KABANATA 31

93 4 2
                                    

Kumalat sa buong mundo ang tungkol sa Ambrose Asylum. The secrets have been spilled, and the experimentations have been leaked. As well as the reason why they're experimenting on us children.

Nagulat at natakot ang mga tao nang malaman nila ang mga pinaggagagawa nina George Ambrose at Kallan Blinman. Of course, the people discovered that the two are descended from Josef Mengele and Otto Skorzeny, who were their great great grandfathers.

Unfortunately, the government has decided to execute them on behalf of the thousands of innocent children they have harmed and killed. Also on the fact that they are trying to continue the unfinished research of the Nazi's experiments.

Syempre hindi ako natuwa nang marinig ko iyon. Ang una kong naisip ay pwede naman silang ikulong nalang ng habangbuhay at 'wag nalang patayin. Oo galit na galit ako sa kanilang dalawa. Pero deserve nilang bigyan ng second chance at patawarin.

Isa pa, naiisip ko si Stell. Balita ko ay siya daw ang ikukulong, pero hindi ako sigurado doon. Malamang sobrang malulungkot siya kapag nawala na rin 'yung lolo niya sa kaniya, knowing na ang lolo nalang niya ang tanging pamilyang meron siya.

Umiwas kami nila Kurt, Godrick, Alexa at Naomi sa media nang subukan nila kaming tanungin about sa mga experiences namin sa loob ng asylum.

Halos mahimatay si Mama nang makita niya ako, sobrang hagulgol at sobrang higpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Tinanong niya ako kung nasaan si Yvette.

Tumulo ang mga luha ko.

"A-anak, Yvaine nasaan ang kapatid mo? Jusko, gusto ko rin siyang makita..." Tuwang-tuwang saad niya nang makitang buhay ako at ligtas.

Sumakit ang puso ko, it's as though my heart has been shattered into a million pieces.

"M-ma..." Paghagulgol ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi na ako makahinga "W-wala na si Yvette, Ma. I-isang buwan na siyang patay. Mama... 'Y-yung kapatid ko, w-wala na siya..." I cried even louder.

Nagulat si Mama dahil doon. Napahawak siya sa bibig niya at napasigaw. Bumagsak siya sa sahig at doon na humagulgol.

Napahawak din ako sa bibig ko at hinawakan ang tiyan ko. Agad akong inalalayan ni Kurt dahil muntik na rin akong bumagsak sa sahig.

Kasabay ng paglapit sa amin nila Alexa, Naomi at Godrick.

"Yvaine... 'wag mo masyadong stressin ang sarili mo. M-makakasama 'yan sa batang dinadala mo." Nag-aalalang sabi sa akin ni Godrick.

Dahan-dahang nag angat si Mama sa akin ng tingin nang marinig niya iyon.

Nagkasalubong ang kilay niya at tila hindi siya natuwa sa narinig.

"Yvaine, b-buntis ka?" Nanginginig na tanong niya sa akin.

Dahilan ng lalong paglakas ng iyak ko. Tumango ako.

Sandali siyang napatitig sa akin, saka siya tumayo at hinawakan ang magkabilang braso ko "P-paano? Susko, na-rape ka ba doon sa loob? Mga walangya! Sino ang rumape sa iyo at ipapapatay din natin siyang demonyo siya!" Sigaw niya. Napahawak siya sa ulo niya at parang hindi na kinakaya ang mga nababalitaan niya "Yvaine, ipalaglag mo 'yang bata sa sinapupunan mo sa lalong madaling panahon. H-hindi ka pa pwedeng magka anak! Bata ka pa!" She cried.

Umiling-iling ako at dahan dahan siyang hinawakan sa braso.

"W-walang rumape sa akin, Ma. G-ginusto ko po ito. Anak ko ito sa taong mahal ko kaya't hinding-hindi ko ito ipapalaglag! Buhay pa rin 'to, Ma!" Anang ko sa kaniya.

Napapikit sa akin si Mama ng mariin. Nakita kong niyukom niya ang mga kamao niya at handa na sana akong sampalin. Pero nagulat nalang ako nang ibaba niya ang kamay niya at niyakap ako.

Ambrose Asylum (COMPLETED)Where stories live. Discover now