Chapter 4

0 0 0
                                    

ding dong..... ding dong......ding dong.... tunog ng door bell at pumunta agad kami sa may pintuan upang pag-buksan ang dumating.

ako kabadong-kabado dahil makikita ko narin ang mga amo ko for the first time, unang pumasok ang 17 yrs old na poging binata na nakangiti na bumati sa amin.

salam!, how's everything?

salam! everything is great, welcome back.....sabay nming sagot.

oh! you're the new one! how are you? kumusta ka? welcome to Kuwait... sunos-sunod nyang tanong sa akin na di natanggal ang kanyang ngiti.

hello! i'm good thank you.... sagot ko sa kanya na di mapakali...

sumunod naman ang medyo may edad na babae na maganda,maganda ito. binati nya kami na may ngiti sa mga labi.

ASSALAMU ALLAIKUM,

HOW ARE YOU?

HOW,S THE HOUSE?

sunod-sunod nyang tanong sa amin.

salam madam!, everything is fine... sabay naming sagot...

welcome back.....sabay pa din naming sambit

at napansin nya ako; oh! hello, shu smeek ente?(what is your name?) tanong nya sa akin. hindi ako nakasagot kasi alien sya este Arabic... nagtawanan mga kasama ko sabay sabi " madam speak English... she's new ".

kaya yon nag eenglish na sya..

pagkalipas ng ilang minuto pumasok na ang amo kung lalaki...

hello guys!

how are you?

how's everything?

sunod-sunod nyang tanong..... sabay ngiti

hello sir! we're good! everything is great.... sabay naming sagot with sweet smile... hehehe

hello! Reina right? baling nya sa akin still naka smile pa rin

yes sir! sagot ko nman na naka yoko. as in yoko yan kasi ang briefing sa amin ng ahensya ko sa pinas

pagkatapos ng kumustahan nagbalik na kami sa aming mga ginagawa... makalipas ang mga oras umpisa na ng unang sabak ko dito sa Bahay... maraming mga bisitang Kuwaitis... dahil sa subrang dami ng bisita ilang oras akong di naka upo panay ang Ikot-Ikot namin bigay ng tsay kuha nang pinagtsayan.. bigay naman ng coffee, sweet etc... paulit-ulit nming ginagawa... kaya no time para maupo subrang pagod na ako.. isa pa di ako sanay sa ganito nararamdaman ko na ang pananakit ng aking binti namulikat na ito

gusto ko na umiyak dahil napagod na talaga ako idagdag pa ang sakit ng binti ko at paa... pero wala akong magawa kaya (hahay ganito pala dito sa ibang bansa) bulong ko sa sarili ko.

time check: 2 am ng madaling araw... nagpaalam na ang mga bisita

shukran (thank you)

maasalama (goodbye)

paalam ng mga bisita. saka pa ako dahan-dahan na napaupo para akong lantang gulay grabe ang panlalambot ko...biruin simula 7 pm to 2 am wala kaming pahinga di ka kaya malanta

nang wala na ang mga bisita pagliligpit nman ang inaasikaso namin... tapos nag vacuum pa kami para kinabukasan punas at mop nalang...

at 4 am saka lang kami naka akyat sa aming silid pagod na pagod kaming nahiga at di namalayang nakatulog na.

5:30 am gising na kami at nag ayos at bumaba para maghanda ng almusal. at nag almusal na din... at 6 am bumaba na kami sa basement para maglinis. tumagal ang linis nmin ng almost 2 hours... pag katapos akyat na nman kami sa matbak ("kusina")

para magluto ng kaada(lunch)

alas 12 noon tapos na namin lahat ng lutuin at nakalinis na kami ng kusina..

akala ko pwede na akong magpahinga, di pa pala dahil kailangan na naman naming maghanda dahil may bisita nanaman mamayang gabi.

alas 6 na ng hapon ng dumating ang mga bisita... at ito na naman ang ate nyo pagod na pagod na nman.... alas 12 mid nagsialisan ang mga bisita.... at alas 2 na nang madaling araw kami ntapos at umakyat halos araw araw ganun ang trabaho nmin din after a month salary time na ang pinakahihintay ng mga kasambahay katulad ko

oh! Guys salary time:, sabi ng amo nming lalaki galling bangko

pagkatanggap ko ng sahod, thank you sir, tuwang-tuwa kong sabi syempre makakapagpadala na ako ng pera.

siguro 15 minute din na nasa kamay ko ang pera tapos ayon binigay ko na sa tagamaneho para padala buong sahod walang natira sa akin kasi wala pa nman akong paggagastosan at mobile.

after 30 minutes dumating na ang tagamaneho pagbigay na pagbigay ng recibo humiram ako agad ng cp sa kasamahan ko, at nagmessage sa aking ina

at ayon yung mga routine ko dito almost everyday.... nakakapagod kaya lang kinakaya

ko para sa pamilya at anak ko

***********************************************************************

hello dear readers,

ngayon lang ako nkapag sulat kasi super busy ang ate nyo....

sana patuloy nyo pa rin subaybayan ang kwento ko.

keep safe po tayong lahat.

love lots,

Brokenwings85

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BUHAY ABROADWhere stories live. Discover now