Chapter 2

1 0 0
                                    


Magmula nang magkaroon ng pandemic ganito na ang naging routine ko. Gigising sa umaga, iinum ng gatas, magluluto ng ulam sa tanghali, kakain, liligpitin ang pinagkainan, papasok sa kwarto, mag cecellphone, matutulog, gigising, iinitin ang ulam nung tanghali o di kaya ay magluluto, kakain ulit, liligpitin ang pinag kainan, papasok sa kwarto, mag cecellphone o laptop o manonood ng movie o magbabasa, matutulog, tapos repeat nanaman ulit.

Ang boring alam ko, sino nga ba naman ang hindi maboboring diba? Bawal lumabas at makipag kita sa mga kaibigan o di kaya ay magbakasyon pumunta sa mga lugar o pasyalan dahil lockdown. Mahirap na ang lumabas ngayon dahil walang kasiguraduhan ang nangyayari sa daigdig.

Halos mapanood ko na nga lahat ng movies sa laptop ko ganoon din sa mga k-drama. Paulit-ulit ko nalang nga pinapanood yung mga favorite kong k-drama.

Madami na ang namatay at naghihirap dahil sa virus sa kumakalat. Marami na din ang nawalan ng trabaho at nagsarado na mga establishment at mga nalugi na business. July na ngayon at wala pa din kaming pasok dahil mahirap pa din ang lumabas at delikado. Kahit na sabihin nating wala namang Covid cases dito sa lugar namin ay mahirap pa din.

Paano kung biglang nagkaroon ang isa sa mga kaklase namin o di kaya yung teacer namin tapos magkakasama kami sa loob ng room, edi nagkahawaan diba.

Imbis na makatulong para mapababa ang mga cases sa bansa ay nakadagdag pa. 

Tsaka punuan ang mga ospital ngayon at balibalita pa na mayroon daw nagpositive sa Puerto, yung capital city ng lalawigan namin. Kahit na malayo ng ilang kilometro ang Puerto sa aming municipyo ay mahirap pa ding magtiwala.

Sabi ni Broines ay sa August ang start ng klase, pero di pa rin sigurado yun dahil padami ng padami ang mga cases na nagpositive at mga namamatay.

Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko ang academic freeze, pero nasasayangan  naman din ako sa taon. 

Imbis na ilang taon nalang ay makakagraduate na ako, madadagdagan pa ng ilang taon.

 Okey na din siguro ang ituloy ang pag-aaral kahit na ganito na ang nagyayari, online class nga lang at modular kasi bawal pa yung face-to-face.

Maaga akong nagising sa araw na ito. Pupunta kasi sila papa at mama sa Puerto para makapa check-up si kuya at maka bisita kay lola na balita ko ay may sakit.

Medyo maluwag-luwag na din naman dito sa amin kaya pwede ng makapunta sa mga beach dito sa amin lang ha at iba pang pasyalan pero may age limit at andun pa din ang pagsuot ng face mask at social distancing.

Nung birthday nga ng kapatid ko na sumunod saakin ay pumunta kaming isla ng Purao. Dun kami nagcelebrate ng birthday niya, nag overnight din kami dun.

Muntik na nga kami ma stranded duon kasi umulan at ang lakas ng hangin nung gabi. Buti nalang nung mag umaga ay uminit na din pero umulan pa din bago pa makarating yung sundo namin bangka.

Sa awa ng Diyos ligtas naman kaming nakauwi, pero pinagalitan kami ni papa na hindi sumama sa amin. Ewan ko ba ayaw na ayaw nun pumunta sa mga tawid dagat.

"Neon, ikaw na bahal dito sa bahay ha.." bilin ni mama habang nagkikilay. As usual di yan makakaalis ng hindi nagkikilay. Ano ba, kilay is life ano.

"Kung may maghanap sakin dito sabihin mo nasa Puerto at nagpa check-up kay kuya mo.." bilin naman ni papa

"yung mga kapatid mo ha. Baka tanghali na hindi ka pa nakakaluto" dagdag ni mama na kakatapos lang magpaganda. Charot Kilay at lipstick lang yung mama okey na sakanya.

Andito kami ngayon sa kusina habang sila papa at kuya ay nag-aasikaso. Yung dalawang maliit naman; na si Em ang pang-apat sa aming magkakapatid at Gabby na bunso ay nanonood ng discovery channel, ewanpa ang hilig nila sa manood nun mula nang magka pandemic. Btw hindi sila kambal ha, isang taon lang ang agwat nilang dalawa at hindi na din silang batag paslit,malalaki na sila pero bata pa din. Si Emmanuell ay 9 na tapos si Gabriell naman ay mag 8 sa november kasabay ko pero di kami same ng day, month lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

89.82Where stories live. Discover now