Chapter 1

1 0 0
                                    


"Hoy N, gumising kana dyan..." sabay katok sa pintuan

" 5 minutes..." tinakip ko ang unan ko sa aking muka at dumapa

Ayaw ko pang gumising at inaantok pa ako. Tinapos ko kasi yung pinapanood kong k-drama na ilang ulit ko nang pinapanood. Grabe ang ganda kasi ng kwento tapos nakakakilig pa. Bagay na bagay yung bidang actor dun sa bidang babae tapos ang gwapo pa at ang ganda nila kaya mas lalong nakakakilig.

"Ano ba gumising ka na dyan. Tanghali na oh..."

OA ni mama ang aga-aga pa nito. 9am palang to panigurado. Oo para sakin maaga pa to kasi kadalasan ang gising ko 12 or 10. Para sa mga morning person at maaagang gumigising ay tanghali na to para sa kanila.

Kumatok ulit si mama

"Hoy N, ano ba hindi ka pa lalabas dyan? Baka gusto mong buhusan kita ng tubig?"

"Ito na po..." sabi ko at tumihaya ng higa.

Umay naman to si mama. Inaantok pa ako eh

"Bilisan mo na dyan...papasok pa akong opisina. Magluto ka na"

Narinig ko ang yapak ni mama papalayo sa kwarto ko. Maliligo na yun panigurado at sa tingin ko kakatapos lang nun ayusin ang mga mahal niyang halaman. Feeling ko nga mas mahal niya pa yung mga yun kesa samin.

One time nga napagdiskintahan ko yung halaman ni mama na puro dahon. Ewan ko ba pero kinukuha ko yung mga dahon tapos pinupunit punit ko. Nakatulala ako nun tapos sinasamahan ko si lola na magpa init at magpahangin sa labas ng bahay, dun sa may garden banda ni mama. Nakita ni mama yung ginagawa ko kaya pinagalitan ako. At sinabing kinakalbo ko yung pinaghirapan niyang diligan araw-araw para magkadahon. Ngayon nalang nga daw nagmukadkad yung dahon kakalbuhin ko pa. OA ni mama onti lang naman yung dahon na nabunot ko.

Tapos meron pa, nag bibisikleta yung kapatid ko nun tapos dun sya nagpapaikot-ikot sa may mga halaman ni mama. Nakita ni mama kaya pinagalitan din sya. Sabi niya baka daw matamaan nya yung mga halaman at mamatay.

Hay naku, pati nga halaman niya pumasok na sa loob ng bahay. Mahilig kasi yun sa bulaklak. Kada punta nga namin sa mga bahay o di kaya paggaling yun sa baryo o sa mga barangay-barangay dito sa amin at may makitang bulaklak na wala pa siya,pupuksi yun ng sanga para itanim. Kaya pag-uwi may dala-dala nang mga bulaklak.

Tumayo ako sa higaan ko ng nagkakamot ng ulo, bak maging dragon ang aking butuhing ina at bugahan ako ng apoy sa galit pagnalamang hindi pa ako bumabangon.

Lumabas ako ng kwarto ko ng walang suklay suklay at may mga muta pa sa mata. Bakit ba? Wala namang bibisita ngayong umaga tsaka kami kami lang naman dito kaya bakit kailangan ko pang mag-ayos diba? Tsaka duhh..bawal lumabas kaya walang pupunta dito sa bahay na ibang tao kaya walang makakakita ng itsura ko kundi ang mga kapatid at mga magulang ko lang.

Habang papunta sa kusina kung nasaan si papa na nanonood ng tv ay nagtatanggal ako ng muta ko at sinusuklay suklay ang buhok ko gamit ang kamay. Aasarin kasi ako ni papa pag nakita niya akong ganito.

"Nagpuyat ka nanaman no? Tignan mo yang mata mo lalong lumalaki dahil dyan sa pinaggagagawa mo. Tsaka namamayat ka na lalo oh." bungad ni papa sakin pagpasok ko sa kusina.

Sinimangutan ko lang si papa at kumuha ng tasa para magtimpla ng gatas.

Ayaw na ayaw nila mama at papa na nagpupuyat kami kasi mahirap ang magkasakit ngayon at baka madagdagan pa ang pasyente sa bahay. Pero dahil matigas ang ulo ko, nagpupuyat pa din ako. Nakasanayan ko na kasi ang magpuyat. Nung may pasok pa kasi ay lagi akong inaabot ng hating gabi para lang gumawa ng mga homeworks, activities at mag review, minsan mag scrolling sa facebook at iba pang social media o magbasa ng wattpad. Lagi din kasi akong ginagabi ng uwi, kaya onti nalang yung oras ko sa mga gawaing pang school at minsan lalong nauubos dahil nga kaka cellphone ko.

"Pagtapos mo dyang maggatas. Magluto kana para sa tanghalian at pakainin mo yung mga kapatid mo." sabi ni mama na kakalabas lang ng kwarto na may tuwalya pa sa ulo.

