincerely.

"So kapag hindi lagi maganda mood mo, mawawalan na Yan ng filter ganon? Aawayin mo ko lagi?" napayuko naman siya sandali.

"Kokontrolin ko o hindi nalang ako magsasalita, I'm sorry." sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid.

"Pero kahit magalit ka pa sakin ngayon, hinding-hindi kita papalabasin dito. Hindi ako papayag na magpapakasal ka sa New na 'yon." naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Ano?!" gulat na sabi ko at akmang babatukan ko ulit siya nang bigla siyang umilag, sayang!

"So gusto mo talagang magpakasal sa New na 'yon? Parang mas matigas pa sa bato katawan non tapos ang puti-puti, nagmukha siyang panis na gatas." pang-aasar pa niya.

"Baliw ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo at ikaw ang dahilan ng pagkasira ng ulo ko kaya panagutan mo 'to." parang batang sabi niya na ikinatawa ko.

"Alam mo, parang mas baliw ka pa ata kesa sakin. Ako ba dahilan niyan? Gusto mo panagutan din kita?" dugtong pa niya.

"Sorry for the word, pero alam mo ang tanga mo." natawa ko pa ding saad. Sasagot pa sana siya sa sinabi ko pero agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Makinig ka muna, okay? Si New ikakasal nga at magiging parte na ng pamilya namin. Pero hindi kami pwedeng ikasal kasi magiging brother-in-law ko na yun, yung isa pa naming kapatid ang ikakasal ka kaniya. Si kuya Tay." inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at ipinakita sa kaniya ang picture ni Kuya Tay.

" inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at ipinakita sa kaniya ang picture ni Kuya Tay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Binitawan ko na ang bibig niya para siya naman ang magsalita.

"So hindi totoo yung sinabi ni Pim?" tanong pa niya.

"Si Pim pala nagsabi sayo niyan, ayos ah. Pwede siyang maging writer, ganda ng plot." napapailing na sagot ko.

Bigla naman akong niyakap ni Off.

"Hoy, chansing ka na ah." pabirong sabi ko pero kung hindi lang ako nagpipigil baka ako pa chumansing sa kaniya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.

"Teka, may tanong ako. Yung Kuya Tay mo, kuya mo ba o tatay?" hinampas ko naman siya sa braso.

"Aray ah, ang hilig mo nang manakit ngayon." natawa naman kaming pareho at nagyakapan ulit.

Bigla namang bumukas ang pinto ng banyo at dumating ang ilang mga security guard kasama sila Saint. Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap kay Off at umiwas ng tingin.

Ang awkward naman kasi na may makikita silang dalawang lalaking nagyayakapan sa loob ng men's room diba?

"Mister, sumama po kayo samin sa office." sabi ng isang guard.

"U-Uhm bakit niyo po siya isasama?" pagsingit ko bigla

"Bigla po kasing tumakbo yan kanina papasok, hindi namin siya na-check. Sumama nalang po kayo, mabilis lang 'to." sabi ni manong guard.

"Ginawa mo talaga yun?" di makapaniwalang tanong ko.

"Kung hindi ko ginawa 'yun, malamang nakaalis na kayo." paliwanag niya at isinama naman siya ng mga guard paaalis sa men's room.

Napailing nalang ako habang nakangiti. Napatingin ako kila Saint na nag-aapiran.

"Hoy, anong meron?" tanong ko pero naglakad na sila paalis kaya nagmamadali din akong sumunod sa kanila.

Wrong number | OffGun Filo AuWhere stories live. Discover now