Chapter 10

650 23 0
                                    

Chapter 10


KINAUMAGAHAN ay agad siyang pumunta sa kwarto ng kaniyang anak upang sabihin dito ang kaniyang sopresa. Nabungaran niya itong nakadilat na ang mga mata ngunit mukhang ayaw paring bumangon sa kinahihigaan.

Lumapit siya dito at naupo sa gilid ng kama nito. Hinimas himas niya ang buhok nito.

"Anak tumayo ka na diyan at may supresa akong ipapakita sayo na siyang ikatutuwa mo." May ngiti niyang sabi dito.

Napatingin naman sa kanya ang kanyang anak, nakuha niya ang atensyon nito. 'Di mapagkakailang anak ito ng kanyang dating mate dahil katulad nito ay mahilig iyon sa mga supresa na siyang namana ng anak niya.

"Merliah tumayo ka na para makita mo na ang supresa na inihanda ko sayo." Litanya niya dito. Agad namang tumayo ito kasabay ng pagningning ng mga mata nito.

"Papa, I love surprises. ano pong suprise?" May malaking ngiting tanong nito sa kanya.

"Basta mamaya makikita mo pero bago yun dapat tumayo ka na at mag almusal." Agad namang tumango ito at tumayo sa kinahihigaan, halatang excited ito sa regalo niya. Bakas ang saya nito habang sila'y nag aalmusal kasabay sa komenador.

"Aba apo masaya ka ngayon ah parang kahapon ay halos hindi ka matigil sa pag iyak pero ngayon ang laki ng ngiti anong nakain mo at bakit nagkakaganyan ka?" Naaaliw na        pag uusisa ni Nana Lena dito.

"Nana Lena, papa has suprise to me that's why I'm happy." Masayang sagot nito sa lola.

Napangiti na lang din siya, ganito ang senaryo na gusto niyang madalas na makita tuwing umaga.

Nang matapos silang mag almusal ay dinala niya ang kanyang anak sa Infirmary.

"Papa why are we here in the infirmary? Magpapatingin po ba tayo ba tayo kay doctor boni?" Pag uusisa nito sa kanya.

May halong aliw na napatawa siya samantalang nagtataka siyang tinitingnan ng anak na para bang isa siya puzzle na iniintindi nito.

"Hindi tayo magpapatingin kay boni anak dahil wala naman tayong sakit na nararamdaman. Andito tayo dahil naririto ang supresa ko sayo, handa ka na bang makita iyon?"

"Yes papa, I'm ready to see it!" Excited na sagot nito sa kanya.

Tumuloy na sila sa Infirmary nang makapasok ay agad na hinanap ng mata niya si Boni, nang makita siya nito ay agad siyang nitong nilapitan.

"Pagbati Alpha." Bungad nito sa kanya kasabay ng mabilis pag yuko upang magbigay galang.

Si Boni ay isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa loob ng kanyang pack. Isa ito sa mga kaibigan niya at kababata. Matagal din ito nawala dahil nag aral ito ng medisina sa paaralan ng mga tao. Kahit na magkakaibigan sila ay hindi parin nakakalimot na magbigay galang sa isa't isa lalo na sa kanya dahil siya ang alpha.

"Doctor Boni where is my suprise?" Magkasalop na kamay nitong sabi. Napatingin naman sa kanya si Boni nang nagtataka na para bang nagtatanong kung ano ang tinutukoy ng anak niya.

"Boni kumusta naman yung dinala ko sayo dito kagabi?" Noong una ay nagtaka pa ito kung ano ang tinutukoy niya nang mapagtanto kung ano iyon ay saglit itong napahalakhak.

"Okay na siya Alpha kahit papaano ay gumagaling na ang mga sugat nito." Sagot nito sa kanila pagkatapos ay sinamahan sila ni Boni papunta kung nasaan ang suprise niya sa anak.