"Naka saing na ako dyan" dagdag ni mama habang nag kikilay at naka tingin sa salamin.

"Anong lulutuin kong ulam ma?"

"May manok dyan. Adobohin mo nalang"

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pag-inom ng gatas. Di pa ako gaanong marunong magluto. Ang alam ko lang lutuin ay mga prito prito. Adobo medyo alam ko kung paano lutuin dahil minsan pag si mama ang nagluluto ako ang pinapagawa niya at ididikta niya lang ang mga gagawin. Pero pagdating sa pagtimpla ng lasa legwak na ako dun, pero minsan na tsatsambahan naman.

Tinuruan din ako ni lola kung pano magluto ng pakbet. Pero di ko pa din perfect kasi di naman ako lagi nagluluto dito sa bahay ng mga ganyan, si mama yung kadalasang magluto ako taga gayat lang ng mga kailangan, ngayon lang naman ako pinagluluto kasi ako lang yung naiiwang babae dito sa bahay, puro kasi lalaki yung mga kapatid ko at wala din naman akong ginagawa. Isa pang dahilan ay, wala akong interest sa mga luto-luto, pero minsan meron naman akong interest kadalasan nga lang e wala. Kaya kahit na tinuruan ako di pumapasok sa kokote ko pero naaalala ko naman. Feeling ko di talaga sya para saakin, kasi ba naman di ko makuha kuha yung tamang timpla. Patsamba tsamba lang nga pag naglalagay na ako ng mga pampalasa.

Minsan na subukan ko ng magluto ng tinola, sinundan ko lang yung instruction sa youtube. Okey naman daw sabi ni papa pero kahit na, hindi sya medyo malasa at kung titignan mo yung luto ko parang hindi tinola pero okey naman siyang tignan.Inisip ko nalang na di kompleto yung ingredients ko. Paano ba naman kasi kailangan pala ng patis dun, e wla kaming patis tsaka iba yung recipe ni mama sa tinola kaya iba din yung ingredients na pinabili sakin. Pero hawig naman sya. Ayaw ko din magtanong kay mama kasi alam ko busy yun sa trabaho niya kaya nag self learning nalang ako.

Umalis na si mama. Nagmomotor lang si mama pagpapasok ng opisina malapit lang din naman yung bayan sa bahay namin. At ako eto at di pa rin tapos sa pag-inom ng gatas, mainit kasi tapos kumakain din ako ng tinapay habang nanonood ng tv. May tv kasi kami dito sa kusina, dito kasi kami kadalasang tumatambay kaya may tv dito na maliit lang. May sala din kami ano, malapit lang sa kusina cabinet nga lang yung harang sa pagitan, skl naman.

Napakunot ang noo ko nang may piglang may pumitik dito.

"Papa...masakit" hinimas ko ang noo kong pinitik ni papa. Tsk sadista talaga to si papa.

"Tulala ka dyan? Kanina ka pa dyan umiinom ng gatas ang tagal tagal mo. Nakaalis na si mama mo at lahat andyan ka pa din"

Sumimangot lang ako sa sinabi ni papa.

"Wag kang sumimangot dyan. Yang nguso mo humahaba pati yang baba mo"

"Papa ba to ah.."

"Sinong iniisip mo ha? Boyfriend mo?" sabay tingin sakin ng kakaibang tingin yung mapanuksong tingin.

"Boyfriend mo ano?...ikaw ha"

"Boyfriend?...Wala akong boyfriend pa. Sana all diba"

Lagi nalang ako pinipilit ni papa na may boyfriend na daw ako pero sya din ang nagsasabi na wag muna at pag-aaral muna ang atupagin, which is ginagawa ko naman. Pero syempre may crush din naman ako di ko lang sinasabi kasi tutuksuhin ako nito panigurado.

Yung crush ko nga nung elementary di na sila maka move on at pinipilita pa ding crush ko yun. Isa sa hindi maka move on yung kapatid kong lalaki na sumunod sakin. Kasi ba naman anak yun ng teacher namin at yung isa naming teacher na bagets inaasar pa kami sa mga crush namin.

Kalat tuloy sa school na crush ko yun. Tapos yung school namin onti lang yung nag-aaral kasi private school yun. 14 nga lang kami sa klase tapos yung mga teacher namin onti lang. Isang teacher sa isang subject kaya yung teacher namin sa mga subject namin ay teacher din ng ibang grade level.

Pero sabihin lang talaga ni papa na magboyfriend na ako, naku hahanap talaga ako agad at nang matigil na ang mga haka-haka niya.

"Sus.. Ikaw walang boyfriend? Maniwala, Ako nga nung highschool ako ilan na ang naging girlfriend ko. Kaya imposibleng wala kang boyfriend, kahit crush man lang, wala?..."

Napailing nalang ako kay papa at inubos na yung gatas na kanina ko pa inuunti unti.

Ito nanaman tayo magsisimula nanaman ang paulit-ulit na kwento niya patungkol sa love life niya dati,

"Ewan ko sayo papa.."


89.82Where stories live. Discover now