CHAPTER 4

52 8 0
                                    

          Naka tunganga ako buong klase at ni isa wala akong naintindihan sa mga disscus ng teacher namin, Haaay! bad influence talaga yan si tizer kainis sya.





Nilagawan nya ako pero di ko sya sinagot, syempre dahil alam kong hindi sya seryoso, pero meron rin sa side ko na gusto ko syang sagutin pero mas nangibabaw ang takot ko, ayaw kong masaktan, at lalong ayaw kong ma husgahan ng maraming tao, lalo pa't sa mata ng mga tao ay masama ito.





Nag dismissal na kaya lumabas na ako, di ko rin nakita si tizer, siguro dahil ito sa sinabi ko sa kanya kanina, nagiguilty tuloy ako. siguradong galit sya sakin.




Nang makarating ako ng canteen ay nakita ko sila shery at dina kaya agad ko silang nilapitan, agad naman nila akong napansin kaya nag wave ang mga ito.







"Ba't naka simangot ka? at nasaan si oppa?" tumingin pa talaga sila sa likod ko, inikutan ko sila ng mata.






umopo muna ako bago nag salita. "Hindi ko alam, at mabuti narin at hindi na nya ako kinukulit" sabi ko.





"Eh bakit naka busangot ka dyan? namimiss mo sya?" tumatawa si shery habang sinasabi ito, sinamaan ko sya ng tingin.





"Wala, ano... ahh stress lang sa kakastudy ko" pag aalinlangan kong sabi, napa lunok narin ako sa mga tanong nila, gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari pero alam naman natin kung gaano ka daldal ang mga bunganga ng mga babaeng ito kaya di ko nalang i-oopen yun.






"Sus, kunwari kapa dyan liam! eh kilala kana namin!" sabi ni dina na seryosong naka tingin sakin kaya umiling ako.







Tumayo ako para bumili nalang ng makakain ng mahagip sa mata ko si tizer na kanina pa naka tingin sakin, gumaan bigla ang loob ko kaya di ko mapigilang ngiti-an sya. Na shock ako ng hindi sya ngumiti pabalik, napa yuko ako sa hiya, ugh! never mind. Ganito talaga magalit si tizer, hindi namamansin.





kumain nalang kami ng tahimik habang nag uusap sa mga kanya kanyang buhay namin, si dina daw may palaging naka tingin sa kanya kaya ayon todo tili, masyadong feelingera itong si dina kaya siguarado akong nag sisinungaling lang sya.


Nang matapos na kaming kumain ay nag paalam na kami sa isa't isa dahil limang minuto nalang at malelate na ako sa math subject.




pag pasok ko sa room ay nandoon na si tizer, masaya sya habang nakipag kwentohan sa mga babae, nakaramdam ako ng galit at inis, nanggigigil ako sa mga babae! ang landi nila! at ito namang si tizer ay hinayaan nya talaga ang mga babaeng yan?




nang makita ako ni tizer ay tumahimik sya at bumalik sa pagiging seryoso, tumaas ang kilay ko, sumusubra na'tong si tizer! nakakainis na sya!




Dumating narin ang teacher kaya tumahimik na ang lahat.



matapos ang dalawang subjects ay lunch break narin. niligpit ko muna ang gamit ko at tumayo, napatingin ako kay tizer na nag mamadaling umalis kaya naman nag taka ako.






nag chat ako kina dina na sabay akong kumain sa kanila at yun pumayag nama  sila.







pag dating ko sa area namin ay si tj palang ang nakita ko kaya nilapitan ko sya. busy itong naka tingin sa paligid.



"Hi Tj! nasaan sina dina at shery?" bungad ko sa kanya, nagulat naman sya sa biglaan kong pag sulpot.






"Nakakagulat kanaman teh!" umasta pa talaga na parang shock na shock, sarap rin hampasin ng dos por dos na kahoy itong si Tj eh, kala mo nakakita ng multo? sa gwapo kong to?





The Unexpected Destiny (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon