Chapter 3

7 1 0
                                    

Dalawang lingo na pala ako dito sa Bahay ng mg amo ko, at excited na kinakabhan ako dahil, bukas sa wakas makikita ko na ang mga ito.. uuwi na sila bukas galling bakasyon kinakabahan ako dahil di ko pa alam kung magugustohan ba nila ako... pero sabi naman ng mga kasamahan ko, mabait naman daw ang mag-asawa medyo may kaedaran na din... medyo makulit daw ang aking among babae pero okay nman daw, I mean mabait nman daw in general....

yun nga medyo busy ang lola nyo ngayon dahil, bukas may gaganapin na big party... kasi nga dadating na ang mga big boss dito.... at nang gabi maaga kaming natulog dahil maraming gagawin bukas.

alas singko palang ng umaga gising na ako at dali-daling naligo. hindi na ako nasigawan dahil gabi palang hinanda ko na ang aking susuotin natoto na ako dahil sa nangyari

pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at nag-almusal dahil ngayon ang uwi ng mga amo ko at nag sibabaan narin ang dalawa ko pang mga kasamahan, nag-almusal at ginawa ang kanilang mga kanya-kanyang Gawain.

at ako nman bumaba sa serdab at stikbal(basement) para maglinis at mag handa narin para sa big party mamayang gabi.

hinanda ko ang mga gagamiting siniya(tray), stikana and fenjan(glass for tea and Arabic coffee), at matara(termos).. nilagay at inayos ko na lahat sa ibabaw ng tawla(table) sa may gitna ng malawak na sirdab.makalipas ang dalawa/tatlong oras natapos na rin ako.... aakyat na sana ako sa kusina upang tumulong sa pagluluto nang pumasok ang anak na babae ng amo ko

hello!!! assalamu alaikum!!! bati nya sa akin.....

hello madam, salam sagot ko din sa kanya ng may kaba sa dibdib.. syempre anak yun ng amo ko and yes maganda, napakakinis at matangkad pa...

ngumiti sya sa akin at "shu ismak?(what is your name) tanong nya sa akin...

ako nman di maka sagot Malala naka-nganga pa... at akala ko alien ang kaharap ko, wala akong naintindihan.

naalala niya na baguhan lang ako kaya " sorry I forgot that you are new" at nginitian ako...

kaya napangiti narin ako sabay sabi "its okay madam.... smile with labas ang postiso kong ngipin

what is your name? tanong niya still nakangiti

REina madam... mahina kung sagot sa kanya

nice name, sabi pa niya... na di na natanggal ang matamis na ngiti

my name is noura,,, daughter of your sponsor... and later you will see them for the first time...sabi pa niya, with ngiti parin.. napangiti lang ako.... don't worry my parents won't eat you, they are good... and I know they will like you, and you will like them as well.... dagdag pa nya

don't be afraid, just relax and good luck...

thank you madam... yun lang ang nasabi ko sa kanya

at tinignan nya yung ginawa kung arrangement sa mesa at nag thumbs up lang sabay sabi "very good" ya reina.pagkatapos nya mag checking, nagpaalam na sya sa akin okay bye, nice meeting you and see you later....at umakyat na sya kinausap nya muna ang matanda kng kasama at nagpaalam

at umakyat na ako upang tumulong sa taga luto, ngunitdi nya ako pinatulong sabi lang nya" mag snack ka nlang jan... di ka pa pwede humawak ng mga pagkain ng amo kasi wala pa ang result mo sa medical... kaya wala akong nagawa at tumitingin nalang sa mga ginagawa nya..

habang kumakain ako, lumapit sya at nagtanong;, anong sabi ni noura sayo?

wala naman nag check lang sya sa baba tapos nagpakilala yun lang. sagot ko naman... habang nag uusap kami sa kusina biglang ay nag door bell, andiyan na sila sabi lang ng kasama ko sabay alis para pagbuksan ang nasa pinto......and yes! sumusunod ako sa kanya sa may likuran nya. kinakabahan na namna ako.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

abangan ang first meeting ni reina at ng kanyang mga employers....

kinakabahan din ba kayo tulad nya?

ako kasi kinakabahan na... hehehe

dearest readers,

nagpapasalamat ako ng marami dahil sa patuloy nyong pagsusuporta ng aking nobela

sana samahan niyo po ako hanggang dulo.

stay safe po tayong lahat

love lots,

Brokenwings85

BUHAY ABROADWhere stories live. Discover now