Hinawi nila ang kurtina at bumungad sa kanila ang mabalahibong aso na nakahiga sa hospital bed at may benda sa binti. Agad na lumapit dito ang kanyang anak, nababanaag sa mata nito ang pag aalala para sa aso.

"Molie...Molie..." Sambit ng kanyang anak na halos mangiyak ngiyak na. Marahan nitong hinimas ang balahibo ng aso.

Napatingin ang kanyang anak sa kanya.

"Papa, is this your suprise?" Maluha luhang tanong nito sa kanya. Nakaramdan siya ng tuwa dahil sa tingin niya ay napasaya niya ang anak.

"Oo anak yan ang gusto kong ipakita sayo kagabi pa."

"Pero bakit may sugat siya? May bad po ba na nanakit sa kanya?" Mabining at may luha nitong tanong sa kaniya.

Akala niya ay masaya ang anak dahil sa suprise niya ngunit ang nakikinita niya sa mukha nito ay kalungkutan ngunit hindi niya matukoy kung bakit malungkot ito.
"Hindi ko alam Merliah basta kagabi ay nakita ko nalang siya sa kagubatan na may sugat at nanghihingi ng tulong."

Nabaling muli ang pansin ng anak sa aso at maluwag itong niyakap.

"Siguro Molie hinahanap ka na ni Momma..Siguro malungkot si Momma at nag iisa dahil wala ka sa tabi niya." Litanya ni Merliah.

Nagtaka siya sa pinagsasabi ng anak. Napapatanong na lamang siya kung sino ang tinutukoy nitong Momma.

"Anak 'di ba sinabi ko na sayo na nasa paradise na si mama mo pero bakit sinasabi mo na babalik ka kasama ang asong iyan?"

"No papa Momma is not in the paradise she's in the forest siya po ang nagmamay ari kay Molie." Pagpupumilit na sabi ng anak niya.

"Kilala mo ang nagmamay ari ng asong iyan anak?"

"Yes po papa she's the beautiful lady in red hood, Molie and her lives in the forest siguro nalulungkot siya dahil wala siya kasama.." Litanya ng anak. Naintindihan niya kung sino ang tinutukoy nito, iyon ang babaeng kasakasama ng anak niya sa West border pero ang ipinagtataka niya ay kung paano ito napunta sa border ng pack niya.

Siguro ay ipinadala ito ng babaeng nakapulang kapang iyon upang magmanman sa kanila.

Agad niyang nilapitan ang aso upang ibalik ito sa nagmamay ari nito. Nag ingay ang aso na para bang nasaktan niya ito agad naman siyang pinapatigil ng anak sa pagbitbit sa aso. Nang makalabas sila sa infirmary ay malakas na umiyak ang anak na halos magwala at maglumpasay ito.

"Papa Molie is your suprise to me pero ba't mo siya kinukuha sakin?" Inosenteng tanong ng anak may halo pa iyong pagsinok at para bang nahihirapan itong huminga.

Dahil sa pagkaawa sa anak ay binalik niyang muli ang aso sa loob ng infirmary nakasunod naman sa kanya ang anak. Humarap siya sa anak, malamlam at puno ng pagmamahal niya itong tiningnan. Lumuhod siya sa harap nito upang mapantayan ito at hindi na ito mahirapan sa pag angat ng ulo sa tuwing titingnan siya.

"Okay anak dito muna ang asong ito pero kapag gumaling na siya ay ibabalik natin siya sa tunay na nagmamay ari sa kanya." Buong pagsuko at may halong pagpapaintinding litanya niya dito.
Tumigil ito sa pag iyak at sumilay muli sa labi nito ang masaya nitong ngiti.

"Opo papa!" Malaking ngiti nitong balik na sabi sa kanya.

Bumaling muli ito sa nakakaawa na aso at may ibinulong.

"Don't worry we will come back to Momma so that she will be happy again..." Bulong nito.







TOCAC 1: His Another MateWhere stories live. Discover now