Cursed Class 13

7 3 2
                                    

Mike's POV

"Makakapagtapos ako ng Pag-aaral."

Ito ang palagi kong sinasabi sa aking sarili.

Ano man ang mangyari at mangyayari pa ay walang makakapigil sa aming magkakaibigan na makapagtapos ng pag-aaral.

Magtatapos kami ng makakasama at magkakasabay, walang maiiwan at walang iiwan.

"Nak!" Rinig kong malakas sigaw ni Mama galing sa baba

"Bumaba kana diyan! Anong oras na! Mahuhuli tayo sa misa." Pansin ko na ang pagka irita sa boses nito kaya't bumaba na ako

Linggo kasi ngayon, napag usapan namin kagabi nila Mama na magsisimba kami ngayong umaga, ilang linggo narin kasi siguro ang nakalipas ng huli kaming magsimba ng magkasama.

"Pababa na po ako Ma!" Inunahan ko na ito, baka kasi sumigaw nanaman, nakaka irita na 'e, ang aga-aga ang ingay agad ni Mama

Didiretso na sana ako ng kusina ng mapansin kong seryosong nanunuod ng T.V si Mama, kaya't lumiko ako at pinuntahan siya.

"Morning Ma" Nakangiting bati ko dito sabay halik sa pisngi niya

"Morning" Seryosong bati ni Mama sakin, dahilan tuloy para mapatingin ako sa kung ano man ang pinapanuoran niya

Halos matulala ako saking nakita.

"Paaralan mo yan diba?" Nagtatakang tanong bigla sakin ni Mama

Ilang minuto din muna ang lumipas bago ko na sagot yung tanong ni Mama

"Oo!?" Tanging na isagot ko dito

Agad na akong tumalikod at pumunta nalang ng lamesa, ayoko na kasing mapag usapan ang mga nakita ko

"Mama mag almusal kana dito, baka mahuli tayo sa misa niyan" Agad din namang lumapit si Mama, kitang kita ang pagtataka sa mukha ni Mama habang papalapit ito sa akin

"Anong oras na ba?" Tanong ni Mama ng makalapit na ito sa lamesa

"It's already six fifteen" Sinagot ko muna yung tanong ni Mama bago ko ininom 'tong gatas

"May namat.." Hindi ko na pinatapos pa ang kung ano mang sasabihin ni Mama, agad ko itong pinutol

"Maliligo na ako Ma, late na tayo sa Mass" Pagputol ko sa sasabihin nga nito

Agad na akong umalis ng lamesa at pumunta na ng kwarto ko para kumuha ng maisusuot.

Pagkakuha ko ng damit ay bumaba na ako ulit at naligo na.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos din naman ako sa pagligo.

"Mike bilisan mo na" Rinig kong sabi ni Papa na nasa labas na pala at nakasakay na sa kotse kasama narin si Mama

Naunahan pa ako ni Mama na sumakay? Paano?

Bigla kong naalala kanina pa pala siya naligo bago paman kami mag almusal.


Sakto namang six thirty nang umalis kami ng bahay, sa pagkakaalam ko alas syete naman ata ang misa, kaya't hindi naman siguro kami malalate.

Cursed Class: Full of Lies (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon