PART 38: FIGHTING FOR FRIENDS

12.4K 329 22
                                    

KYOSKE'S POV


lahat kami ay nasa study room ng mansion.  Dumating kasi sila otousan at okasan. Meron raw silang dapat sabihin sa amin.  Ang totoo lang ayoko marinig ni myra ang mga bagay na iyon dahil sabit lamang siya dito hindi tulad nila Mica at James.  


Actually kilala ko rin sila.  Sila kasi yung tumulong sa ibang companies namin nung sabihin sa kanya ni tita yung tungkol sa tunay na pagkatao ni hime. Kibakabahan ako sa kung anu mang sasabihin sa amin nila otousan.  Napansin kong tahimik lang yung mga kasama ko.


"Before we start.  Lahat na tayo damay damay dito.  Alam kong ayaw ng anak kong idamay kayo pero ito lang tanging paraan para matapos na ito. 10 years na silang nabubuhay sa kasinungalingan dapat ng putulin iyon dahil maaring ipahamak ito ni hime at maging tayo..." sabi ni otousan sa seryosong tono. Napatango lang kami.


"Ang tungkol sa importanteng sasahihin namin ay ang nangyaring aksidente 10 taon na ang nakakaraan na nag-ugat ng paghihiganti ng isang tao na ang pinaniniwalaan ay puro kasinungalingan." Putol nito.


"10 years ago.  Naatasan ang 7assassinos na kalabanin ang karibal na organization natin ang Black Hunter Organization.  Ngunit nahiwalay si. 01 sa atin dahil kasalukuyan siyang nasa gang niya pero kahit ganon tinuloy niya yung mission kahit alam niya na ang suot niya ay bilang si phantom goddess... Nakalaban ni. 01 ang isa sa assassin ng black hunter org. Hanggang sa hindi nila namalayan na napasok pala nila ang isang bahay.  Natakasan si Hime ng assassin na kalaban niya without knowing na tinotorture na pala nung assassin na kalaban ni Hime ang mag-asawang may-ari ng bahay.  Dumating si Hime pero huli na ang lahat. Namatay na yung mag-asawa at nakatakas pa yung assassin.  Habang nilalapitan ni Hime yung bangkay ay tsaka niya lang napansin yung batang kaedaran niya lang.  That time dumating ang grupo niyo Hiro at nasabi niyo ang codename ni Hime. Nang iwan niyo yung bahay ay tsaka lang biglaang dumating yung report na napatay nila si papa... nang malaman yun ni  Hime ay nangyari ang isang aksidente.  Nagwala siya at lumabas ang demonyo niya. Walang nakaawat sa kanya. Hanggang sa umawat si Isaac. Ang trainor niyo.  5 taon lang ang agwat ng edad niyo sa kanya. Nagawang pigilan ni Isaac si Hime at naipabalik siya sa katinuan.... Alam natin na bago siya mawala ay may iniabot si Isaac kay Hime. Yung singsing na napapanatili ang katinuan niya... "  mahabang kwento ni otousan. Nagtaka ako.



"Paano nabuo ang kasinungalingan duon? Paano nadamay si Hime?" Takang tanong ko kay otousan.  Napansin kong ganon rin ang gustong itanong ng iba.  Nakita kong lumamig yung expression ng mata ni otousan.


"Ang mag-asawang napatay ay ang founder ng Black Hunter Organization.  Nang malaman ng anak nila na sila ang founder ay ginawa niya ang lahat ng paraan para hanapin ang pumatay sa mga magulang niya. Si Hime iyon.  Ang hindi alam ng batang naghihigante na ang taong gusto niyang patayin ay hindi naman pala siyang pumatay sa mga magulang niya....  dahil kilala ko kung sino talaga ang pumatay sa mga magulang niya at pati na rin kay papa. " sa sinabi ni otousan ay hindi ko mapigilang mapatayo sa gulat.


"Ang pumatay sa mga mag-asawa ay si Ivan Rutherford.... Ang kapatid ni Isaac Rutherford.  Si Isaac ang nakapatay kay papa..! " matigas na sabi ni otousan.  Nakita kong yinakap ni okasan si otousan.  Si Isaac ang nakapatay kay ojisan!


Pero bakit niya yun gagawin.


"Bakit kailangang patayin ni Isaac si ojisan?!" Galit na tanong ko.  Pinipigilan na ako ng mga kasama ko.

Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Where stories live. Discover now