Kabanata 1

16 4 0
                                    

Greetings~
Happy 8th Monthsary Vampires! Thank you for being this tough and solid, our squad is really strong, and I admire it so much! Thank you for being my squad, my family, my home, with y'all I'm at peace. I love you all❤

Enjoy reading!

First Prince

Blade

Madilim. Ang kadiliman ng masukal na gubat ang siyang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa lugar na ito.

Tiningnan ko ang aking kasuotan. Nakasuot ako ng damit pangdigmaan. Puno ng dugo ang aking kasuotan tila'y galing ako sa isang matinding digmaan. Ngunit anong klaseng digmaan ito? Nasaan ako? Sino ako?

Sinubukan ko tumayo ngunit hinang hina na ako. Ilang beses kong sinubukan tumayo ngunit lagi ako bigo. Bumibigay na ang aking katawan. Sa huling subok ko ay tuluyan na ako napahiga sa damuhan.

Hinayaan ko ang aking katawan nakahiga sa damuhan hanggang sa nawalan na ako malay.

"Mahal! Mahal! May duguan banda rito, tingnan mo kung buhay pa" rinig kong sigaw ng isang babae. Sinubukan ko imulat ang aking talukap ngunit kusa rin ito sasara.

Ramdam ko ang kamay ng isang lalaki sa aking leeg. Tila may hinahanap ito.

"Mahal ko, buhay pa. Tulungan mo ako buhatin siya" ani ng lalaki.

Naramdaman ko ang paglutang ng aking katawan. Nakapikit man ang aking mata ngunit gising ang aking diwa.

Gusto ko manlaban, ngunit hinang hina ako. Kung kaya't hinayaan ko na lamang sila buhatin ako. Hanggang sa nakatulog ako muli dala ng pagod at sakit natamo ko.

Pagmulat ng aking mata una ko napansin ang puting tela sa aking noo. Tinanggal ko ito at sinubukan tumayo.

Palinga linga ako sa aking paligid. Nasa loob ako ng silid gawa sa bato. Pinagmasdan ko ang bawat ditalye ng silid. Kulay krema ito. Napako sa pintuan ang aking mata ng maramdaman ko may papararting. Nagkulay pula ang aking mata, naninigas na rin ito.

Handa ko na siya sugurin ngunit bago ko pa masugod ito, itinaas niya ang kanyang kamay. "Calm down, I'm not here to hurt you hence I'm here to check on you" anya ng isang lalaki nakusuot ng puros puti, bilog na salamin at may kung anong bagay nakasabit sa kanyang leeg.

"Sino ka?" agarang tanong ko. Bumalik na rin ang itim kong mata at ang aking pangil ay nakatago na rin.

Lumapit ito sa akin bago ako sinagot "I'm doctor Nail" Hindi ako pamilyar sa kanyang lengguwahe. Nakitaan niya siguro ako ng pagtataka. Saglit itong tumawa. "isa akong manggagamot ang aking ngalan ay Nail. Doktor ang aking propesyon" Tanging pagtango lang aking sagot.

Makalipas ang ilang oras ay pumasok ang dalawang nilalang na pamilyar ang kanilang amoy at ang kanilang boses. "Kumusta ang iyong pakiramdam hijo?" tanong ng isang babaeng may edad. "Maayos naman ang aking pakiramdam, salamat" sagot ko.

"kung hindi mo mamasamain ang aking katanungan, ikaw ba ay isang bampira at ang pangalan mo ay Blade?" marahang tanong ng lalaking nilalang. "Isa akong bampira, ngunit hindi ko matandaan ang aking pangalan, paumanhin" sagot ko.

Tinuro nila ang aking espada na may naka ukit na Blade sa bandang hawakan nito.

Biglang sumakit ang aking ulo at biglang nawalan ng malay.

Mga tawanan ng isang masayang pamilya ang siya'y aking narinig sa 'di kalayuang silid. Dali dali ako nagtungo roon upang pagmasdan sila.

Dalawang lalaki naglalaro a5 tatlong prinsesa.

Los VampirosWhere stories live. Discover now