PART 7: NIGHTMARE

24.4K 664 20
                                    

*10 YEARS LATER*


ZOEY'S POV

"01 Good job!"

"D-Demnyo ka!"


"You killed them.you killer. How dare you! Magbabayad ka!"

"Daijobou desuka hime?"

"Kaoru"

--------

"AAAAAAAAAAH!!" Bigla akong napabalikwas ng bangon. Shit napapanaginipan ko naman ang mga iyon. 10 taon na ang nakakaraan simula nang mangyari ang pagkikidnapped samin at duon din nagumpisa ang mga panaginip na iyon. Nang dahil sa panaginip na iyon parang gusto ko ng maniwala na mamatay tao ako. Nang pagkatapos din nun nagising na lang ako na hindi sila pinapansing lahat.

*FLASHBACK*


Pagkatapos kong magkamalay ay agad na bumungad sa akin ang mga nagaalalang mukha nila mommy,daddy at nila kuya ang nabungaran ko. Ngunit isang blankong expression lng makikita nila mula sa akin. Nagtataka man sila ngunit hindi nila ako magawang kausapin pa. Siguro alam na nila na ako ang pumatay duon sa lalaki. Tss. Serves him right. Nang dahil sa eksena na nakita ko sigurado akong may kinalaman yun sa akin.


"Zoey, magpahinga ka muna. Uuwi na rin tayo mamaya." Saad ni mommy habang malungkot na nakatunghay sa akin. Hindi na lang ako sumagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko.


*END OF THE FLASHBACK*

Nabalitaan ko na lang na pumunta sila Mica at James sa states para duon na ituloy ang pag-aaral nila. Hanggang ngayon may communication naman kami. Hindi na daw sila natatakot sa kin bagkos naastigan pa. Tsk!

Sa ngayon ay 18 years old na ako. Marami na ang nagbago sakin. Simula kasi nung nangyari yung aksidente na yun naging cold ako pero makalipas ng 1 buwan nagbalik rin ako sa dati. Naging masayahin na ulit ako pero di mawala sa akin ang pangamba na baka ako yung taong nasa panaginip ko pero alam ko na may posibilidad na ako nga yun dahil nagkaroon ako ng amnesia na hanggang ngayon ay di pa rin bumabalik ang alaala ko. Haaay... papasok nanaman ako sa eskwelahan. Nakakabagot naman.
-_____-

Sa ngayon kasi mag tra-transfer ako sa school nila kuya. Duon na ako mag aaral bilang 4th year highschool. Sa totoo lang kahit hindi na ako mag-aral matalino na ako. Hehehe. Nagtataka nga ako eh kasi kahit na may amnesia ako kaya kong sagutin yung mahihirap na tanong na pang teacher na yata. Sabi sakin dati ni mommy baka daw matalino na talaga ako nung bago pa ako magka amnesia at hindi daw yun nawala kahit na nawala ang alaala ko. Nakakatuwa ngang isipin na may mga bagay akong kayang gawin na hindi pang ordinaryong bagay. Tulad na lang ng nakakatalon ako ng mataas at parang marunong akong makipaglaban. One time kasi nakipagsuntukan ako sa lasing naming kapitbahay. Hahahaha talsik nga siya nung sinuntok ko eh ^_________^


pumunta ako sa banyo para gawin ang nakasanayang morning rituals...


30 minutes after...

Nang matapos kong gawin ang morning rituals ko ay pumunta ako sa cabinet ko para kuhain ang uniform na isusuot ko para sa pagpasok. Nang makita ko ang uniform ay bigla akong napasimangot.

Waaaah! Bat ang iksi naman ng palda nato. Tsk. Tapos long sleeve pa tong blouse na may necktie. Like duh! Kadiri naman to. Pang malalandi lang nagsusuot nito ah!

Sa sobrang inis ko ay napakamot nalang ako sa ulo ko.

-________-



⊙▽⊙


Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Where stories live. Discover now